Nagpatuloy lang ako sa aking pag-upo at ang tanging ginawa ko na lang ay hinihintay ko na rin na lumapit ang waiter dahil tinawag na ito nila. Marahil hindi ko na alam pa kung ano ang aking gagawin sa mga puntong ito dahil ang aking galaw ay limited lamang. Dahil sa presensiya ni Steiner sa aking tabi, iyon na rin ang dahilan kung bakit hindi ko na rin magawa ang dapat ko lang na ginagawa. Sa tingin ko din naman sa mga puntong ito, marami na akong sinasabi sa kanila. Mga bagay na mga nalalaman ko tungkol kay Steiner dahil alam kong hindi sila titigil na pag-uusapan namin iyon ngunit hindi ko nga iyon magawa pa dahil sa presensiya niya dito. Anyway, mayroon lang na isang waiter lumapit sa aming table at kinuha ang lahat nang order namin. Lahat nang pagkain na gustong aming orderin at dahi

