Rain: I'd like to take that offer for a conversation now.
Sunny: Good morning. I'm doing great, thank you for asking. How about you, Rainbow?
Rain: Sorry. I just figured you're not in for a friendly chitchat right now after what happened so I ended up cutting to the chase. Can we talk?
Sunny: Well, aren't we talking?
Rain: Sa personal, syempre.
Sunny: I have a meeting. I'm already in a meeting right now, actually.
Rain: After that?
Sunny: I'll think about it.
Rain: Not after what you did. You don't have much choice.
Sunny: Wow. And if I say 'no'?
Rain: You have to suffer the consequences of not seeing me ever again.
Sunny: Go ahead. See if I care.
Rain: Given the circumstances, I'm pretty confident that you give a lot of CARE, Sunshine.
Sunny: Fine. See you in thirty minutes.
Ewan ko kung bakit bigla akong napangiti na parang timang. Pagkatapos ng eksena kagabi, dapat wala nang dahilan para mapangiti pa ako ngayon. Lalo na't obvious 'yung pagiging sweet ni Devin mula kanina na para bang lulunurin niya ako sa tamis para lang hindi ko bigyang-pansin ang ibang bagay. Nauumay nga ako, actually. Parang sumobra naman ata 'yung reaksyon niya sa inaasahan ko. Pero dahil lang sa mababaw na usapan namin ng isa pang bipolar na 'to, nagbago bigla ang mood ko.
Sunny: I'm at Hainanese Delights. Sa babae lang ng building niyo.
Sunny: *baba
Napataas ang kilay ko. Mata-typo na lang, babae pa maiisip. Nakasimangot tuloy akong pumasok sa Hainanese Delights. Buti na lang, hindi ganoon karami ang mga tao kasi wala pa namang lunch time. Masyado pa ngang maaga. Pero sinubukan kong hagilapin siya. Wala akong mahanap. Naglakad ako nang konti bandang gitna. May isang babae sa isang gilid, mag-isa lang siya. Siya lang ang nasa dining area na nag-iisa. Parehas din ng kulay ng buhok ni Sunny pero naka-white sando kasi tapos ang daming pagkain na nakahain sa harapan niya. E, hindi naman siya 'yung tipo na magsusuot ng ganoon o kaya kumakain nang marami.
"Hello?"
Nakumpirma ko lang na siya pala talaga 'yon nang sagutin niya 'yung phone niya pagtawag ko. Binaba ko na agad 'yung tawag at lumapit sa kaniya.
"Hi," I greet.
May binabasa siya sa phone niya nang makalapit ako. She looks up at me and stares tapos hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. That's all. Napairap tuloy ako. "Have a seat and eat," sabi niya pa.
Umupo na lang din ako. Hindi pa nagagalaw 'yung mga pagkain at may dalawang plate na nakahain. "Bakit ang dami?"
"I don't know. I asked them to give me the best dish and they served all of them."
Finally, binaba na niya 'yung phone niya.
"You're ten minutes late," sabi niya.
Tumingin ako sa relo ko. "Ten minutes lang, e."
"A lot of things can happen in such a short time."
"Oo na. Sorry. How are you?" pag-iiba ko.
"I just ended my long-time friendship with my best friend for a girl I barely know. I'm sure you can figure out just how ecstatic I feel."
"Sinisisi mo 'ko?!"
Poker-faced niya akong tiningnan. "No. Sinabi ko bang kasalanan mo? I said it was my decision, right?"
"Sino ba kasing may sabing tapusin mo?"
Nakatitig lang siya sa 'kin. Akala ko hindi na siya sasagot. Napansin ko, naka-clip 'yung isang side ng buhok niya. Nagmukha siyang mas bata but still beautiful, nonetheless.
"I like you. My intentions with you are honest. At hindi ako makakaporma kung may iniisip akong friendship na matatapakan. Since inumpisahan na rin naman niya na pagsalitaan ako nang hindi maganda, might as well say what I needed to say, too."
"Sunny, you've been hearing a lot of awful judgment before. Lalo na sa 'kin. Why react now? He's your best friend."
"Exactly." She moves forward from her seat. "He's my best friend. Kaya mas masakit. Parehas kami ni Devin ng pananaw sa buhay pagdating sa ganiyan and he knows that more than anyone. Wala kaming paki sa sasabihin ng iba pero sensitibo sa sasabihin ng mga taong kilala kami. I couldn't help it. He hit a nerve."
"Nagkakaganoon lang siya because he's paranoid you might take me away."
Ngumisi siya bigla. "For what it's worth, he's right about being paranoid."
"You're so mean."
"But you still like me in spite of."
I snort in disbelief. "Do you even hear yourself?"
