Chapter 2: Ghost of Boyfriends’ past HINDI maipaliwanag ni Danna ang tamang termino sa ambiance ng opisina ni Liam sa oras na iyon kung hindi—awkward. Pinaupo siya nito sa isang silya na nasa tapat nito. Sinunod naman niya ito. Napapaisip siya kung ang lalaki ang rason kung bakit naghintay siya ng matagal para sa job interview na iyon. Sinuri nito ang resume niya at application form niya kaya saglit siyang nagkaroon ng oras para aralin ang mukha ng lalaki. Itim, straight at makintab ang buhok nito na katamtaman lang ang haba na bumabagay sa good-looking nitong mukha. Ang makapal nitong kilay, his deep brown eyes, his nose and his long-narrowed lips. He also has a cleft chin which she liked in the past. Overall, he has a cold and arrogant look. Kaiba sa dati nitong awra apat na tao

