THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 9 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. HINDI KO ALAM kung paano ko haharapin ulit si Emilio at ang mga kaklase ko sa nangyari kahapon. Alam na nilang lahat na isa akong Caballero, at wala ni isa sa kanila ang may gusto sa akin… lalo na si Emilio na akala ko ay magiging kakampi ko na. “Ayan ni si manloloko!” Nang makapasok ako sa classroom ay narinig ko na ang pagsigaw ng kaklase ko, at alam ko na ako ang tinutukoy nila na manloloko. Wala naman akong pakialam sa kanila eh. Ang pakialam ko ngayon ay si Emilio. Pagtingin ko sa upuan sana namin na magkatabi ni Emilio ay wala na siya doon, nasa may harapan na siya at katabi niya si Irish. Hindi ko mapigilan na manlumo sa aking nakita, lalo na ng makita kong nakakapit si Irish ngayon kay Emilio. Napatingin

