Chapter 4: Ex-friends AGAD siyang kumalas sa pagkakayakap ni Paul. "Male-late na tayo sa meeting," sabi niya rito. Mabilis siyang naglakad palabas para makaiwas sa lalaki. Kahit pa nga nahihirapan siyang maglakad dahil mas sumakit na ang paa niya dahil sa heels na suot. Bawal ang lovelife ngayon, kaya hangga't maaari ay iiwasan niya ang lalaki sa flirtatious look nito. Kasalukuyang kumakabog ang dibdib niya nang dahil sa ginawa nito. Ang totoo minahal din naman niya ang lalaki, hindi nga lang tulad ni Liam na minahal niya talaga nang mas malalim. "Dito ang daan natin." Tinuro nito ang daan patungong parking. Tumango lang siya saka sumunod dito. Pinag-aralan niya si Paul habang naglalakad. Matangkad din ito na nasa anim na talampakan. Kung si Vincent ay happy-go-lucky look, si Liam

