"What did you say to Devin after I left?"
Nagising ako bigla mula sa pagde-daydream ko sa kaniya. Naku. Ito na. 'Yung usapang nakakakaba. "It's personal. I can't tell you about it."
"Bakit ka pala nakipagkita? Anong pag-uusapan natin?"
Naisip kong mang-asar na lang din kaya nag-pout ako. "Bakit? Ayaw mo ba akong makita?"
At mukhang 'di tumalab ang charms ko dahil tinawanan lang niya ako. "Kung ako lang, hindi na kita pauuwiin. But that's out of the question dahil alam mong gusto kita. Ang tanong dito, bakit gusto mo 'kong makita?"
Ayoko ng ganito na siya 'yung in control sa nagiging takbo ng usapan namin. Siguro, it's the lawyer in her. But where's the b!tch in me whenever we talk? Bakit parang ang lame kong sumagot?
"What? Cat got your tongue?"
"Tse! Sinabi ko na nga kanina na gusto kong malaman kung kumusta ka, kung anu-ano naman iniisip mo."
Natawa siya bigla. Parang kasabay no'n, nahigop lahat ng hangin sa baga ko. Ang ganda niya. Sh!t, ang ganda niya kapag tumatawa.
'HOY, ALONZO. PAPASUKIN NG LANGAW 'YANG BUNGANGA MO,' paalala bigla ni Aego kaya sinara ko 'yung bibig ko.
"'Wag mong bigyan ng kahulugan 'tong pakikipagkita ko sa 'yo, Sunshine. Tandaan mong may boyfriend ako na inaway-away mo kagabi sa sarili niyang pamamahay."
Tumigil siya sa pagtawa. Nakatitig na lang siya ngayon sa 'kin. I think that's my cue to tease her.
"What? Cat got your tongue?" panggagaya ko sa kaninang sinabi niya sa 'kin.
Pero seryoso lang ang mukha niya. "Believe me. If there's anything that the poor pussycat would get from me, it's not my tongue."
Napalunok ako bigla. Ewan ko kung may ibang ibig sabihin 'yon pero parang ang dark kasi ng pagkakasabi at ang sexy kahit wala naman talagang sense 'yung sinabi niya. Baka marumi lang talaga akong mag-isip.
''Wag niyo kasing pagsasamahin ang PUSSYCAT at TONGUE sa iisang sentence. Malamang, sa tipo mo, marami kang mai-imagine,' sermon ni Aego.
"Ewan ko sa 'yo," sabi ko na lang.
Balik siya sa pagkain niya kaya kumain na lang din ako. "Does he know you're here?" tanong niya bigla.
"Yes."
"With me?"
"No."
"Hmm..."
Tumingin ako sa kaniya. Busy siya sa pagkain. Parang wala lang siyang tinatanong.
"You're well aware that I'm straight, right?"
Siya naman ang napatingin sa 'kin. "Don't worry. I can see that," tumatawang sabi niya.
"Do you believe me?"
"Oh, I believe you, alright."
"Sunny..."
Hinawakan niya ako sa kamay na para bang binibigyan niya ako ng reassurance. "I believe you."
Ninerbyos ako bigla. Nanlalamig ata 'yung mga kamay ko kumpara sa kamay niyang mainit. "But you still like me?"
"Rain, I didn't like anyone because they're bent or something. What gave you the impression that your gender preference would put me off of you?"
"I don't know. Probably the thought of finding it hard to make me like you back."
"Oh, but you already like me. Trust me, liking me back isn't the hardest part."
I glare at her when she winks at me. "Uulitin ko lang, Sunny. I'm straight," sabi ko, with conviction this time.
Balik ulit siya sa pagkain niya. "Two weeks."
Napakunot ang noo ko. "What?"
"Two weeks and you'll be hell bent on your knees begging for me to court you."
I scoff. "You do have a lot of courage to say that, you know."
"Here's the deal. If you don't admit it in two weeks, I'll be gone. Forever. I'll be out of your lives. You get to stay in a pretentiously peaceful relationship with Devin and I won't be there to cut the picture."
Napa-cross arms ako. Kinakabahan ako sa mga pinagsasabi niya. Madalas kasing tama siya sa mga sinasabi niya sa 'kin at ayoko mang aminin, may kutob akong baka patunayan ko na namang tama siya sa iniisip niya ngayon.
"But if I ever hear the words, 'I like you' in that span of time, you have to do something for me."
"Ano naman 'yon?"
Ang tagal niyang nakipagtitigan. Halos mailang na nga ako sa titig niya, e. Pero mas kinabahan ako sa naging sagot niya... "I want you to be honest enough to tell Devin about it."
