Chapter 3: Monster Boss NANG sumapit ang ala-una o after lunch ay bumalik din naman si Danna sa opisina. Mabilis niyang nakuha ang ID niya. Mahigpit ang opisina ng Weekly Fab at kailangan na nakasabit ang bagay na iyon sa bawat sulok ng lugar. Hindi rin basta-basta makakaakyat sa opisina ng editor-in-chief na si Liam kapag hindi accessible ang badge nito. At least, mayroon na akong half day today, she thought. She really needs this job. Sa dami ng utang niya at kailangan niya pa ng panggastos nilang magnanay, thirty thousand is a nice pay for her as an assistant. Hindi lahat ay nabibiyayaan ng ganitong suweldo. Bumalik siya sa opisina ni Liam. Malawak ang kuwarto ng opisina nito kung saan naroon din ang mesa niya bilang assistant na napakaraming kalat sa kasalukuyan. Isang pader l

