THIS BOOK IS A WORK OF FICTION NAME PLACE THINGS SITUATIONS EVENTS ARE PRODUCED BY AUTHOR'S IMAGINATION.NO PART OF THIS BOOK MAYBE USED OR REPRODUCED IN ANY NAME WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE AUTHOR. PLAGIARISM IS A CRIME ALL RIGHTS RESERVED © 2020
-TOM'S- ORIGINAL STORY-
Please guys, I am not a perfect writer and you might find some jokes in this chapter that are not funny nor amusing. I am accepting a constructive criticism as long as you do not put any harsh words and judged me for wasting my time doing a story. This is my passion and I believe that my works will either soon be published as a book or become a part of a local industry film. Thank you for your understanding and I hope you are laughing hard while reading it.
As usual, ang daily routine ng buhay ko ay hindi binago ng pagiging Presidente ko sa school. Naglinis ng katawan, kumain at umalis kasama ang aking kapatid patungo sa eskwelahan, this time sinigurado ko na hindi na ako male-late sa pasok dahil nahihiya ako at baka sabihin ng iba na abusado akong mag-aaral.
Pagkapunta sa school, ay wala pang tao bukod sa akin, hindi pa kase sumisikat ang araw ay nagtungo na kami sa school ng aking bunsong kapatid. Makaraan ang ilang minuto ay sumunod na pumasok si Maria Adik, parang sabog o nakainom pero ang sabi n'ya ay epekto lamang ito ng gamot na kanyang iniinom pampapayat dahil sa medyo may katabaan ang katawan nito.
"Goodmorning Mr. President, ang aga natin ah". Bungad na tanong ni Maria Adik na abot langit ang ngiti.
"Ok", maikli kong sagot sa kanya.
Bakit ang aga mo namang pumasok, siguro dinikitan mo ng bubble gum ung upuan ko no? Unang kalokohan na nag-pabwisit sa akin.
"Oo, kaya kapag naupo ka dun, hindi kana ulit makaka-tayo dahil madikit ang bubble gum na binili ko". Sabay ngiting demonyo.
Paano kapag tinignan ko pero wala. Pangungulit nito.
Eh di lagyan mo! Pabiro kong sabi sa kanya.
Nagtungo ito sa kanyang pwesto at tinignan ang kanyang upuan, wala s'yang nakita kaya't s'ya na mismo ang naglagay ng bubble gum. Lumapit s'yang muli sa akin at sinabing nilagyan n'ya ang likod ng upuan n'ya.
Mr President, wala akong nakita kaya't ako na ang naglagay, pero sa likod lang ng upuan, palatandaan na ako ang nakaupo dun. Seryosong sagot ni Maria Adik
Ah, ganun, ang tagal naman nilang dumating, ba't nga pala ang aga mo pumasok, Adik? Pagtataka ko sa kanya.
Ah, kase kagahapon ang sabi ni Ma'am Maria, kung sino ang maaga pumasok, s'ya ang maglilinis ng room, eh sakto naman na sanay ako sa gawaing bahay kaya minabuti ku nang magkusang pumasok. Wala naman din kasing balak ang iba kaya daw sasadyain nilang ma-late, ako naman, maliit na bagay lang ito sa akin hehe. Pagpapaliwanag ni Maria Adik.
HALA!! BAKIT HINDI MAN LANG N'YA SA AKIN SINABI KAGAHAPON!! Paninigaw ko kay Maria Adik na tila ay natanggalan ng tutuli sa aking paninigaw.
Teka, teka, una President, nagtanong kaba? Pangalawa, ano naman ang masama sa paglilinis ng classroom eh tayo din naman ang gumagamit nito ah!! Pangangaral sa akin ni Maria Adik
Exactly, dahil presidente ako ng classroom natin pati ng buong mga mag-aaral dito, hindi ito sakop ng responsibilidad ko kaya't ikaw na ang mag-sabi na ikaw ang nauna, tutal sayo narin nanggaling na maliit na bagay lang naman ang maging morning cleaner. Pag-uutos ko sa kanya
Huh, ano ka, hello? Oo, marahil ay sinabi ko yun pero hindi naman kasi ako ang nauna! Pagtataray nito sa akin habang nangangalay na sa pagtayo.
