NAPALILIBUTAN ng puting rosas at ferns ang kabuuan sa garden ng bahay ni Madam Wang. Mayroong mga maliit na ibon na humuhuni sa paligid. Sa bungad ay makikita ang isang kahoy na may nakaukit na 'Karissa and Bruce'. Naroon si Danna para isulat sa magazine ng Weekly Fab ang kasal ng dalawa. Isa na siyang writer ni Liam sa opisina nito at ang linya na ibinigay sa kanya ay ang tungkol sa buhay pag-ibig, buhay mag-asawa at mga successful na babae. Nang nakaraan ay in-interview niya si Karissa Abay dahil sa mala-Cinderella nitong buhay. Namuhay ito sa hirap at dumanas ng pag-aalila mula sa madrasta at sa stepsister nito. Ngunit makalipas ang tatlong taon na relasyon nito sa prinsipeng tulad ni Bruce Wang, heto at nagpakasal ang mga ito. Sa ngayon ay isang translator si Karissa. Bukod pa sa i

