Chapter 18: Mystery Men MALAYSIA. The weather was nice. It's not too hot, but humid. Lima silang nagtungo sa bansa para sa pagbili ni Liam sa shares ng isang magazine company. Dalawa sila, ang accountant ni Liam at dalawang abogado. Pakiramdam ni Danna ay para lang din siyang nasa Pilipinas. Sinundo sila ng business partner nito mula pa lang sa airport at hinatid sila nito sa hotel. Hindi naman masyadong nakapapagod ang biyahe kaya dumiretso sila agad sa isang meeting lounge sa parehas na hotel para pag-usapan ang meeting. Mas gusto kasi ni Liam na tapusin ang trabaho at ang pakay nila doon para makapag-enjoy sila ni Danna. Isang bilog na mesa na may walong silya ang nasa loob. May nag-a-asist para sa kape, mayroon ding malaking TV para sa presentation. Mahaba-haba rin ang oras n