"Hayyys, oh sige na nga, pero dapat nandito na silang lahat, para naman mas lalu pang bumango ang pangalan ko at mas lalo silang mamangha sa akin dahil ako ang maglilinis nitong room". Kondisyon ko kay Maria Adik.
Ikaw ang bahala, President, nasunod lang din ako sa gusto mo basta't wala tayong sisihan sa bandang huli. Sabi ni Maria Adik.
Sumisikat na ang araw, ngunit wala parin ni isa ang pumapasok bukod sa amin ni Maria Adik, maya-maya pa ay pumasok na si Ma'am Maria.
Napatingin ito sa classroom at nagulat nang wala itong kalaman-laman bukod sa amin ni Maria Adik.
"Oh, good morning sa inyong dalawa, at bakit wala kayong kaklase ngayon? Nasaan sila?" Bungad na tanong ng guro na sobrang gulat sa nangyari.
Ma'am, Goodmorning po, pero wala po atang gustong maglinis nang room natin dahil sa bilin n'yo kagahapon bukod sa akin.
At sa presidente, na maaga ring pumasok! Pagmamalaki ng guro.
Sige na, joke lang naman ang maglilinis eh, pero President, kung gusto mo ay ok lang naman din, pero gawin ito mamaya bago mag-uwian, ok?
Di bale nalang pu Ma'am wala po akong dalang alcohol dahil baka may germs po akong makuha, magkasakit ako at hindi makapasok, kawawa naman po ang buong school kung mahihirapan sila ng wala ako dito! Pabirong sabi ko na sineryoso ng guro.
"Ok". Maikling sagot ng Ma'am Maria
Biglang nag-sipagdatingan lahat ng kaklase namin na sina Maria Goldens, Maria Binaliktad, Maria Nagbubuga, Mariang Pinagpalad, Maria Tagapagsalin, Maria Chickens, Jose MangKano, Jose Hidsit, Jose Agimat, Jose Baliktad, Jose Dalisay, Jose Pasikat, Jose Balasi, at si Jose Bubog.
Nakapamewang ang guro na nagtungo sa gitna, inilagay ang bag sa table at tinaasan ng kilay ang mga na-late.
"Oh, isa isahin natin ang mga late" Nangigigil na sabi ng guro.
"Unahin natin ang mga Maria's". Sigaw ni Ma'am.
Ikaw Maria Goldens, bakit ka na late iha, akala ko ba ay time is gold when watching gold chain, or in tagalog kadenang ginto, baka naman puro ka hashtag #margacassieendlessfight kaya ka na late? Sabi ng galit na guro.
Ma'am kaya po ako na late dahil inasikaso ko po ang lolo kong may sakit. Naiiyak na sabi nito.
Kumuha ng tissue ang guro dahil tumulo ang luha nito ng hindi ni'ya napapansin.
Next naman ay si Maria Binaliktad.
"Ma'am Maria, na late po kase ako dahil may sakit po ang lola ko". Sabi n'ya na muntikan nang maging emotional.
Next naman ay si Maria Nagbubuga.
"Ma'am na-late po ako dahil may sakit po ang nanay ko". Maikling sagot n'ya habang nakayuko.
Next naman ay si Mariang Pinagpalad.
"Ma'am, sorry, na late po ako dahil, ung tatay ko po ay nagkasakit". Pagpapaumanhin nito
Next naman ay si Maria Tagapagsalin
Ma'am Maria, pasenysa na pu kayo, na-late po ako dahil may sakit po ang panganay naming kapatid. Naiiyak na sabi nito
Next naman ay si Maria Chickens.
