SOBRANG SAKIT ng ulo ang inabot niya ng magising siya kinahapunan. Wala na yatang laman ang tiyan niya kundi alak mula pa kahapon. Paano ba naman kasi pagkagaling niya sa simbahan at sa paglilibot niya sa anak niya sa bayan isang masamang balita na agad ang bumungad sa kanya. Tumawag kasi ang nanay ni Rhiane sa kanya at sinasabing umalis na nga daw ang asawa niya kasama ang amerikanong nobyo daw nito. paggising nalang dawn g nanay ni Rhiane wala na daw ang asawa niya doon. Bigla parang nagsisi naman siya na hindi man lang niya nagawan ng paraan na magkaayos sila kahit na ipilit pa niya. para sa anak niya gagawin niya ang lahat, sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Sana noon palang kasi pinilit na niyang ayusin ang relasyon nila ni Rhiane, sana noon palang nagpakilala na siya hin

