Danna and Liam Chapter 13

1635 Words

Chapter 13: Sa Unang Kagat   SA ISANG malapit na restaurant nagpunta sina Danna at Paul. Isang restaurant iyon na puro Filipino food ang pwedeng i-order. Iyon ang napili nila dahil bukod sa malapit iyon sa opisina, hindi ganoon karami ang kumakain sa lugar dahil medyo may kamahalan ang mga pagkain. Hindi lahat ng empleyado ay nanaisin na gumastos ng mahal. Kailangan magmadali ni Danna lalo na ngayon na kailangan niya na makabalik agad sa opisina. May mga aayusin pa kasi siya at kailangan niya pang samahan si Liam sa meeting nito. Isang bakanteng mesa ang sinakop nila na malapit sa glass wall. Umupo naman sa likuran ni Paul ang lalaking naka-disguise. Pinalayas nito ang teenager na lalaki na nasa edad trese na sumasakop doon na iniwan saglit ng kasama nito para magpunta sa palikuran.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD