Chapter 5

2435 Words
I don't know how long I've been smelling his handkerchief when he said something that made me regret what I just did. "I know that my handkerchief smells good but I think you should go home now. Kung hindi mo gusto na lumala pa yung sipon mo." Binaba ko ang panyo niya mula sa ilong ko at napayuko. Lumapit naman ako sa kanya at nakita kong isinuot nitong muli ang kanyang helmet. Nagulat naman ako nang bigyan ako nito ng isa pang helmet. Like, saan niya iyon kinuha? "Hop in." Matapos kong isuot ang helmet ay sumakay na ako sa likod niya. Dahil mataas ang kanyang motor ay nahirapan akong umakyat. Ayaw ko namang humawak sa kanya. Ang awkward kasi. Sasakay na sana ako nang bigla nitong hinablot ang kamay ko at ipinatong sa balikat niya. "Hindi ka makakasakay niyan pag hindi ka humawak sa akin." Hindi ko nakita ang itsura niya nang sabihin niya iyon dahil sa helmet na suot niya. But upon touching his shoulder, I felt some little volts crawled into my body. Kaya nang um-attempt akong sumakay ulit ay humawak na ako sa balikat niya. Successful na ang pagsakay ko. Agad niyang pina-andar ang motor niya at tinahak ang daan papunta sa bahay. Hindi naman malayo ang bahay namin mula sa paaralan kaya nakarating kami agad. At ang pinagtataka ko ay hindi ko naman siya sinabihan ng direksyon kung nasaan ang bahay namin pero nakarating na kami. At sa mismong gate pa niya hininto ang motor. Paano niya nalaman ang address ko? "Uh salamat," sambit ko pagkatapos bumaba sa motor niya. "Friend ka ba ni Mikhael? Ano'ng pangalan mo?" tanong ko dito. Bago pa nito masuot ulit ang kanyang helmet ay tumingin muna ito sa akin. Dahil sa ilaw na nanggagaling mula sa sa street light ay nakita ko ang kabuuan ng mukha nito. Dumako ang tingin ko sa mga mata niya. Medyo singkit at kulay brown ang mga ito. Katamtaman lang ang tangos ng ilong nito na bumagay sa medyo makapal at mapula niyang labi. Hindi ko alam kung makinis ba talaga ang mukha nito o sadyang dahil lang iyon sa ilaw na nagre-reflect sa mukha niya. Tumaas ang gilid ng labi nito at napangisi. "You don't need to know my name," sambit nito at tiningnan ako nang mataman sa mga mata. Tinitingnan na naman niya ako. Napahawak ako sa hamba ng gate nang biglang nangatog ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung sanhi ba ito ng matamam niyang pagtingin o sadyang pagod lang ako sa practice. Akmang bababa na ito sa motor para sana alalayan ako pero pinahinto ko siya. "O-Okay lang ako. Magga-gabi na. Salamat sa p-paghatid," nginitian ko siya senyales na ayos lang ako. Nginitian niya ako ng tipid, "Okay. Bye." Huminga ako nang malalim at binuksan ang gate. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakarating na si Papa. Nasa kusina ito nagsasaing. Hindi ako nito napansin dahil mulhang malalim ang iniisip nito habang nilalagay ang kaldero sa kalan. My father is 47 years old. Pero kung makikita mo siya aakalain mong nasa 50's na ito. Dahil ito sa pagta-trabaho. Isang karpintero ang ama ko. Nakapagtapos naman ito ng pag-aaral. Sabi ni Lola Diesel Mechanic daw yung course na kinuha ni Papa. Pero hindi siya nagtrabaho sa field na iyon. Sa kabila ng itsura ni Papa na aakalain mong nasa singkwenta na ay makikita mo pa rin na may itsura ito. Malaki ang mga mata niya bagay na nakuha ko. Maliit at matangos ang ilong nito na nakuha ko rin. May malalim itong dimples sa magkabilang gilid ng pisngi niya. Sabi pa ni Lola ay dahil daw sa dimples niyang yan kaya maraming bababe ang naghahabol sa kanya. Pero si Mama lang daw ang nakakuha ng atensyon niya. Mama is just 20 years old when she married Papa. Papa is 30 years old that time. Hindi na ako nasundan pa dahil wala pa akong 1 year old ay umalis si Mama para maghanap ng trabaho. Si Lola ang nag-aalaga sa akin nung mga panahong