EPISODE 4 PART II-PUSANG GALA

1363 Words
THIS BOOK IS A WORK OF FICTION NAME PLACE THINGS SITUATIONS EVENTS ARE PRODUCED BY AUTHOR'S IMAGINATION.NO PART OF THIS BOOK MAYBE USED OR REPRODUCED IN ANY NAME WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE AUTHOR. PLAGIARISM IS A CRIME ALL RIGHTS RESERVED © 2020 -TOM'S- ORIGINAL STORY- Please guys, I am not a perfect writer and you might find some jokes in this chapter that are not funny nor amusing. I am accepting a constructive criticism as long as you do not put any harsh words and judged me for wasting my time doing a story. This is my passion and I believe that my works will either soon be published as a book or become a part of a local industry film. Thank you for your understanding and I hope you are laughing hard while reading it. Hmmmp, oh sige Ms Adik, makakaupo kana! Paguutos ng guro na tila ba ay naging iritable sa sagot ni Maria Adik.  Ma'am Pwede pu ba akong magtanong? Pahabol ni Maria Adik.  Anu un iha? Uutang ka rin ba sa akin, dahil kung oo pwes hindi ako nagpapautang unless nagigipit ka!! Pagsusungit ni Ma'am Dina Nakakapagpabagabag. Pwede pu ba kami makikain sa inyo, tutal birthday n'yo naman pu eh. Pupuntahan ko yan kahit saang sulok o lupalop pa yan ng mundo hehe. Pabirong sabi ni Maria adik. Iha alam mo, ang birthday ko ay sini-celebrate tuwing pasko kasabay nang  birthdays ng mga kapatid ko para makatipid kami so kung gusto mong maki-kain, pumunta ka sa amin sa pasko at sisiguruhin kong bubusugin kita. Seryosong sagot ni Ma'am Dina Nakakapagpabagabag Nagtawanan ang buong klase sa sinabi ng guro.... Bakit class, hindi ako nag-jojoke totoo yon...Sagot ni Ma'am Dina Nakakapagpabagabag Anyway, gusto ku kayong bigyan ng isang advice sa buhay, dahil kaarawan ko ngayon, ito na ang regalo ko sa inyong lahat, "Mahirap na masarap", ito ang totoong kahulugan ng buhay natin, may mga ups and downs, kagaya nang gulong, ito ay umiikot o nagbabago, maraming tao ang dadaan sa buhay ninyo na mag-aambag sa buo ninyong pagkatao, at kung ikaw ay madadapa sa buhay at masusugatan, bumangon ka at patuloy na lumaban, kaya't palagi magbaon ng skyflakes, available sa mga suking tindahan, basta tandaan kahit saan ka magpunta, palaging magbaon ng skyflakes sa bulsa, pwede din kayong bumili sa akin kung gusto nyo. Ingat.. Bigla nag-ring ang bell, hudyat na tapos na ang math subject. "Okay, guys maraming salamat at sana ay marami kayong natutunan ngayong araw". Huling habilin ni Ma'am Dina Nakakapagpabagabag Matapos nito ay sumunod na ang ibang subjects, hindi ko iniintindi ang bawat lessons dahil ang utak ko ay naka focus lamang sa plano ko sa field trip.... Finally, matapos ang last subject ay nagtungo ako sa faculty at kinausap si Ma'am Maria patungkol sa nasabing field trip. Pagkababa ko ay nasaktuhan ko naman s'yang papasok palang sa kanilang office. "Ma'am Maria, pwede ku ba kayo makausap, tungkol lang ito sa gaganaping field trip hehe", bungad na tanong ko sa kanya. "Oo, nag-uusap na tayo iho", pagsusungit ng guro. "Haist, wala ako sa mood talaga eh! Nawala kase ang kuting ko at muntikan na akong ma-late, nakakainis!! Pagkairita ng guro na naka-kunot na ang nuo. "Ma'am talaga po ba, baka ginawa na pong siopao" pagbibiro ko sa naiinis na guro. "Iho, hindi magandang biro 'yan". Kapag yan ay nangyari talaga, hindi na ako bibili ng siopao. Malungkot na sabi ng guro. "Eh, Ma'am Maria, ano pu bang pangalan ng pusa este ng kuting n'yo, magpapatulong ako sa baranggay na mahanap ito"? Malay natin, diba, magpabuya nalang kayo o kaya ay magpacontest sa kung sino ang makakakita kay..... Pusa.. Pagsisingit ng guro na nalulungkot.. Pusa ang pangalan ng kuting ko, at ang pangalan ng kapatid n'ya ay si Siopao. Kapag may balita ka sa kinaroroonan n'ya ay ipagbigay alam mo muna sa akin. Sambit ng guro na tila ay hindi susuko sa kanyang problema. "Pusa, pangalan ng kuting at kapatid ni Siopao". Pag-uulit ko sa kanyang sinabi. Oo iho, at sabihin mo ang palatandaan ko ay puti ang balahibo nito, may mata, ilong, bibig tenga at mahilig bigkasin ang salitang, "MEOW". At kung sino man ang makakita nito ay magkakaroon nang house and lot, kotse at trip to hongkong disneyland kasama ang buong pamilya. Pagyayabang ng guro. Ma'am actually may nakita po akong