Balik seryoso ang mukha niya. "Don't fool yourself, Rain. If you don't really find me attractive, you wouldn't get confused in the first place."
"Sino ngayon sa 'tin ang assumera at feelingera?"
"Oh, but, I'm not assuming, Rain. The moment you met me, confusion is written all over your face. You even tense whenever our skins touch."
"Need I remind you? You're the one who admitted to liking me."
"And I'm not denying it. So why would you?"
I squint my eyes at her. "You're ending your friendship with Devin for a girl you 'just' like?" I ask in disbelief.
She stares at me. "You are clearly underestimating the affection I have for you." Uminom siya no'ng kulay pink na juice na nakalagay sa baso sa tabi niya tapos naglagay ng pagkain sa plate ko. "Nakipagkita ka ba para sabihing mag-sorry ako kay Devin?"
"What? No. Nandito ako because I wanna know how you feel."
"Since I already answered that, are you about to leave me here?"
"N-No..."
"Because you want to spend time with me despite the tension going on."
It's a statement, not a question. Halatang nag-e-enjoy siyang ma-predict nang tama lahat ng nasa isip ko.
"You see, this is what I like most about you. You're clueless of how expressive you are with your actions and I like it when girls show affection towards me."
Hindi pa ako nakakasagot...
"Sunny? Oh, my gosh, it is you!"
Napalingon kaming pareho sa dalawang babaeng pumasok sa dining area. 'Yung isa, hindi ko kilala. At 'yung nagsalita, kilalang-kilala ko.
"Joney?" pagtataka ni Sunny.
Bigla niyang niyakap si Sunny. "Grabe! Nakakatampo. Ang tagal mo na rito, ni hindi ka man lang makipagkita sa 'min para sana nakapagpa-welcome party kami."
Halatang nairita si Sunny sa pagkakayakap sa kaniya kaya medyo napasimangot siya nang bitawan siya ni Joney. "What am I, a celebrity? Kailangan bang may red carpet premiere when I arrive?"
"Hindi ka pa rin nagbabago." Napalingon si Joney sa 'kin, squinting her eyes. "You look familiar. Rain?"
'Oh, please,' umiirap na sabi ni Aego.
"Wow. I haven't even had a different haircut in a year nor did I gain any weight. Now you pretend like you don't know me?" nakangiting sabi ko.
"Of course, it is you. I'm just surprised to see you with the person you hate the most."
"Joney, stop," singit ni Sunny.
"What? It's true. I can show you her text messages and everything."
"I said, stop."
Napatingin ulit sa 'kin si Joney. Gustuhin ko man siyang asarin sa mga ngiti ko, na-consume agad ako no'ng thought na nagkaroon sila ng something ni Sunny before.
"Okay. See you around, Sunny. I hope next time I see you, you're not with that back stabbing... angel."
Nakatingin lang ako nang masama hanggang makaalis si Joney kasama 'yung isang babaeng kahawig niya. She was about to say b!tch, I know. Pero hindi niya masasabi sa 'kin 'yon dahil makakarinig talaga siya ng hindi maganda sa 'kin. Mabuti na lang din. Nakakahiya kay Sunny kung nagkataon.
"I'm tempted to ask you not to mind her but she seems to be a huge distraction to what we were talking about."
Napairap ako. "May bago ba? Ganiyan naman ata ugali ng lahat ng ex mo."
"What?"
"Bakit? Ex mo naman si Joney, 'di ba?"
"Who said that?"
Umiwas ako ng tingin. "It doesn't matter."
"It was a shorter version of a relationship."
"Still."
"Rain?"
Tumingin ako ulit. "What?"
"Do you realize that you sound like a jealous girlfriend right now?"
"Excuse me?"
"This is the reaction I've been expecting when I first arrived. I didn't see it before. Why am I seeing this side of you now?"
"Hoy, Sunny, tigilan mo 'ko. Ang papangit ng mga taste mo. Magsama-sama kayo kung gusto mo." Tumayo na ako. Nakakaasar naman kasi. Ayoko 'yung ipipilit sa 'kin na nagseselos ako lalo na kapag hindi naman talaga ako nagseselos!
"Rain..." Ano pa nga ba? Syempre napigilan niya ako. Sa haba ba naman ng mga braso niya, talagang maaabot niya 'yung braso ko kahit saan ako dumaan.
"Pwede ba, Sunny? Kung sisirain mo lang ang araw ko kakapilit na nagseselos ako sa pangit na 'yon, 'wag ka na lang magpakita sa 'kin kahit kailan."
"Calm down. Subukan mong iwanan ako rito. Mapapahiya ka talaga."
"At ako pa talaga ang ipapahiya mo?! Parang kaya mo, 'no?"
"Try me."
