Chapter 19: Lamat GINISING ni Danna si Liam nang sumapit ang alas tres ng hapon. Masyado na siyang nag-aalala sa lalaki dahil panay ang tulog nito. Nanghingi na siya ng gamot sa hotel para kay Liam. "Boss, kailangan mo nang bumangon." Niyugyog niya ang katawan nito. "Hmmm… My head is aching," reklamo ng lalaki. Sumasakit na ang likuran ni Danna dahil sa kahihiga. Kung gusto ni Liam na matulog nang matulog, pwede bang huwag na siyang idamay? Marami na siyang nagawa habang katabi ito. Naglaro siya ng tetris sa cellphone, tinawagan na rin niya ang business partner nito at pinagpaliban ang pagdalaw nila sa site. Napilitan si Liam na bumangon dahil pakiramdam niya ay lalong sasakit ang ulo niya kung ipagpapatuloy niya ang pagtulog. Ininom niya ang paracetamol na binigay ni Danna matap

