THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR
KABANATA 10
AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.
KINAKABAHAN AKO. Iyon ang nararamdaman ko ngayon ng malaman ko na magka grupo kaming dalawa ni Emilio sa isang project. Kaya ko ba? Kaya ko bang mag approach sa kanya? Okay lang sana na ako na lang ang gumawa ng project, pero kailangan naming magtulungan. Isa itong video interview para sa magka-partner at hindi pwede na ako lang ang gagawa—I need him.
Gosh.
Natatakot pa rin ako sa kanya. Natatakot ako na baka ay ma-reject na naman ako ni Emilio.
Nagpuntahan na ang mga kaklase ko sa kanilang mga partners upang pag-usapan ang tungkol sa project. Binigyan kasi kami ng oras ng aming professor na mag-usap kasama ang mga partners namin para sa project. At ito ako ngayon, kinakabahan na lapitan si Emilio.
Nang mapatingin ako sa kanya ay nasa kanyang inuupuan lang siya ngayon at may sinusulat siya sa kanyang notebook. Parang wala talaga siyang plano na puntahan ako o lapitan man lang. Wala na talaga akong pag-asa pa sa kanya.
Huminga ako ng malalim at kumuha muna ako ng lakas ng loob para puntahan siya. Nang kumalma na ako ay tumayo na ako ngayon at humakbang na ako palapit sa kanya. Nang makarating ako sa tabi ni Emilio ay pumunta ako sa kanyang harapan upang agad niya akong makita.
“Emilio,” tawag ko sa kanya.
Napatigil siya sa kanyang pagsusulat ng tawagin ko ang kanyang pangalan. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin at agad kong nakita ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin kaya hindi ko mapigilan na mapalunok sa aking laway, at muli ko na namang naramdaman ang malakas na kabog ng aking dibdib.
Huminga ako ng malalim bago ako magsalita muli dahil hindi siya umimik ngayon kahit na nakatingin lang siya sa akin na walang ekspresyon sa mukha.
“E-Emilio, gusto ko sana na pag-usapan natin ang about sa project,” mahina kong sabi sa kanya.
Napataas siya sa kanyang kilay at agad niyang pinakita sa akin ang kanyang notebook na kanyang sinulatan kanina at nagsalita siya.
“No need. I can do it all along, Miss Caballero,” malamig niyang sabi sa akin.
Napaawang ang aking labi sa kanyang sinabi. Akmang magsasalita na sana ako ng marinig namin ang boses ng aming professor kaya napatingin kami rito.
“Bawal mag individual sa project na ito! You need to coordinate with your partners—kahit na ayaw niyo sa isa’t isa!” sabi ni Ma’am at napatingin siya sa aming dalawa ni Emilio. Mukhang nakita niya na hindi kami okay sa isa’t isa ni Emilio at narinig niya rin ang sinabi nito na gagawin niya mag-isa ang project.
Nakita ko ang pag-ismid sa labi ni Emilio at napairap siya at wala siyang magawa kundi ang tumango sa akin. Hindi ko mapigilan na mapangiti at umupo na ako sa kanyang tabi ngayon. Sobrang saya ko ngayon na sa wakas, makakalapit na ulit ako sa kanya—na makakausap ko ulit siya.
“Emilio—”
“It’s Fidel, Aubrielle. You don’t have the rights to call me Emilio anymore, lalo na’t nagsinungaling ka sa akin,” galit niyang sabi sa akin ng tawagin ko siya gamit ang una niyang pangalan.
May kirot sa dibdib ko ng sabihin niya iyon sa akin. Pero wala akong magawa kundi ang tumango at sumunod sa kanyang gusto. Baka kasi bigla na naman niya akong layuan kaya kailangan ko ng maging maingat ngayon.
“S-Sorry, Fidel,” mahina kong sabi at bahagya akong napayuko.
Muli siyang napairap at napailing-iling siya.
“Back to the project, nakagawa na ako ng sequences para sa interview. Gumawa ka na lang ng video mo sa bahay niyo, tapos ako na lang mag e-edit nito,” malamig niyang sabi at pinakita niya sa akin ang kanyang notebook na sinulatan niya kanina.
