FLASHBACK... MAAGA siyang nagpasyang umuwi galing sa pagtambay tambay sa tabi-tabi. Kahit na bente anyos na siya hindi pa din siya naghahanap ng magiging trabaho niya. isa pa wala naman siyang magandang mapupuntahan na trabaho dahil hindi naman siya nakatapos ng college dahil na din sa hindi niya gustong mag-aral. Sabi nga ng mga tao sa paligid nila isa siyang beauty without brain. Kasi naman aaminin niya mahina talaga ang ulo niya pagdating sa pag-aaral. Wala siyang tiyagang mag-aral kaya kahit gusto ng tatay niya na mag-aral siya ng kolehiyo inayawan niya. Hindi din naman siya inuobliga ng tatay niya na magtrabaho pa dahil kaya pa naman daw silang buhayin ng tatay niya. pero naiisip niyang maghanap na din ng trabaho kung sakali. "Rhiane, bilis uwi ka na nag-aaway ang nanay at tatay

