Chapter 12: Bakuran "YOU mean, you agreed to it?" nakapamaywang na tanong ni Violet. Bagsak ang balikat ni Danna at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Naikuwento na niya sa kaibigan ang lahat ng nangyari sa bahay ni Ms. Sofia. Sinabi niya rito kung ano ang problema niya ngayon. "Nabigla lang ako, okay? Hindi ko naman inaasahan na magkikita kaming apat sa iisang venue." Bagsak ang balikat at yakap niya ang isang throw pillow. "Pero masama ang loob ko sa 'yo," saad ni Violet nang nakanguso. Halata ang pagtatampo nito. Nakahalukipkip pa ang dalaga. "At bakit naman?" "Hindi mo naikuwento sa akin na naging ex-boyfriend mo si Boss Paul at si Direk Vincent. Hmp!" She was guilty about it. Ibang mga kaibigan kasi ang mga kasama niya nang mga panahon na iyon. Hangga't maaari ay gusto n