Ma'am Maria, I am so sorry for being late today, may sakit po ang sumunod sa aming panganay na kapatid. Naiiyak na sabi nito
Next naman ay si Jose Mangkano, Ngunit bago pa man ito maka-pagsalita si Jose Mangkano ay nauna na si Ma'am Maria.
Ako naman, kaya ako hindi masyadong maaga dahil may sakit ang pangatlo kong kapatid hangang apo sa tuhod ng lolo at lola ako. At ikaw naman iho bulol ba sa letter R ang lahi mo? Bakit ka na late Jose Mangkano?
"Ma'am Maria, wala po kaming orasan sa bahay dahil ninakaw po". Pabirong sabi nito.
Huh, bakit naman yun nanakawin iho? Pagtataka ng guro.
Ewan, baka wala po silang orasan kaya ganun. Pero Ma'am joke lang pu un, wala po akong pamasahe kaya po naglakad ako. Malungkot na sabi nito
Next naman ay si Jose Hidsit. Pero bago paman ito mag-salita ay agad nagtanong si Ma'am Maria.
"Actually iho, natatawa ako sa apelyido mo pero sige dahil alam kong bisaya ka pero tuwid magsalita, ay nirerespeto ko ito". Bakit ka late? Natatawang sabi ng guro
Wala pu Ma'am, hindi ko po narinig ung alarm clock dahil nakaheadset po ako sa bahay pinakikinggan ko ung sarili ko habang kumakanta. Seryosong sagot nito.
Sample nga? sabi ni Maria Adik na tila ay natutuwa sa mga na late.
Sige, guys palakpak kayo habang nakanta ako ok! Paghihikayat ni Jose Hidsit
Lahat ng nalate: Ok!
Ehem, bubwelo lang ako. "Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birtday, happy birthday to me.
Bigla namang sumingit si Maria Adik pagkatapos kumanta ni Jose Hidsit, ipinagpatuloy n'ya ang kanta gamit ang ibang lyrics.
Maligayang bati... Common guys palakpak.. Maligayang, maligayang, maligayang bati.
Napatitig na lamang ang lahat sa kanyang ginawa sabay tawa ng matapos ito sa kanyang pagkanta.
Binasag naman ni Ma'am ang aming kasiyahan, "Okay, kayong lahat na late, magsiupo na kayo".
Pumasok na ang lahat ng hindi man lang nakapag-paliwanag ang lahat. Medyo badtrip nanaman ata si Ma'am dahil sa nawawalang kuting n'ya na ang pangalan ay Pusa, kapatid ni Siopao.
Pagkaupo nila ay nanermon si Ma'am Maria.
"Oh, ikaw Jose Agimat, hindi mo ba ginamit ang powers mo para hindi ka maligaw papunta sa school, ano pa ang silbi ng medalya na suot mo kung simpleng bawal ma-late ay hindi mo masunod"!
"Oh ikaw, Jose Baliktad, sa kamamadali mo dito ung sapatos mo baliktad din".
"Oh ikaw naman, Jose Dalisay, hindi ka nga tinatablan ng bala kagaya ng sinabi mo dati pero katamaran pumasok on time, hindi mo magawang sundin"!
"Oh, ikaw naman Jose Pasikat, laos na ang suot mong relo, anong nangyari sa mga dinate mo na nakita mo sa online, ayaw mo na kase puro sila freak, ugly, and disgusting"!
"At ikaw, Jose Balasi, sino ba silang mga ka-chat mo na nakita ko sa Cellphone mo nung nakaraan, ayaw mo sila dahil hindi mo sila kilala?"
Okay, today we almost consumed our time, so now let us continue our lesson tomorrow and guys, please don't be late again, otherwise, you will receive a failing grade in my subject.
Nilisan na ni Ma'am ang room matapos tumunog ang bell..
CHAPTER 5 PART II COMING SOOOON :-}