Inilapit ko ang mukha ko at idinikit ang labi ko sa labi niya. Agad naman niya akong itinayo para paghiwalayin ang mga labi namin. “Faye, ‘wag mo na gawin ulit ‘yun!” Banta niya habang nakakunot ang noo. “Kiss lang naman,” ngusong sabi ko at nag-iwas ng tingin. “Wala pang tayo, okay?” Ouch naman! “Okay…” Pag-tango ko. “At saka ayokong gumawa ng kasalanan. Lalaki ako, baka mapatulan kita sa ginagawa mo. Hangga’t kaya kong mapigilan ang temptation kasama ka, gagawin ko. Malaki ang respeto ko sa mga babae, siyempre lalo na sa ‘yo, ayaw kitang galawin, bata ka pa, marami ka pang magagawa at alam kong may pangarap ka pa. Ayokong sirain lang ‘yon. Huwag mo ng ulitin ‘yon dahil hindi maganda sa mata ng iba!” Sermon niya na mas lalong nagpababa ng nguso ko. Bigla kong naramdaman ang