Kinuha ko naman ito at binasa ko ang mga sinulat niya. Bago ko intindihin ang mga sinulat niya sa kanyang notebook, hindi ko mapigilan namamangha sa kanyang sulat dahil ang ganda ng kanyang handwriting. Ang linis tingnan at ang pormal masyado. Para itong font! Ang linis ng pagkakasulat niya.
Binasa ko naman ang kanyang sinulat at hindi ko rin mapigilan na mamangha ulit dahil ang talinong tao ni Emilio—I mean ni Fidel. Ang ganda ng mag sequences niya para sa interview na gagawin namin at wala akong ni isang against sa mga isinulat niya.
“May gusto ka pa bang idagdag? Sabihin mo lang, pwede mo naman na gawin ‘yun. Baka bigla ka na lang magsumbong kay Prof na hindi kita pinatulong,” malamig na sabi ni Fidel sa akin.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at mabilis akong napailing at nagsalita ako.
“N-No! Hindi ko gagawin ‘yun, Fidel. Bakit naman kita isusumbong?” sabi ko sa kanya.
Ngumisi siya at nagsalita muli habang nakatingin sa akin. “Because you’re a manipulator and a liar? Gagawin mo ang lahat para lang mapaikot ang tao sa mga palad mo,” galit na sabi ni Fidel sa akin.
Nang sabihin niya iyon sa akin ay hindi ko mapigilan na masaktan ng sobra. Pinipigilan ko ngayon na maluha habang nandito pa rin kaming dalawa sa loob ng classroom. Hindi ako pwedeng mag eskandalo ngayon dahil nandito ang mga kaklase ko at nandito rin si Professor.
Huminga ako ng malalim at umiwas ako ng tingin kay Fidel at nagsalita muli ako.
“Wala na akong magagawa kung iyan man ang tingin mo sa akin, Fidel. Pero hindi ako ganyang klase na tao. Yes, nagsinungaling nga ako sayo sa katauhan ko, pero ginawa ko lang naman ‘yun para magustuhan mo ako eh,” sabi ko sa kanya at muli akong tumingin sa kanya ngayon.
Muli siyang ngumisi sa akin at umiling-iling siya.
“Do you really think na magugustuhan kita kahit na hindi ko alam na isa kang Caballero, Aubrielle?”
Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi ngayon.
Bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin habang malamig pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin.
“You’re a fool to think that I will like someone like you, Aubrielle. Hindi lang dahil isa kang Caballero kaya hindi kita magugustuhan—dahil dyan sa ugali mo… sa pagiging sinungaling mo. hinding-hindi kita magugustuhan, at hindi kita nagustuhan,” seryoso niyang sabi sa akin.
Nang sabihin niya iyon sa akin ay mabilis akong napatayo.
Nagulat ang lahat ng mapatayo ako, pati na rin si Fidel.
Tumingin ako sa aming professor na nakatingin na rin sa akin ngayon habang nakakunot ang noo.
“Is there anything wrong, Miss Caballero?” tanong sa akin ng aming professor.
Napalunok ako sa aking laway at nagsasalita ako.
“K-Kailangan ko po munang mag CR, Ma’am,” mahina kong sabi at nag excuse na muna ako at patakbo akong lumabas ngayon sa classroom.
Nagmamadali akong pumunta sa may restroom at ng makapasok ako sa loob ay agad akong naghanap ng bakanteng cubicle at doon ako umupo at tahimik akong umiyak. Tuluyan na akong napaiyak dahil kanina ko pa ‘to pinipigilan sa loob habang sinasaktan ako ni Emilio sa mga salita niyang binitawan sa akin.
Napatakip ako sa aking bibig at napahikbi ako. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasakit sa isang lalaki. Yes, nagkaroon na ako ng mga boyfriend noong nasa ibang bansa ako, pero hindi ako nasaktan ng ganito.
Tanging si Emilio Fidel Valencia lang ang nakakagawa sa akin ng ganito… at sobrang sakit talaga sa damdamin.
Bakit galit na galit siya sa akin?
Pwede bang… pwede bang bigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon?
TO BE CONTINUED...