Chapter#1
"Hi po mga k-Dreame reader's at Authors bago lang po ako sa pag susulat dito sana po ay magustuhan po ninyo ang aking mga gagawing kwento sa Dreame pa support po. Pag pasensyahan na po ninyo kung my mga type error akong ma isusulat sana po ay magustuhan po ninyo ang pag susulat ko ng kwento tungkol sa mga "Bakla "Transgender Transman Love story?
ok game na para maganda??
sa unang kwento muna tayo kung pano sila naging mag asawa.
-----------------
"My husband is a transbeauty"
"
Hi "Varry how are you..
malanding sabi ng isang babae na my hawak ng isang bote ng alak ngumisi lang si Varry sa ginagawa ng babae sakanya na kandong na kasi ito sakanya.
kilala niya ito pero hindi sila magkaibigan.
kung ako sayo Varry iuuwi at dadalhin kuna yan sa kama wagmuna pakawalan yang si Angie bet na bet ka niyan.
bulong ng kaibigan niya nasa tabi niya huminga lang ng malalim si Varry at tinulak niya si Angie para mapaalis sa pagkakaupo nito sa hita niya.
agad naman sinalo ng kaibigan niya si Angie dahil babaksak ito sa sahig.
bakit mo yun ginawa "Varry...
galit na sabi ni Angie habang nakahawak sa kaibigan ni Varry.
"Ayoko kasi sa katulad mong malanding babae..
inis na sabi ni Varry na umalis na doon at lumabas siya. nagwala naman si Angie dahil napa hiya siya sa ibang taong nakakita sa ginawa ng isang lalaki sakanya.
ahh Angie maiwan na muna kita ha baka my problema lang si Varry kaya niya un nagawa. sige na jan kana.
paalam ni Niel na kaibigan ni Varry agad niya sinundan ang kaibigan.
Napa kalandi ng babaeng un ano siya akala niya makukuha niya ako hindi no kadiri kaya siya kung sino sino ang lalaking humahalik sakanya tapos pati ako gusto makuha.
inis na bulong ni Varry habang nasa labas na ng bar.
"Varry bakit mo naman ginawa kay Angie un alam mo naman na patay na patay sayo ung babaeng un.
alam mo naman na ayoko sa mga ganong babae diba..
oo pero..?? umamin ka nga Varry "Bakla kaba.!!??
tanong na ni Niel.
Anong tanong yan Niel hindi ako Bakla..
naiinis ng tanong ni Varry
Sorry "Varry nanghinala lang ako sayo kasi lahat ng babaeng nalapit sayo at pinalalapit namin sayo eh inaayawan mo kaya naghinala tuloy kaming Gay ka.
sabi ni Niel umiling at napa ngisi si Varry sa sinabi ni Niel sakanya.
ayoko lang na mabago pa ang isip ko at matukso sa mga yan.
tumaas naman ang kilay ni Niel dahil wala siyang alam ngayon kay Varry.
Bakit my Girlfriend kana ba ha.
gulat na sabi ni Niel.
"Oo meron na kaya wag munang palapitin si Angie saakin ikakasal na ako sa "Girlfriend ko..
sabi ni Varry.
"Talaga ba bakit hindi namin alam yan ha nako matutuwa sila pag nalaman nila na ikakasal kana pala.
Natutuwang sabi ni Niel napa iling nalang si Varry dahil mas masaya pa si Niel sakanya pero siya my iba siyang nararamdaman sa sarili niya na kahit napamahal na sakanya ang secret Girlfriend niya ay my gumugulo sa isip niya. pero binabaliwala niya un dahil mahal din naman niya ang babaeng una niyang minahal at Handa na niyang pakasalan.
ok sige na Varry hindi kuna papalapitin si Angie sayo Hehehe..
sabi ni Niel.
