Prologue
"Ma'am, your order will be serve to you after 15 minutes. Thank you" pagbigay ng cashier sa'kin ng resibo ay agad akong naghanap ng mauupuan dito sa cafe. Medyo maraming customers ngayon kaya hindi kaagad ako nakahanap ng mauupuan.
Sa huli napadpad ako dito sa table malapit sa bintana. Dumidilim na naman ang kalangitan at nagbabanta nang umulan. Today is April 12, summer season na pero umuulan pa rin.
I was busy watching people and vehicles passing by when someone catch my attention.
He has this dark hair that floats naturally in the air as he hurriedly looks for something to keep him not getting wet by the raindrops. His body that is still stiff as he wipes the wet parts of it. His eyes were you can see curiousity and authority being etched. And his nose and lips that make his face more attractive.
Lumakas ang ulan at lahat ng tao na naglalakad kanina ay huminto para maghanap ng masisilungan. Ang iba ay nagpatila dito sa labas ng coffee shop, ang iba naman ay pumasok na sa loob at umorder nalang.
Pero siya,
Nanatili siya sa labas ng coffee shop at eksaktong nakatayo sa harap ko. Kahit glass yung wall hindi ko parin maiwasang maging tuod baka sakaling pag kumilos ako ay makikita niya. Lumakas din ang t***k ng puso ko na parang bang gustong kumawala at pumunta sa kanya.
"Miss? May nakaupo ba dito?"
"Miss?"
Napapitlag ako nang may nagsalita. Gulat akong napatingin sa harap ko at nakita ang isang lalakeng may dalang dalawang cup ng kape, isang cheese cake at isang donut. Medyo basa ang jacket at buhok nito.
"A-Ah wala. Walang nakaupo diyan." Sambit ko habang pinipilig ang ulo ko.
Nilagay niya sa mesa yung order niya at umupo. Kinuha niya ang number ko sa mesa.
"10? Cheese cake at Americano?" Tanong niya habang hawak ang number sa kanang kamay at resibo naman sa kaliwa.
"Uh yeah?"
"Sa'yo pala to" sabay turo sa kape at cake sa dala niyang tray. "Pinadala ng crew."
"Uh thanks." Kinuha ko sa tray niya ang order ko, inarrange ko ito at kinunan ng litrato. Ipopost ko ito sa IG ko. Magsisimula na sana akong kumain ng mapaharap ako sa labas.
Panay tingin niya sa kanyang cellphone na para bang may hinihintay na tawag or di kaya'y text. Maya-maya nilapit niya ito sa kanyang tenga. May tumatawag. Napalinga-linga siya at dumako ang tingin niya sa pinto ng coffee shop. Agad din akong tumingin sa pintuan. May isang babae na nakasuot ng denim na dress at may kausap din sa cellphone.
Muli kong binalik ang tingin ko sa kanya pero wala na siya sa labas ng coffee shop. Hindi ko na siya nakita pa. Wala na rin yung babae sa may pintuan kanina.
Napabuntung-hininga nalang ako at nagsimulang kainin ang cheese cake ko. Napatigil ako ng magreklamo yung kaharap ko.
"Ah s**t! Nasan na yung panyo ko!" Wika nito habang hinahalungkat nito ang bag niya. Hayss ingay. Napa roll eyes ako at kinuha ang tissue sa bag ko.
"Oh" sambit ko at nilahad sa kanya ang tissue.
"Uy thanks miss!" Nakangiting sabi nito. Tsss
Agad nitong pinahiran ang jacket niyang basa at ang kanyang bagpack. Pinahiran niya rin ang kanyang mukha at leeg.
Uminom ako sa aking kape at sinamsam ang sarap nito. This is the only free time I've got. Ba't ko pa to sasayangin para sa kanya. He doesn't care. He never will.
After I finished eating, I decided to go to the bookstore. Kailangan kong bumili ng libro tungkol sa Home Economics. Niligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo. Ang lalake naman sa harap ko ay nakatutok sa kanyang laptop kaya hindi na ako nag-abala pang magpaalam.
Pagkarating sa bookstore dumiretso na agad ako sa stall kung saan nakalagay ang mga libro about home economics.
"Babe, saan dito yung mas maganda itong may glitters or itong may flowers?"
Napairap ako sa narinig ko. Ba't di mo nalang bilhin lahat. Nakakainis yung magtatanong ka kung saan mas maganda tapos pag pumili ng iba yung tinanong mo magtatampo ka kasi hindi nito pinili ang gusto mo. Parang tanga lang na magtatanong ka pa pagkatapos hindi mo naman pipiliin yung pinili para sa'yo.
Hindi sumagot ang lalake.
"Ya! Mikhael, nakikinig ka ba?"
Mikhael?
Lumabas ako sa stall dala-dala yung libro na bibilhin ko. Nasa harap lang din pala sila ng stall kung nasaan ako. Malakas ang pintig ng puso ko na tila gusto nitong lumabas mula sa dibdib ko.
Nagtama ang mga mata namin. Humigpit ang hawak ko sa libro. Napatingin din ang babae sa akin. It was her. The girl in the denim dress outside the coffee shop.
Pagkatingin ng babae sa akin ay tila mapaupo ako sa sahig dahil sa pagkabigla. Hanggang kailan pa?
Para rin itong nakakita ng multo nang makita ako. I saw how her lips trembled because of fear. She slowly look down on her feet.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanila. Nakayuko na si Bless habang si Mikhael naman ay sinasalubong ang tingin ko.
Memories from the past came flashing in my mind. Broken promises are echoing in my ears creating a huge painful tug.
"Z-Zel, k-kamusta?"
Nasira ang nakakabinging katahimikan nang magsalita si Bless. How dare her asking me that question?
"I'm fine," I smiled as if I am really okay. I lied. I don't think I'll be okay. Lalo pa sa nakikita ko ngayon.
Nakatingin parin si Mikhael sa akin gamit ang mga mata niyang naging isa sa mga paborito kong bagay sa kanya. Umiwas ako. Ganun pa rin ang epekto nito sa akin. Nakaka-upos. Nakakaliyo. Nakaka-intimida. And I hate that idea.
"G-Good," sagot ni Bless. Bumaling ito kay Mikhael na nakatingin pa rin sa akin.
"Si Z-Zeline babe. Yung sinabi ko sa'yo dati," she adds.
My forehead creased when I heard what Bless said. Dati? Matagal na silang mag-on? Kailan pa?
"Yeah. I know her," sagot niya habang nakatingin pa rin sa akin.
His husky voice didn't change. It's still the voice I love to hear when I wake up in the morning. And again, I felt a pang in my chest.
"We're schoolmate" dagdag pa nito.
If my heart was glass I should've be picking all the broken pieces in the floor now. He always sucks at lying. His eyes are opposing what his lips are saying. I can see it beneath the cold stares he's throwing at me.
Sinungaling.
I smile sadly. Kailanman hindi tayo naging mag-schoolmate. Ang daya dahil ako lang ang nakaalala. Ako lang ang nakakaramdam ng sakit.
I know that you still remember it. If not, nagpapanggap ka lang na nakalimutan mo na. Sana nga lang nagpapanggap ka lang.
Because eventhough I don't want to, I still remember it. I remember how you throw away our memories that I think you treasure the most. I still remember your call saying that we should stop this nonsense relationship. I still remember it all.
I remember it all too well.