wala siya. "Pa, I'm here," pabiro kong sambit sa kanya. Umalis siya sa harap ng kalan at nilapitan ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggan paa at nakita ko sa itsura niya ang pandidiri. Heto na naman siya, he will jokingly tell me that I look ugly. "Parang dinaan ng bagyo ang itsura mo," sambit nito sa akin at tinawanan ako. "Atleast maganda pa rin," sagot ko sa kanya at tumawa rin. "Syempre wala namang panget sa lahi natin," pagmamalaki niya pa. Tumawa lang kaming dalawa at nagpaalam ako sa kanya upang magpalit ng damit. Bakit kaya hindi pa rin nakapagtext sa akin si Mikhael? Nag-aalala na ako kaya di-nial ko ang numero niya at tinawagan. Pagkatapos ng limang ring ay sinagot niya. "B-Babe!" "M-Mikhael--" "Ben! Halika rito! Nandito si---" "B-Babe! I'll call you later! Bye!" Naputol ang tawag at hindi ko alam kung bakit sobrang kaba ko. Ang ingay ng paligid niya. Parang nasa loob ng isang bahay at may mga batang naglalaro. "Anak, maghalf bath ka na at kakain na tayo," tawag ni Papa sa akin habang nakalitaw ang ulo sa may pintuan ng kwarto ko. Agad ko namang nilagay ang bag ko sa ibabaw ng kama at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pintuan at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maghalf bath ay pumunta na ako sa kusina at umupo sa harap ni Papa. Nakahanda na ang mga pagkain. Kanin at sinabawang isda. Tahimik lang kaming kumakain ni Papa. Iniisip ko pa rin ang narinig ko kanina sa tawag namin ni Mikhael. "May raket ako bukas. Medyo malayo nga lang kaya baka gabihin akong umuwi," biglang sabi ni Papa na nakapagtaas ng ulo ko. "Saan po?" "Sa Cabano. Ni-rekomenda kasi ako ni Jack kaya kinuha nila ako." "Ano po bang pinapagawa nila?" "Bahay daw. Malaki yung bahay kaya siguradong matagal-tagal bago matapos iyon," sabi niya pa. "Sige po. Kaya ko naman na ang sarili ko," sabi ko at ngumiti sa kanya. Pagkatapos kumain ay lumabas ako ng bahay para magpahangin at hintayin ang tawag ang ni Mikhael. Subalit ilang oras na ako dito sa labas at pinapa-pak na ako ng mga lamok ay wala pa rin akong natanggap na tawag. Nagsisimula na akong mainis sa kanya. Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin kaya dinilat ko ang mga mata ko. Mukha ni Papa ang sumalubong sa akin. "Pa? Bakit?" tanong ko habang kusot-kusot ang mga mata ko. "Aalis na ako. Baka gabihin ako mamaya. Ikaw nang bahala dito sa bahay ha?" bilin nito sa akin. Nakita ko naman ang nakasukbit na bag sa balikat niya. Ang laman nito ay ang mga kagamitan niya sa pagka-karpintero. "Opo. Mag-ingat din po kayo doon. I love you," sabi ko at tuluyang bumangon. "Mahal din kita anak. Sige alis na ako," hinalikan ko si Papa sa pisngi bago ito lumabas ng bahay. Tuluyan na akong bumangon para magprepare na ring pumasok sa eskwelahan. Pagkarating ko ng room ay halos pagbagsakan ako ng langit at lupa sa kahihiyan. Never in my entire life na na-late ako. Ngayon lang. Ilang oras ko kasi kagabi hinintay ang tawag ni Mikhael na nilamon na ng hangin. Mabuti nalang at ginising ako ni Papa kanina. "Good morning Ma'am. Sorry I'm late," sabi ko kay Ma'am Martinez na siyang teacher namin sa Applied Economics. Umupo na ako sa upuan ko na nasa tabi ni Jes. Agad naman nila akong tiningnan nang mapang-asar. Pupusta akong mamayang break time ay gigisahin na naman nila ako. Sinasabi ko na nga ba. Break time namin ngayon at lahat sila ay hindi pa umalis sa mga upuan nila at mataman akong tinitingnan. Bumuga ako ng hangin bago magsalita. "Hindi ako nahatid kahapon ni Mikhael," panimula ko. "Paasa talaga yun," Rosch commented. "Eh? So naglakad ka lang pauwi?" tanong naman ni Anj. "Nagrequest si Mikhael sa kaibigan niya na ihatid ako," dugtong ko. "Oh? Ano'ng pangalan?" si Jes naman ang nagtanong. "H-Hindi ko alam. Sabi niya hindi ko na raw kailangan malaman." "Ay? Pa