"Sabi na nga ikaw ang my plano non no.
hehehe sorry gusto lang naman namin na makita kang my ka laplapan na babae.
natawang sabi ni Niel napatawa nalang si Varry.
oh sige na uwi na muna ako nasa bahay ang Girlfriend ko.
paalam ni Varry
ah sige "Varry sorry sa paghihinala namin sayo na Gay ka ha.
wala un sige na alis na ako at baka hindi pa matuloy kasal ko dahil sainyo.
sabi ni Varry na agad ng sumakay ng kotse niya napa ngisi nalang si Niel agad na siyang tumabi para makadaan na ang kotse ni Varry agad na bumusina si Varry
masayang bumalik si Niel para ibalita sa ibang kaibigan nila ang nalaman niya. ng masabi na niya nagulat ang mga ito sa balita dahil pinaghihinalaan nga nila ito na isang bakla pero ngayon ay hindi na dahil nalaman nilang ikakasal na ito.
inis na inis naman si Angie sa nalaman niya na my Girlfriend at ikakasal na si Varry.
natatawa naman si Niel dahil sa pagka inis ni Angie sa pagpapakasal ni Varry sa babaeng hindi pa nila nakikilala.
kahit na my ibang nararamdaman sa sarili masayang umuwi si Varry para makita ang babaeng mahal niya
ng makarating sa mansion nila agad siya bumaba ng kotse niya at masayang pumasok sa loob ng mansion mayaman si Varry at ang babaeng tinutukoy na Girlfriend at papakasalan niya ay isang Katulong lang sa mansion nila minahal niya ito dahil sa kabaitian at mabuting puso pero sa tingin ng iba ay hindi maganda ang babaeng ito para kay Varry.
hindi kasi palaayos at nagsusuot ng magagandang damit kahit na mapang aasawa ng kaiisang anak ng mayaman
"Ma...
My son saan ka galing...
sa bar lang Ma nakipag party ng kunte sa mga kaibigan..
ngumiti lang ang Mama niya at binigyan siya ng isang halik sa pisnge.
"Nasaan po si Krey..
tanong ni Varry.
"Love andito ako
sabi ng isang babaeng nasa likod niya ng marinig niya un agad siya humarap at masayang lumapit sa babaeng mahal niya.
napangiti naman ang Mama ni Varry sa nakikita niya sa anak. tanggap ng magulang ni Varry si Krey kaya hindi ito hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa.
"Love sorry kung hindi ako nakapag paalam sayo ha.
"Wala un ok lang sa akin.
masayang sabi ni Krey agad naman nakatanggap ng yakap si Krey kay Varry.
Varry My Son Nandito kana pala masaya ako na makita kang ganyan sa mapapangasawa mo.
masayang sabi ng Papa niya ng makita sila.
"Papa syempre mana sainyo..
masayang pagyayabang ni Varry sa Papa niya na palapit na sa kanila.
para yakapin dahil ganon silang pamilya pagnagkakasama sila sa bahay minsan lang din kasi sila magkita kita dahil sa pagka busy ng mga ito sa negosyo.
masaya ako my Son na ikakasal na kayong dalawa.
"Ako rin po Papa masayang masaya na ikakasal na kami ni Krey.
masayang sabi ni Varry na yakap pa niya si Krey na kilig na kilig sa lalaking nakayakap sakanya.
"Tama na yan baka mamaya my apo na kami My son
ngumiti lang si Varry sa narinig niya sa Papa niya na gusto ng magka apo.
"Sige na Papa magpapahinga na kami para magawa kuna Hehehe..
lumapad naman ang ngiti ng Papa niya ng sabihin niya yun.
"Nako my son wag muna gusto kung ikasal muna kayong dalawa bago ninyo kami bigyan ng apo.
singit ng Mama niya
"Darling... hayaan muna sila matanda na ang mga yan pwede na kahit-----?
Darling hindi pwede gusto kung ikasal si Krey sa anak natin na isang birhen na babae na katulad ko ng kinasal ako sayo.
sabi ng Mama ni Varry.
ok Darling ikaw na ang nanalo. sige na my son magpahinga ka nalang muna sundin mo ang "Mama mo kasal muna bago apo..
natatawa naman si Krey sa Mama at Papa ni Varry masayang pamilya talaga ang mga ito.
ok lang My son hindi ka magsisisi na sinusunud mo ang Mama mo sa gusto niya. dahil sa oras na mabibigyan mona kami ng apo magiging masaya dahil sa sobrang sar------!!;???
