Chapter 10: Take advantage HINDI nakatiis si Liam na hinawakan ang kamay ni Danna na nasa ibabaw ng mesa para ipaalam na rin sa lalaki na hindi lang niya basta assistant si Danna. "Sir, hindi po umiinom ang nobya ko. Kung ayos lang po, ako na lang po ang iinom ng alak." Halatang nagulat ang may-edad na lalaki. "May nobya ka?" Pinagpalit-palit nito ang tingin sa kanilang dalawa. Lumingon si Liam kay Danna. He looked at her lovingly. Hinalikan pa nito ang kamay niya na hinawakan nito. Mabilis na tumigil ang oras sa paligid ni Danna nang gawin iyon ng lalaki. "I'm sorry, fruitcake. Kailangan kitang isama dito sa meeting." Danna "..." Nakuha naman ni Danna ang ibig sabihin ng lalaki. Nais siya nitong iligtas sa may-edad na lalaki na mukhang 'uling' na nagkatawang tao. Ngunit hindi p

