[EXTRA.] Sa bahay naman ni Danna. Nag-aalala ang mga magulang niya dahil gabi na at hindi nila matawagan ang dalaga dahil naiwan niya ang cellphone sa sasakyan ni Liam. Hindi nila alam na magkasama ang dalawa na parang walang problema at magkayakap sa isang condo unit na nasa malapit. Naroon si Violet at Vincent sa bahay para pakalmahin ang magulang ni Danna. Matanda na kasi ang mga ito at hindi maiwasan na mag-alala. "Tita, Tito, h'wag po kayong mag-alala sigurado na ayos lang po iyon." kahit pa nga ang dalaga ay nag-aalala na rin dahil hindi rin nito makontak si Danna sa cellphone. Bumulong ito kay Vincent. "Baka may nangyari na kay Danna. May nagkidnap! Tapos nakatali ang paa at kamay! Tapos sasabihin ng kidnapper. 'Tatawagan namin ang magulang mo para manghingi ng limang milyon!
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


