Nagkulong siya sa loob ng kwarto niya, wala na nga siyang kain sa buong maghapon na iyon. Mula ng dumating siya hindi na siya lumabas ng kwarto niya. nagmukmuk lang siya sa loob ng kwarto. Umiiyak na naman siya, napapadalas na ang iyak nitong mga nakaraang araw. "Kainis ka Claude, hindi na nakakaganda ang pag-iyak ko ha"aniya. Nakahiga lang siya kama at nakatalokbong ng kumot ang buo niyang katawan. "May kirida ka pa talaga, kaya bigla gusto mo ng pirmahan ang annulment natin"patuloy niyang kinakausap ang unang na kayakap niya. "Kainis ka, nag-anak ka pa talaga sa kabit mo" Sa isipin na may anak sa ibang babae si Claude naiyak na naman siya ng malakas. Hindi naman siya pinapansin ng nanay niya kahit na alam niyang rinig hanggang sa kanto ang pagpalahaw niya. Nag-eemote siya sa loob

