"Rain..."
Kakalabas ko lang sa opisina, nandito ako ngayon sa parking space. Namataan ko na sa malayo kanina na nandito 'yung sparkling orange na Lamborg pero hindi ko na pinansin. Or at least, pinilit kong hindi na pansinin pa ulit because it's hard to miss.
Naiinis kasi ako, e. Friday na ngayon, at ilang araw na mula nag-heart-to-heart talk kami sa bahay ng boyfriend ko na best friend niya. Kakasabi lang niya ng pinaka-mabubulaklak na salitang narinig ko no'ng araw na 'yon tapos hindi na niya ako kinakausap no'ng mga sumunod na araw. Ang babaw naman niya kung dahil lang 'yon sa hindi ako nagpahatid sa kaniya sa trabaho dahil sabi ko, kailangan niyang magpahinga at mukhang wala pa siyang tulog no'n. Pero this time, mukhang alam ko na kung bakit. At hindi na niya kailangang magpaliwanag pa.
'Feeling girlfriend na nahuli ang girlfriend niyang niloloko siya. Wait, did I say GIRLFRIEND twice?! Yuck!' si Aego.
Paano, nandoon siya sa same restaurant kanina during lunch break kung saan ako nakipagkita sa isang client ni Ren na cancelled ang project para magpaliwanag. Hindi niya siguro namalayan no'n na nasa kabilang table lang ako tapos may kausap siyang babae. Not Kaizer, not Lola, not Joney. Ibang babae. And ang sweet lang naman nila tapos ang harot pang tumawa no'ng ka-date niya. Naririnig ko pang sinasabi ni Sunny na do'n na lang daw sila sa condo ni girlet para walang istorbo. Sa asar ko, nagpaalam na ako agad sa kausap ko at sinadyang paingayin 'yung upuan habang tumatayo. Tumingin ako sa direksyon niya bago lumabas tapos nahuli kong nakangiti siya. At siguro naramdaman niyang may nakatingin kaya napadapo 'yung tingin niya sa 'kin at unti-unting nawala 'yung ngiti niya. Umalis na ako bago niya pa ako masundan para makaiwas na rin sa kahihiyan dahil baka pagbuhulin ko pa silang dalawa ng kasama niya kapag hindi ako nakapagpigil. Ilang days, walang paramdam. Walang kumusta. Walang kahit ano. Tapos unang beses ko siyang makikita matapos niya akong i-abandona ng ilang araw, ganoon pa ang makikita ko. Kaya tama lang ang naging desisyon kong 'wag na siyang pansinin kahit kailan. Pero ngayon, anong klaseng pag-iwas pa ba ang gagawin ko, e, nakasandal na siya sa passenger door ng kotse ko?
"Can we talk?"
'Naku, ayan na naman, pabayaan mo siya!' pangunguna ni Aego.
Ito na naman tayo sa 'can we talk' na opening niya. Open park space pa naman 'to, baka may mga makakita kapag nag-burst out ako bigla. Hindi ko siya tiningnan pero naaaninag ko siya. She's wearing white long-sleeved shirt tucked into black leather pants na fitted. Nilampasan ko siya at dumiretso sa kabila. Binuksan ko 'yung sa driver's side at tumingin sa kaniya. "Sorry, do we know each other?"
"Rain naman."
"Oh, but you look familiar. You look like the same liar who made me believe in the most beautiful and poisonous words about liking me, a few days ago. And then some time after, I saw her with another girl. Or was it actually you?"
'Alonzo, 'wag ka ngang feeling. Lumayas na tayo. 'Wag mo na kasing pansinin pa 'yan,' sermon ni Aego.
"You and I both know I wasn't lying back then, Rain."
"Wrong answer." Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho paalis. Bumibilis 'yung pagda-drive ko despite being tired dahil sa nararamdaman ko. Ewan ko kung kanino ako nagagalit, e. Sa kaniya ba, o sa sarili ko?
Siguro it's safe to say na mas nagagalit ako sa sarili ko ngayon. Bakit kasi masyado akong nagpapaniwala sa mga sinasabi niya? Kakakilala lang namin, for chrissakes. At isa pa, nakalimutan ko na ba agad na isa siyang capital L-A-W-Y-E-R? Na ka-rhyme halos ng L-I-A-R? Malamang, alam na niya lahat ng klase ng pasikot-sikot sa mga salita at nagkataong ayaw niyang ma-guilty sa hindi niya paniniwalang hudas 'yung kapatid niya kaya sinabi na niya lahat ng kasinungalingan para lang I can finally say I forgive her. At ngayon, dahil alam na niya kung gaano ako ka-gullible, uulitin na naman niya 'yung same trick para lang hindi ulit siya ma-guilty na huling-huli ko siya sa kasinungalingan niya.