"Darling...
pagpigil ng Mama ni Varry sa sasabihin ng Papa niya napa iling nalang si Varry sa Papa niya.
sa totoo lang kahit na sana isang bahay ang dalawa ay hindi pa nakakatabi ni Varry si Krey sa isang kwarto dahil sa mama niya na gusto ay ikasal muna sila bago mag tabi sa kama.
"Grabe no nakakainggit si Krey ang bait ng Magulang ng mapapangasawa niya at subrang yaman tapos ang gwapo pa ni Sir Varry
sabi ng isang katulong sa mansion naiinggit siya kay Krey pero hindi naman siya galit kay Krey dahil mabait naman ang dalaga sakanila. kahit na mapangangasawa ng Sir nila si Krey ay natulong parin ito sakanila. kaya hindi sila galit dito
ulilang lubos na si Krey kaya sila ang tinuring nitong pamilya.
Mga inday halika na mag trabaho na tayo wagnang mainggit kay Krey deserve niya yan dahil sa kabaitan niya.
sabi ng isa pang katulong na kaibigan ni Krey na si Lanlen
hay nako si Manang talaga sige na nga balik na kami sa ginagawa namin. kinikilig lang naman kami kay Sir Varry eh..
sabi ng mga ito. tumaas naman ang kilay ni Lenlen sa sinabing manang ng mga ito
nagsibalikan na sila sa trabaho nila na masaya sila na makita ang ganong pamilya kahit na mahirap ang magiging asawa ng anak nila ay masaya ang mga ito at pinagmamalaki pa nila ang magiging asawa ng anak nilang ka iisang lalaki na walang kaagaw sa mamanahin sa magulang.
"Pahinga na tayo My Love.
aya na ni Varry kay Krey ngumiti naman si Krey bilang pagsangayon niya kay Varry. hinawakan ni Varry ang kamay niya at nagpaalam na sa magulang ni Varry na masayang nakatingin na sakanila.
"My Love doon ulit ako sa kwarto mo matutulog ha..
bulong ni Varry.
baka mahuli tayo ni Mama.
hindi yan magaling ako eh..
baka my binabalak ka ha
wala gusto lang kitang makatabi ulit namimiss ko yakap mo eh .
my magagawa paba ako kung pipigilan kita hindi karin naman susunod sa akin ganyan ka kakulit eh..
bulongan nilang dalawa habang naglalakad na sila paakyat naka ngiti parin ang mag asawa sa dalawa.
masaya talaga sila para sa anak nila kahit na hindi mayaman ang papakasalan na babae ng anak.
nagmadali ng hilahin ni Varry si Krey papunta sa kwarto ng dalaga dahil lagi niya itong hinahatid doon.
hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko Krey ibang iba ka sa mga babaeng nakilala ko.
sabi ni Varry ng makarating na sila sa harap ng pinto ng kwarto ni Krey
"Ako rin Varry mahal na mahal kita hindi ko kayang mawala ka sa akin.
naiiyak na sabi ni Krey.
wagkang umiyak My Love ano kaba hindi ako mawawala sayo no ikakasal na tayo.
sabi ni Varry na agad ng niyakap si Krey dahil my luha ng pumatak sa pisnge ng dalaga.
kaya ayoko na nagsasalita ng ganto eh ang bilis mo talaga lumuha My love pano kaya sa kasal natin kaylangan ko ata mag ready ng maraming tissue sa kasal natin my Love..
nagpapatawang sabi ni Varry. agad naman pinunasan ni Krey ang luha niya sa pisnge niya at tumitig sa mata ni Varry ngayon. napa tulala si Varry sa pagtitig ni Krey sakanya.
Ah Sir Varry pinatatawag po kayo ni Sir Ven..
ah sige sabihin mo papunta na ako.
napa kagat labi naman ang katulong na dumaot sa pagmomoment ng dalawa dahil sa pagtitig ni Varry sakanya na kumunot pa ang noo nito.
agad na umalis ng katulong na un si Krey naman ay natatawa sa ginawang un ni Varry
wagkana mainis mamaya naman sa kwarto ka matutulog diba kaya mayayakap mo ako.
sabi ni Krey.
my gusto sana akong gawin kanina eh ung halkan ka kasi nong naging tayo hindi kita nahalkan dahil din sakanila eh kaya sa honeymoon dadalhin talaga kita sa ibang bansa baka kasi Dumaot nanaman ang mga yan eh.
sabi ni Varry natatawa nalang si Krey sa nobyo niya na mahal na mahal siya.
sige na My love puntahan muna si Papa baka my sasabihin sayong importante.
sabi ni Krey ngumiti lang si Varry at hinalkn na niya si Krey sa noo na nagpa kilig lalo kay Krey ilang minuto ang tinagal noon.
