Chapter 27 - Love NAGPUNTA si Liz sa bahay ni Paul para kamustahin ito. Natagpuan niya ang lalaki na halatang hindi pa naliligo. Nakasuot pa ito ng pajama. Kita rin na humahaba na ang balbas nito na halatang hindi pa ito nakapag-shaved ng ilang araw. "Paul, what are you doing to yourself?!" galit na tanong niya dito habang nakahiga ito sa sofa. Kita niya ang mga bote ng alak sa sahig. Tumayo ang binata at kumuha ng tubig. Isang linggo na ang nakaraan nang tapatin ito ni Danna na wala itong makukuhang kapalit ng pagmamahal mula dito. "What are you doing here?" halatang naiinis na rin ito sa kanya bago nilagok ang lahat ng laman ng baso. Nagulat si Paul nang yumakap ang dalaga mula sa likuran nito. "You are not like this," bulong ni Liz. Hinarap siya ni Paul pagkaraan ng mahabang katah