Hindi ako nakasagot. Parang nakaramdam ako ng something dark sa sinabi niya. Hindi ko matukoy kung ano pero 'di ba, best friends sila? Why would you want to torture your best friend in this way? Kagabi lang niya in-express 'yung plano niyang tapusin 'yung friendship nila pero hindi naman ata mawawala na lang agad 'yung paki mo sa isang tao overnight. I have a bad feeling that whatever it is that Sunny's thinking, it's more about hurting Devin than just openly admitting she likes me. Nakakatakot si Sunny. Oo, maganda siya. I'm staring at her right now and I still get enticed by her beauty despite the fact that we're both girls.
'Perhaps, behind that angelic facade is a lurking demon,' Aego says.
"Deal?"
I raise an eyebrow. "Why do you want me to do that?"
She shrugs. "Ikaw nga, hindi mo pa inaamin na gusto mo 'ko, halos ayaw mo na akong ipakausap sa iba. Sino ba naman ang gusto na may kahati?"
"What makes you so sure na gusto kita?"
"First sign. If Devin calls you right now, you wouldn't let him know na magkasama tayo. In fact, you wouldn't even tell him na nagkita tayo."
I gape at her. "You really think I'd lie to him again for this petty rendezvous?"
Biglang tumunog 'yung phone niya kaya napatingin siya do'n. "Sorry. I'd like to spend the whole day answering your endless questions but I have an important appointment to attend to. So... shall we?"
"You've been going in different appointments today wearing that?"
Napatingin siya sa suot niya. "Is something wrong?"
"You're kidding me."
"It's a Saturday. Casual day. I can be naked, for all I care. I have sexy abs and long legs. What's there to hide?" nakangising pagyayabang niya.
Napasimangot talaga ako. "No'ng una kitang nakilala, you're all poloshirts and jeans and casual suede shoes."
"I guess that's what makes me a very unpredictable person. The interesting changes of my preference."
Napailing ako at tumayo na. Grabe. Sabi ko, aasarin ko siya. Ang nangyayari, parang ako pa 'yung naaasar sa kaniya.
"I'm kidding, alright. May swimming kami nila Ice ngayon and I'm already late."
Pagtingin ko, nakatayo na rin siya at seryoso ang itsura. "Totoo? Sinong kasama niyo?" tanong ko.
"Uhm... Ice... Two of Ice's friends... Oh, and Lei will be there, too."
Hinintay kong tapusin niya 'yung listahan ng iba pang kasama nila dahil kapag kasama si Lei, pwedeng kasama rin si...
"A-And Kaizer."
'Sabi na nga ba,' Aego spits at me.
Ngumiti lang ako. "Enjoy, then."
Kahit magkasabay kaming naglakad palabas, hindi kami nagkikibuan. Sinamahan niya pa ako hanggang sa entrance ng building namin.
"Hey," pagtawag niya bago ako makapasok.
Akala ko, magbebeso siya kasi bigla niya akong hinapit palapit sa kaniya. Nanlalaki na naman ang mga mata ko. Ewan ko kung anong trip niya. Lumapit lang siya sa tainga ko at naramdaman kong huminga siya nang malalim tapos marahan na tumawa. Nanginig 'yung mga tuhod ko. Ang init ng hininga niya tapos amoy marshmallow pa. Napapikit tuloy ako. Ang harot naman kasi ng tawa niya, parang nananadya na ewan!
"See you soon," malanding sabi niya pa bago ako bitawan para maglakad patawid sa kabilang kalsada kung nasaan ang parking space. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Tama siya, ang ganda ng pagkapayat niya kasi ang hahaba ng mga legs tapos ang kinis. 'Yun nga lang, may pagka-boyish maglakad which I honestly find cute.
Kung hindi siguro sa pagba-vibrate ng phone na hawak ko, hindi ko pa aalisin ang tingin ko sa kaniya. "Hello?"
"Babe, where are you?"
"Nasa office," sagot ko habang naglalakad papasok.
Nagulat na lang ako nang salubungin niya ako sa office lounge. Binaba ko na 'yung tawag.
"Where have you been?"
Ayoko na rin na magduda si Devin o mag-isip ng kung anu-ano. Pero kapag sinabi kong magkasama kami ni Sunny, baka mas magtaka siya. Kung kahapon, wrong timing ang pagsasabi ko ng totoo, ngayon naman, iba. Of all the times I shouldn't lie, I choose today to keep the truth from him. "Went out for a walk. I needed some fresh air."
Aego glares at me. 'You. Did. Not. Just. Lie. To. Devin. Again.'