"Sirrrr....
"Anakkkk ng....
natatawang kumawala na si Krey sa pagkakayakap ni Varry sakanya agad na umalis ulit ung katulong na makulit para kay Varry.
sige na baka bumalik pa si Joy.
sabi ni Krey.
Ipapatuba ko talaga yang "Joy na yan eh laging daot eh..
wag ganon My love mahal ka niya hehehe sige na puntahan muna si Papa.
naka ngiti na sinunud na ni Varry si Krey iniwan na muna niya si Krey at pinuntahan ang Papa niya.
pagkaalis ni Varry pumasok narin si Krey sa kwarto niya para magpahinga alam niya na my gustong sabihin ang Papa ni Varry na mahalaga kaya tila nalulungkot siya sa oras na yun.
?
"Krey pov's
"Hindi ko alam na ganto kasaya ang mangyayare sa buhay ko my isang lalaking magmamahal sa akin ng ganto kahit isa akong mahirap na babae tanggap na tanggap nila ako.
hindi ko lubos maisip na mangyayare ito sa buhay ko akala ko isang panaginip lang ito pero ngayon ikakasal na ako sakanya.
kahit subrang saya ko ngayon my iba akong nararamdaman sa pag uusap nila ni Papa ngayon alam kung my problema pero nakikita ko parin sa kanila ang kasiyahan nila para saamin ni Varry.
Naaalala ko kung pano ako subrang naging masaya ung nalimutan ko lahat ng sakit na naranasan ko sa ibang mga tao na inapak apakan ako dahil sa hampaslupa lang daw ako.
lahat ng un naranasan ko sa kanila tandang tanda kupa bago ako mapunta sa gantong ka sayang pamumuhay ngayon.
"Flashback....???
Napakatanga mo naman hindi mo magawang ayusin yang trabaho mo yan lang ang pinagagawa ko sayo tapos hindi mo manlang magawa
"Ah maam tapos na po yan.
anong tapos na hindi pa nakikita mo ba yang gawa mo ha hindi maganda
galit na sigaw ng isang dalaga sa kanyang katulong na si Krey
"Ano pa ba ang kulang tapos na naman yan. dapat hindi ako ang nagawa nito dapat, hindi parte ng trabaho ko ito...
bulong sa isip ni Krey.
Krey dapat pag balik ko tapos muna yang project ko ha...
singhal ng dalaga sakanya wala ng nagawa si Krey kundi ang ayusin pa ulit ang desigan ng kanyang amo.
Krey ano bayang ginagawa mo jan pumunta ka dito sa kusina my mga bisita akong dadarating mamaya kaya halika dito. napaka tamad mo talaga....
sigaw ng ginang sa kusina napa pikit nalang si Krey sa mga naririnig niya sa amo.
dahil sa takot na hindi nanaman makakain ay agad siya tumayo at pumunt sa kusina para asikasuhin din ang pagluluto siya lang ang katulong doon dahil hindi naman ganon subrang kayaman ang napasukan niya
ng nasa kusina na siya panay ang talak ng amo niya nagawa pa nito na duroduroin siya sa noo na tila ba pinapaalala sakanya ang dapat gawin.
pikit mata nalang ang ginagawa niya habang panay ang sermon sakanya ng amo niya.
gusto niya na umiyak dahil sa nararanasan niya. hindi pa siya sanay sa ganong gawain dahil kahit mahirap ay hindi siya inuulila ng magulang niya.
kundi lang namatay sa accident ang magulang niya ay hindi siya mapupunta sa ganong pamumuhay. ng mamatay ang magulang niya ay umalis na siya sa lugar nila para buhayin ang sarili dahil ayaw sakanya ng dalawa niyang kapatid dahil isa lang daw siyang ampon kaya hindi siya kapatid ng mga ito.