'HOY, BABAE. TIGIL-TIGILAN MO KAIISIP DO'N,' si Aego na naman. Sino pa ba?
"Arrrrgh!" sigaw ko sabay hampas sa manibela habang nasa isang stop light. Inis na inis kasi ako. Ayoko mang aminin pero sa loob ng ilang araw na 'yon, hinanap-hanap ko 'yung presensya niya. MISS NA MISS KO SIYA. Tapos biglang ganoon?
Dad once said that our inner monsters are scary. But the scariest creatures are those who could stare at you straight in the eyes, as if they're having a mutual conversation with your soul, all the while managing to seem genuine as they feed you with rancid lies. She's one heck of a lovely-looking scariest creature in disguise.
Haphazardly, dinala ako ng sasakyan ko sa condo ni Ice. Ewan ko ba dito, may sariling isip na ata ang kotse ko o baka naman hinihipan lang ako ng hangin. Paulit-ulit akong nagpipindot ng buzzer. Akala ko nga, walang tao. No'ng naisip kong 'wag na lang, biglang nagbukas 'yung pinto.
"Rain?" pagtataka niya.
Napangiti ako. Naka-bathrobe lang siya pero mukhang hindi naman siya bagong ligo. "Hi," sabi ko na lang.
"What a pleasant surprise," parang medyo kinakabahan na sabi niya.
Napakunot tuloy ang noo ko. Ulo lang niya halos ang nakalabas sa pintuan at tinatakpan ng katawan niya 'yung maliit na puwang. Mukhang wala siyang balak na i-invite akong pumasok sa loob.
"Did I... uhm... disturb you with this visit?"
"W-What? No."
I just nod in confusion. Medyo defensive kasi ang pagkakasabi niya.
"Honey, who's there?"
Biglang nanlaki ang mata ko nang makarinig ng boses mula sa loob. Babae. At hindi lang ako. Mukhang si Ice din, nabigla. Hindi dahil sa hindi niya inaasahan 'yon. Nabigla siya dahil na-caught off-guard siya ng sitwasyon namin.
"Oh, my God," I mouth at her.
Huminga siya nang malalim habang nagpipigil ng tawa. "I can explain."
Napatakip ako sa bibig ko. Ewan ko rin kung bakit natatawa ako na ewan.
"Just... Ugh! Save your laughter. Stay right there. Give me two minutes."
Sinara niya ulit 'yung pinto tapos ako naman, hindi pa rin makapaniwala. I mean, Ice seems playful and all pero... Babae? Babae rin? Is she like Sunny, then?
'Smart, Captain Obvious,' panunuya ni Aego.
"Come in," sa wakas ay sabi ni Ice habang naka-white jeans na at simpleng v-neck tshirt na blue. Nailang din siguro siya sa itsura niya kanina.
"This is awkward," hindi ko napigilang sabihin habang umu-upo.
Natawa si Ice habang umiiling. Pumunta siya sa kitchen niya at pagbalik, may hawak nang bote. Alak na naman, malamang.
"I'm sorry. You didn't tell me you have another visitor," paliwanag ko agad. Ewan ko ba kung ba't biglang parang ako 'yung naging defensive.
"And yet, you're laughing."
Natawa na ako nang tuluyan. "You didn't tell me you're busy."
Siya naman ang natawa.
"You didn't tell me you're busy with someone," pagtutuloy ko.
Lalo siyang natawa.
"You didn't tell me it's a girl," I add.
"Oh, luv. Your face is priceless."
"You didn't tell me you're a lesbian."
Napairap siya bigla. Natatawa pa rin ako. Ang cute ni Ice. Parang mas nahirapan akong makita sa personality niya 'yon although nagparamdam din siya ng kaharutan sa 'kin minsan. Pero kasi feeling ko, puro pang-aasar lang 'yon, e. Tapos babaeng-babae pa siyang pumorma though hindi sila magkasing-feminine ni Bree sa poise and vocabulary at isa pa, walang kaarte-arte sa katawan si Ice.
With Sunny, it didn't take a lot of convincing. Wala naman ako no'ng tinatawag na gaydar pero na-sense ko pa rin na lihis ang sexuality ni Sunny dahil sa mga kilos niya. Or am I being too judgmental here?
"I'm not a lesbian. I'm a bisexual, luv."
"Whatever," sabi ko habang kinukuha 'yung baso na inaabot niya. "Is there a difference?"
"LGBT101, I put the B in LGBT. And the B in LGBT means they can get attracted to or fall in love with a man or a woman."
"So..." Nag-isip pa ako. "Is she your girlfriend?" pabulong kong tanong, ang tinutukoy ko, 'yung babaeng nagtatago sa kung saan dito.
Natatawa na naman siya. "No."
"What were you doing, then?"
"Work your imagination, Rain. Perhaps you'd imagine we were having a Bible study before you knocked."