kuting kaganina, eksaktong eksakto po sa hitsura ng kuting ninyong si pusa na kapatid ni siopao, kung ibabase ko ito sa kung papaano n'yo s'ya i-describe! Masayang sabi ko kanya habang ini-imagine ang sarili ko sa hongkong disneyland kasama ang buo kong pamilya. "Talaga, iho, asan, halika't puntahan natin habang hindi ko pa ina-announce ang pabuya". Excited na sabi n'ya habang hinihila n'ya ako sa braso. "Ah eh, Ma'am narinig ko lahat ng sinabi n'yo eh di dapat ako ang makakatangap ng premyo". Pagkadismaya ko sa mga nauna n'yang pahayag. "Iho, may sinabi ba akong premyo? Parang limot ko na? pero oh sige, ganito nalang bukas din hanapin mo muna ang kuting kong si Pusa saka mo s'ya dalhin sa akin. Tapos, saka natin kakausapin ang Principal sa plano natin sa field trip. Wala ako sa mood ngayon para sa kung ano pa mang talakayan. Sige umuwi kana at baka hinahanap kana sa inyo! Mahabang pagpapahayag ng guro na parang sasabog na. Umuwi ako ng bahay na tila ay lungkot na lungkot, nakayuko habang naglalakad at iniisip kung anong gagawin ko, Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko si Prince Sisa na nakaupo sa labas ng bahay kasama ng aking mga magulang, masaya silang nag-kukwentuhan, lumapit ako, nagmano at sabay tanong kung bakit naguumapaw ang saya sa kanilang mga mukha! "Ma, pa bakit po kayo masaya"? Pagtataka ko habang nahahawa sa kanilang kasiyahan ang mukha kong parang malungkot kanina lang. "Kuya, ayaw mu po ba akong isama"? Pilosopong sagot ni bunso habang nakatitig sa akin. Haiistt, oh sige na nga, "ma, pa, prince sisa, bakit kayong masayang tatlo, anong pong meron? Pagtatanong ko sa kanila "Anak, merong nakitang kuting ang kapatid mo habang papauwi s'ya, kaya't iniuwi n'ya dito at aalagaan daw n'ya dahil sa awa n'ya". Sabi ni Papa habang tuwang tuwang tinititigan ang bunso n'yang anak na sobrang masaya S'ya nga pala kuya, kumusta po ung kuting na tinulungan mo, pasensya kana ah, kinuha ko kase ang sim card mo kaganina at nakisalpak sa teacher ko para makapagtiktok ako, so kuhain mo mamaya dahil wala na yung load. Pagsingit ni Prince Sisa. "Ah, eh ok naman actually ah.... ano.... ahhh, pu-pwede kubang makita muna ung kuting para malaman ko kung pwedeng gawing siopao ah, este kung maganda ba" Nauutal na sabi ko. Kinuha ni Prince Sisa sa loob ng bahay namin ang kuting na kinukwento nya, at nang dalhin nya ito sa akin, ito ay hawig sa kuting na dahilan kung bakit ako na-late sa aking klase. At marahil ito rin ang tinutukoy nang aking guro na nawawalang kuting n'ya, dahilan para maudlot ang pag-uusap namin tungkol sa field trip. Nagisip muna ako kung sasabihin ku bang ito ang nawawalang kuting ni Ma'am Maria na si Pusa. Mas mahalaga ang magiging pagtalakay namin sa field trip dahil ito ang unang gagawing proyekto ko sa school kaya naman ay sinabi kong ito ang nawawalang kuting ni Ma'am Maria. "Uy, akin nato, oo ito yung dapat na ililigtas ko na sinabi mo, buti nalang at ikaw ang nakakita". Pasigaw kong sabi sa aking kapatid na hawak hawak ang cute na kuting" "Anak diba presidente kana ng school? Dapat mas nagpopokus ka sa mga responsibilidad mo sa school dahil ikaw ang leader ng kabataan sa paaralan mo! Pagpapa-alala ni Mama Riyna Kaya nga anak, hindi kana dapat nakikipag-away sa bunso mung kapatid dahil presidente kana ng school ninyo, tama ang nanay mo. Dagdag ni tatay Arie. Eh kase po, nawawala din ung pusa ng teacher ko eh. Tamang hinala ko "Anak, pusa ang nawawala sa teacher mo, eh kuting yang hawak ng kapatid mo eh". Sambit ni Papa. "Kaya nga po, kuya presidente kana kaya dapat po nagpapakumbaba ka" Pahabol ni Prince Sisa. Pusa po ang pangalan ng kuting ni Ma'am Maria. ANO!!? Sabay sabay nilang tanong sa akin sabay titig sa mukha ko, na tila ba ay nalito sa aking mga sinabi. "Anak, pusang gala ka naman oh, ano bang nawawala sa teacher mo pusa o kuting" Tanong ni Papa Arie. Kuting po pero pusa. Maiki kong sagot. Oh, anak, baka na-i-stress kana sa school! Pag-aalala ni Papa Arie Hindi pu pa, pusa po ang pangalan ng kuting.  Hayaan n'yo na nga! Nagtawanan kaming lahat, nawala ang stress ko dahil sa aking mahal na pamilya at alam kong sila lamang ang bukod tanging magpapasaya sa akin ng ganito dahil FAMILY IS LOVE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD