Clare's P.O.V. Dalawang araw na rin ang nakalipas mula nang nangyari ang interview. Hanggang ngayon, wala akong balita kay Blue maging kay Kina. Nandito kami ngayon ni Zach sa Mall upang samahan akong mamili ng bagong damit at iba pang mga gamit. "Zach, bagay ba?" At pinakita ko sa kaniya ang isang dress na above the knee. "Ay! bakit ganyan naman? Pangit... Tignan mo, walang sleeves. Lalamigin ka---" Sabi nito sa akin kaya inikot ko ang mga mata ko sakanya. "Nasa Pilipinas tayo." I reminded him, "Ang init kaya sa Pilipinas. Bahala ka nga. I don't need your opinion, duh..." Sabi ko at nagtingin ng ibang damit at nang makakita ako ng purple na long sleeved dress, ipinakita ko ito sa kaniya. "Oh, ito. Maganda ba?" Hindi siya nagsalita. "Bakit 'di ka nagsasalita diyan, ah?" Tanong ko na