mysterious effect? Gwapo ba?" tanong naman ni Jen. "M-May itsura naman," totoong sabi ko. May itsura naman talaga siya. Kaso lang parang suplado. "Yieeee!" Tumili silang lahat except kay Crihs na nakangiti lang. "Hoy mga echosera! Di ko siya type. May Mikhael na ako 'no!" Sigaw ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila at agad na ibinalik ang tingin sa akin. "Wala naman kaming sinabi. Don't be so defensive!" Asik ni Jes. Naubos ang time namin kaka-tsismis hanggang sa dumating na ang teacher namin para sa second subject namin ngayong umaga. "Bakit absent si Bless, Zel?" tanong sa akin ni Anj habang ang mga mata ay nasa harap. "Ha? Absent siya? Hindi ko alam," gulat kong sabi. Bakit nga ba absent si Bless? Hindi kaya'y wala na naman siyang baon? O di kaya'y napagbuhatan na naman siya ng kamay ng Tatay niya? Siguro dadaanan ko nalang siya mamaya. Uwian na nang hapon at napag-isipan kong daanan nga si Bless sa kanilang bahay. Pero bago pa man ako makalabas ng gate ay huminto sa harap ko si Jes na hingal na hingal. "Oh? Akala ko umuwi ka na? Parang tanga yung itsura mo, napano ka?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang buhok niya. Tinampal niya ang kamay kong nasa buhok niya at tumingin sa akin ng nang-aasar ang itsura. "Gaga ka! Ikaw ang umayos! May naghahanap sa'yong pogi!" sigaw nito habang pumapalakpak at nae-excite. Ha? Sino ba yung naghahanap at kailangan ko pang umayos? "Sino daw?" "Aba! E malay ko. Bigla nalang akong in-approach tsaka tinanong kung kilala ba kita." Nangunot naman ang noo ko. "Sino daw?" Jes shrugged her shoulders. "Hindi sinabi ang pangalan eh." Naglalakad na kami ngayon ni Jes patungo sa parkingan ng jeep kung nasaan daw yung naghahanap sa akin. I don't know why my heart is acting like this. Parang nagpa-palpitate ako kahit na hindi naman ako uminom ng kape. Naramdaman kong huminto kami kaya napatingin ako sa harap. "Kuya! Heto na po si Di na hinahanap ninyo!" sigaw ni Jes sa lalaking nakatalikod. Naka polo ito ng katulad kay Mikhael. Syempre magkaibigan daw sila. Humarap ito sa amin at nahugot ko ang hininga ko. Kitang-kita ko na ang itsura niya ngayon ng mas malinaw. Hindi tulad nung una naming pagkikita. Lumapit ito sa amin at huminto sa tapat ko. "I-Ihahatid na kita," he stammered. Hindi ko alam kung ano'ng deal sa kanya at bakit niya ginagawa ito. As Mikhael's friend, he should know how to keep distance. Alam kong alam niya naman na boyfriend ko ang kaibigan niya. At bakit ganito ang iniisip ko? Bakit ko binibigyan ng malisya ang paghatid niya sa akin? "Gurl, maghunos-dili ka. Baka matunaw na 'yan," Jes interrupt. Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran. Paano ba naman kasi, ang lakas ng pagkasabi niya at narinig pa ng lalakeng kaharap namin. Nakita kong ngumiti ng tipid ang kaharap namin kaya napapikit ako sa kahihiyan. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkaharap at ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Jes was out from the picture for friggin' 20 minutes ago. "Can we go?" I decided to break the ice. Bahagya itong nataranta. Hindi ko alam kung nag-iba ba ang tono ko. I am just trying to ease the uneasiness I am feeling right now. Napakamot naman siya sa batok niya na tila ba may gusto pa itong sabihin. "Uh nasa kabila ang motor ko. Wait right here, kukunin ko lang." Dali-dali itong tumawid sa kabilang kalsada. Nakita kong kinuha nito ang kanyang susi sa bulsa niya ngunit nalaglag ito dahil sa taranta. Clumsy eh? Hindi nagtagal at nandito na siya sa harap ko at nakasakay sa kanyang motor. Hindi ko alam kung ako lang ba 'to at parang ang aesthetic ng dating niya. Riding in his motorcycle with his helmet on while looking at me. Para kaming nasa movie. I shook my head to prevent myself from thinking things that I shouldn't be thinking. Masyadong nang maraming laman ang utak ko these past few days and natatakot ako na baka may makapasok pa na isang ideya na makakapag-overthink sa akin. I always sucks at overthinking. That's why kahit ano'ng mangyari dapat hindi ako mahulog sa patibong na iyan. I tend to think worst scenarios whenever I am in the depths of it. Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya para makaupo ako ng maayos sa likod niya. Tahimik lang ang byahe namin. I wonder kung bakit ayaw niyang sabihin ang pangalan niya? I mean, hindi naman big deal sa akin kung sasabihin niya ang pangalan niya o hindi. It's just that, I find it strange. Normally kasi pag may nakasalamuha kang stranger and you two seems to have a conversation, okay lang na malaman ninyo ang pangalan ng isa't-isa. Weird. Akmang papasok na sana kami sa crossing nang maalala ko na dadaanan ko pa pala si Bless. Okay lang naman sigurong humingi ng favor ano? Total siya naman ang nag-insist na ihatid ako? Huminga ako ng malalim bago magsalita. "May dadaanan pa pala ako," "Sabihin mo lang ang direksyon kung saan." Sinabihan ko naman siya ng direksyon at ilang sandali pa ay dumating na kami sa harap ng maliit na bahay nila Bless. Bumaba ako sa motor niya at ganun din siya. Bago ako makapasok sa mismong bahay nila ay madadaanan ko muna ang gate nilang gawa sa kahoy at hanggang bewang ko lang. May mga tanim na bulaklak sa harap nito. Napatingin ako sa paligid at nakitang may mga ilaw na ang ibang mga kabahayan pero ang bahay nila Bless ay wala pa. Mukha ring walang tao dahil wala akong marinig na kahit ano'ng ingay. Pero sinubukan ko pa ring sumigaw dahil baka abala lang sila sa paghahanda para sa hapunan. "Tao po!" Bigo ako nang walang sumagot sa sigaw ko. Wala ngang tao. Paniguradong umiinom na naman si Tiyo Bando. Nagdidilim na kaya hindi pwedeng magtagal ako rito. Kailangan ko pang maghanda ng hapunan naming dalawa ni Papa. Kaya naisipan ko nalang na umuwi at sa ibang araw ko nalang pupuntahan si Bless. Lumapit ako sa kasama ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Kailan ba nito sasabihin sa akin ang pangalan niya? O di kaya'y masyadong confidential para sa kanya na sabihin ang pangalan niya sa'kin? Hindi kaya'y anak siya ng isang politiko? Nabigla ako ng marahas niya akong hinawakan sa kamay atsaka hinatak papunta sa motor niya. Pilit kong kinukuha ang kamay kong hinawakan niya pero sadyang mahigpit ang pagkakagawak niya dito. At isa pa may kalakihan ang katawan niya kaya parang wala lang sa kanya ang lakas ko. "Ano bang problema mo at nanghahatak ka nalang bigla?!" Saglit niya akong tiningnan at tumingin sa likod ko. Ano bang tinitingnan niya diyan sa likod eh wala namang tao sa bahay nila Bless? Akmang titingnan ko na rin sana kung ano ang tinitingnan niya nang hinawakan nito ang mukha ko. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Napamura ako sa aking isip nang maramdaman ang paglakas ng t***k ng puso ko. "U-Uy, ano'ng g-ginagawa mo?" Nakatingin lang ito sa mga mata ko at nakita ko ang pagdaan ng sari-saring emosyon doon. Hindi ko ma-analisa ang mga emosyong iyon dahil sa malakas na tahip ng aking dibdib. "Magga-gabi na. Iuuwi na kita." Tila nalunok ko ang sariling dila at sumabay nalang sa paghatak nito sa akin hanggang sa pinasakay na ako nito sa kanyang motor. Madilim na ang paligid at ang mga ilaw nalang sa streetlights ang bumubuhay sa daan. Nakonsensya naman ako dahil gagabihin itong umuwi dahil sa akin. Ikalawang beses na ako nitong hinatid pauwi at alam kong kagagawan iyon ni Mikhael. Bakit kasi hindi nalang siya mismo ang maghahatid sa akin kaysa perwisyuhin itong kaibigan niya. Atsaka ano ba iyong kinabi-busy-han ng taong yun? Importante pa ba yun kesa sa'kin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD