GABI NA NG nakauwi siya dahil hindi niya iniwanan ang anak niya hangga't hindi ito kumakalma sa pagwawala nito. Pinangakuan nalang niya bukas ng umaga na kapag sinundo niya ito kasama na niya ang ina nito. doon lang umayos ang anak niya at humupa ang pag-iyak nito. "Claude!"sinalubong siya ni Berta. Napakunot pa ang noo niya habang tumitingin sa relo niya. "Gabi na Berta bakit nandito ka pa?"taka niyang tanong dito. Wala na ang mga tauhan niya sa talyer ng mga sandaling iyon, maging ang asawa ni Berta. "Kasi si Rhiane"nag-aalalang sagot nito sa kanya. Bigla naman siyang kinabahan sa tono ng pagsasalita nito sa kanya. "Bakit anong nangyari sa asawa ko?"kinakabahan na tanong niya dito. Mabilis at malalaking hakbang ang ginawa niya sa paglalakad papasok sa bahay nila. Pero ang inaas

