Chapter 17: Wednesdate PANSIN ni Danna na hindi palagay si Vincent. He gulped his own fluid, next was he crossed his legs. "Wheew!" Bigla itong napasipol. Bigla nitong pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay. Natakot si Danna dahil baka bigla siyang pagsamantalahan ni Vincent sa cabin. Nasa itaas na bahagi pa naman sila ng Ferris wheel at dadalawa lang sila na laman ng sasakyan. Hindi maiwasan na pumasok sa isip niya ang mga napapanood sa mga Japanese X-rated movie na pinagsasamantalahan ang mga kababaihan sa Ferris wheel. Malapit na siyang mapasigaw para humingi ng tulong nang biglang humiyaw si Vincent. "G-gusto ko nang bumaba, Danna!" Para itong namimilipit na hindi maintindihan. Kumapit ito nang mahigpit sa mga dapat kapitan sa loob ng cabin. Umawang ang labi ni Danna dah