galit ang dalawang magkapatid sakanya dahil sa sakanya ay nawalan sila ng magulang. kaya para walang g**o ay umalis si Krey sa bahay nila para buhayin ang sarili pero hindi naging madali sakanya ang mangyayare sakanya ngayon dahil masmalupit pa ang napuntahan niya.
bakit ba ang bagal mo kumilos ha
"Gutom na po kasi ako hindi pa po kasi ako nakain simula kahapon..
lakas loob ng sabi ni Krey. nakita niyang kumunot ang noo ng amo niya.
hanggang hindi pa tapos ang paparty ko mamaya wagkang kakain maliwanag ba..
sigaw nito sakanya napa lunok nalang si Krey dahil sa narinig niya kaylangan na matapos muna ang paparty ng amo niya bago siya makakain.
buti nalang ay kahit hindi pa nakain simula kahapon ay malakas lakas pa siya pero ramdam narin niya ang gutom.
habang nag aasikaso sa kusina ay panay utos naman ang ginagawa sakanya ng mga amo niya gusto na niyang sumabog pero hindi niya nagawa dahil sa natatakot siya mawalan ng trabaho dahil siguradong nahihirapan lalo siya.
natapos narin niya ang project ng dalagang tamad na panay lang ang make up sa sarili na walang pakealam sa project niya para sa company na pagpapasahan nito ng mga design ng mga damit, magaling kasi si Krey mag desigan at mag drawing.
dahil tamad nga ang dalaga niyang amo ay siya ang nagawa nito
"Honey alis na ako..
sabi ng isang hindi katandaang lalaki na tinitigan pa si Krey na ibang pagtingin kaya napa yuko nalang si Krey ng maalala niya na haging na siya nito bastsin ng isang araw buti nalang ay agad na umuwi ang amo niyang babae kundi ay baka nagawan na siya nito ng kahalayan.
"Sige Honey ingat ka..
sagot ng amo niyang babae na hinalikan pa nito sa labi ang asawa niya.
"Krey ikaw na ang bahala sa lahat mag aayos na ako at siguradong parating na ang mga amiga ko..
sabi ng amo niya na agad ng umalis ang lalaki naman na amo niya ay tinitigan pa siya nito ng masama na tila ba minamanyak siya nito.
agad siya umalis at bumalik sa ginagawa niya ng mapansin niya na wala na ang amo niyang lalaki ay napa hinga siya ng malalim.
"Pag talaga nakuha ko sahod ko tatakas na ako dito..
bulong ni Krey ng maramdaman niya ang pagkulo na ng tiyan niya ay napa hawak nalang siya sa tiyan niya at tumingin sa mga pagkain na naka ahin na, dahil tila bilang ng amo niyang babae ang niluluto ay hindi niya magawang kumain.
umalis na siya doon para ayusin pa ang ibang pinagagawa ng amo niya para na siyang babaksak sa gutom pero kinakaya niya.
maya maya ay my dumating ng kotse kaya agad na niyang pinuntahan ito para pagbuksan ng gate.
Oh jiha nasaan na ang amo mo.
"Nasa taas po Madam.
oh sige na pakitawag na siya at my sasabihin ako na pupunta ang isa naming amiga na si Rose.
ah sige po..
agad na pinuntahan ni Krey ang amo niya para sabihin ang na jan na ang mga bisita nito.
Alam ko Krey na na jan na sila kaya asikasuhin muna sila.
singhal ng amo niya babae ng makita siya paakyat dahil pababa na pala ito.
ah sige po.
tungong sabi ni Krey muli na siyang bumalik sa baba at inasikaso ang bisita ng amo niya..
"Amiga buti balang binunggahan mo itong paparty mo ngayon kahit tayo tayo lang alam mo ba na papunta si Rose..
sabi ng Ginang.
Haaa pupunta siya buti nalang talaga kahit tanga yang katulong ko eh magaling sa mga ganto..
gulat na sabi nito napa tingin ang ginang kay Krey na naka tungo lang dahil sa mga naririnig nito sa amo.
ng tumingin si Krey sa ginang ay ngumiti ito sakanya kaya kahit paano ay nawala ang masakit na nararamdaman ni Krey sa mga naririnig niya sa amo niya.
----_