"No, I don't wanna try you. Wala ka naman kasing gagawin talaga. Tinatakot mo lang ako."
She sighs. Hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko. "You know, I really have this ugly habit of being attracted to difficult girls. By far, you are the most complicated and difficult one," seryosong sabi niya.
I snatch my arm away and start walking out. Hinarangan niya agad ako sa daraanan ko. Nagkatinginan muna kami. Nabigla ako no'ng hinawakan niya ako sa batok tapos sa isang iglap lang, ang lapit na ng mukha niya sa 'kin. Ninerbyos ako, sh!t, hahalikan niya ata ako! Magkadikit din ang mga katawan namin. Nampucha talaga, naka-shorts lang ata siya kasi naka-dress ako at nararamdaman ko 'yung balat niya sa balat ko. My eyes bewilder. Dinig na dinig ko sa magkabilang tainga ko 'yung bilis ng t***k ng puso ko. Napalunok ako. Nakatingin na siya sa lips ko pero nakatitig lang ako sa mga mata niya.
Those gray eyes.
"You really are challenging my patience, Rain."
Bakit laging amoy marshmallow 'yung hininga niya? Samantalang ni hindi ko nga siya nakikitang kumakain no'n. At saka bakit ganito? Na-stroke na ata ako sa kinatatayuan ko.
Finally, lumayo na siya. "Sit. We have something to talk about, remember?" paalala niya sabay balik sa kinauupuan niya kanina na parang walang nangyari.
'Huminga ka,' bulong ni Aego.
Napahinga ako nang malalim. Hindi ko alam na pigil hininga na pala ako kanina pa.
Despite reiterating the fact that we have much to talk about, tahimik kaming kumakain. Until I decide to start the conversation.
"Ex mo nga ba si Joney?"
"It wasn't like the kind of relationship I had with Kaizer. It was just an overnight fun," straightforward na sagot niya. "Or two nights, I don't know. I honestly don't remember anymore."
"Babaera ka pala talaga."
"If Ice was the one who told you that, you have to get your facts straight. Mas babaero sa 'kin 'yon."
Naalala ko bigla 'yung babae sa condo ni Ice kahapon.
Kahapon?
Holy schmucks. Kahapon lang pala 'yung away nila ni Devin. Kagabi, to be exact. Parang feeling ko, ang tagal-tagal na. At feeling ko, mas big deal sa 'kin ngayon 'tong mga haliparot na babae ni Sunny na bigla-bigla na lang nagsisisulputan kung nasaan kami kesa sa thought na masira ang relasyon namin ni Devin because of Sunny's arrival in our lives.
"What is it?"
Napakurap-kurap ako. "Hindi mo ba kayang i-off 'yung radar ng mga babae mo?"
Napasimangot siya pero mabilis na nawala 'yon. Hindi ata niya na-gets agad.
"Parang kahit nasaan ka kasi, nahahanap ka nila."
She shrugs. "I'm fine with it."
"What?!"
"I mean, okay lang. Ano naman kung makita nila ako lagi? And I told you..." Napangisi siya bigla. "I can't deny I love the affection I get."
"How dare you?"
Nawala 'yung ngisi niyang nakakapikon. "Come on. I'm just messin' around."
"Siguraduhin mo lang."
"Don't be unfair, though. Hindi naman mahirap na solohin ako. Alam nating pareho na mas mahirap ang solohin ka. Alangan namang habang iniiwasan ko lahat ng babaeng pagseselosan mo, e, okay lang sa 'kin na karelasyon mo 'yung nag-iisang taong kaagaw ko sa 'yo."
Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Wow. Ang dami kong narinig na salitang gusto kong palagan pero na-speechless ako.
"What? Too gorgeous to stare at?" tukoy niya sa sarili niya. Natulala kasi ako sa kaniya sa sobrang wala akong masabi.
Napailing ako habang natatawa. "You're so full of yourself, aren't you?"
"Actually, no. But that's what the survey says. Almost half of the people I meet try to hide how much they admire my beauty."
"And the other half are blind, perhaps?" pangunguna ko.
"The other half are saying it right away."
"You know you're starting to sound a lot like Ice."
"I'm not conceited and vain, if that's a nicer way to put it."
Nawalan na naman ako ng sasabihin. Seryoso lang ang itsura niya. Para bang feeling niya walang halong kayabangan 'yung huli niyang sinabi.
'Aminin mo. Ang ganda niya,' pandedemonyo ni Aego.
Hmm. Not that I agree, pero ang sexy niya ngayon.
'Damn right,' parang wala sa sariling sagot ni Aego.
Si Aego na ni minsan ay hindi sumang-ayon sa mga iniisip ko tungkol kay Sunny. Ngayon, parang pati siya, nauuto na.