Chapter 9: Ladies’ Room ANO ang pakiramdam na nasa palikuran kayo ni boss? Ni ex o ni boss? Hay ewan! Hindi lang basta sa palikuran, kung hindi nasa loob ng masikip na cubicle. Masisira ang reputasyon ni Liam bilang boss ng opisina kapag nakita siya na nagpunta roon. At nahihiya naman si Danna kung sakali na pag-isipan siya nang masama ng kung sino man na papasok sa ladies’ room. Sobrang lapit ng dalawa sa isa't-isa. Palibhasa ay malaking tao si Liam, halos magsiksikan sila ni Danna sa loob nito. "Miss flawless kung ako'y tawagin. Mga lalaking nanggigigil sa akin... ayaw paawat... dara ra ra ra rara... ang damdamin na para sa akin." Kumakanta-kanta ang babaeng pumasok sa tabi ng cubicle nila. Napapalunok si Danna dahil dikit na dikit ang mukha niya sa dibdib ng binata. Nanunuot ang

