Tanging ako na lang ang nananatiling nakaupo sa kotse ni Steiner. Lumabas na sina Trisha at Patrick. Ngunit bago pa man sila tuluyang lumabas ay ang tanging ginawa lang nila sa akin ay inasar lang nila ako baka papunta na raw kami sa heaven. Hindi ko inaasahan na gagawin nila iyong isang biro kahit na hindi naman talaga nakakatawa iyon. Ayaw ko pang mamatay. Ngunit sa tingin ko ay ibang heaven ang kanilang tinutukoy. Bumuntonghininga ako habang nakita ko lang sa aking tabi na patuloy sa kanyang pagmamaneho si Steiner. Patuloy na pumapagitna sa amin ang katahimikan na hindi ko na rin alam kung bakit ako natahimik at kung bakit wala itong gustong sasabihin sa akin sa mga puntong ito. Napaupo ako nang maayos at itinutok ko ang aking tingin sa madaanan naming mga bahay at mga puno para hind

