Bumaling ako kung saan nag-iinuman si Rome at nakatingin pala sila sa pwesto namin. Ngumiti siya at tumango, natutuwa na nakita niya kami ng nanay niyang nagyakapan. Akala niya bati kami ng magulang niya pero nag-iyakan lang kami tungkol doon sa naging problema. Hindi ko nga alam kung okay na ba talaga ni Mrs. Cora. Bigla siyang tumayo at naglakad papalapit sa amin. Tumalikod ako sa kanya ng bahagya para hindi niya mahalatang umiyak ako. Ayokong mag-alala siya at ibalik ang nangyari. Napahaplos ako sa tiyan ko. Bigla ko kasing namiss ‘yung baby. Naalala ko pa nung tuwang-tuwa akong malaman na buntis ako. “Is everything okay now, Mom?” Inakbayan niya ako at hinalikan ang ulo. Ih! Pinakilig na niya ako. “Yeah. I talked with Faye. I told her that I would observe her action,” pag-am