Hinampas-hampas ko 'yung braso niya, paano tinatawanan na naman niya ako. Na-gets ko naman na ganoon ang ginagawa nila pero bakit sabi naman niya, hindi niya girlfriend?
"Uhm... Ice? Una na ako."
Napalingon kaming pareho ni Ice do'n sa babaeng lumabas sa kwarto niya na nagsalita. Matangkad rin siya pero mukhang mas matangkad pa rin si Ice. Medyo morena tapos mahaba ang buhok.
"Hatid kita?" tanong ni Ice sa kaniya.
Umiling 'yung babae tapos tumingin sa 'kin.
"No, she's not one of them," sabi bigla ni Ice na parang sinasagot ang tanong sa isip no'ng babae. "This is my friend—Rain. Rain, my friend, too—Ivy."
Ngumiti lang kami sa isa't-isa no'ng babae bago siya naglakad palabas.
"'Not one of them', huh?" pag-uulit ko sa sinabi ni Ice kanina.
"She's suspecting every girl she sees with me since yesterday to be my side chick or something."
"Ano mo ba kasi siya?"
"Wala."
"Then... Why were you doing those things with her?"
"Bakit? Bawal ba mag-Bible study nang sabay ang dalawang magkakilala? Gusto mo, mag-Bible study rin tayo, e."
Napairap ako. "Ice, alam nating pareho na hindi ginagawa ang Bible study na naka-bathrobe. Anong santa ba ang sinasamba mo para gawin niyong private ang Bible study niyo?"
Tatawa-tawa na naman 'tong lokong 'to tapos tumabi sa 'kin sabay akbay. Ewan, ang gaan-gaan ng loob ko kay Ice. "Nakilala ko lang 'yon sa launching party ng The OZ Boutique kahapon sa Makati," paliwanag niya. "Na-cute-an ako. Inuwi ko muna kagabi. Hindi naman nagreklamo, e."
"Seriously?!"
"Oo nga. It was nothing serious. 'Wag ka nang magselos. Mas maganda ka ro'n."
Kinurot ko siya sa tagiliran. Tawa pa rin nang tawa. Abnormal talaga.
Mabuti na lang, kay Ice ako dinala ng sasakyan ko kanina. Distracted na naman ako. Nawala na sa isip ko 'yung dahilan ng pagpunta ko kaya ito, sabog ako sa alak. Mas hilo ako ngayon kesa no'ng huli kaming nag-inuman kasi tawa ako nang tawa sa mga kalokohan niya. Parang mas nakilala ko siya ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng may kaibigan.
"Paano ka uuwi niyan? Lasing ka na?"
Sinundot ko siya sa ilong. "Anong lasing? Sino?"
Inayos niya 'yung mga kamay ko sa lap ko tapos sumandal ako sa backrest. Pumikit ako saglit.
"Iwan ko muna kotse ko. Taxi na lang ako pauwi."
"Magpababa ka na lang muna ng ininom. Gusto mo ba, sabihin ko kay Devin na nandito ka?"
"No. Ayoko munang mapalapit sa kanila."
"Sa kanila?"
Hindi ako sumagot. Nakapikit lang ako pero gising pa rin ako. Maya maya, naramdaman kong binuhat niya ako, newly-wed style. Hindi ako pumalag. Alam ko naman na hindi ako ganoon kabigat pero nakakahiya pa rin kaso tinatamad na talaga akong dumilat kaya hinayaan ko lang siya hanggang maramdaman ko na 'yung malambot na kama sa likod ko.
"Hay, Rain. Pasalamat ka, ako ang kasama mo ngayon. Kundi, uuwi kang harassment victim."
Napangisi na lang ako. "Salamat."
Bigla niya akong sinundot sa tagiliran. "Gising ka pa palang mokong ka, pinagbuhat mo pa ako."
Tumatawa na naman ako. Pagdilat ko, tumabi siya sa 'kin. "Seryoso. Salamat," sabi ko.
"Anong salamat? May bayad 'yan. Magiging alipin kita ng isang linggo."
Yumakap ako sa kaniya. Hindi naman siya pumalag. "Mukha mo," sabi ko.
Natawa lang siya. Wala na ata akong ibang gagawin kapag kasama si Ice kundi tumawa o kaya maasar.
'Quota ka na nga kakamanyak kay Ice, e,' bulong ni Aego.
"Ice, nasusuka ako."
"Subukan mong sukahan 'tong guestroom ko, papahigop ko 'yan sa 'yo."
Umupo ako at tiningnan siya nang masama. "Ang balahura mo. Matapos kitang tanggapin nang buo sa mga nalaman ko, nawala na pagka-gentlewoman mo sa 'kin."
"Kabayaran 'yan sa pagbubuhat ko sa 'yo rito. Kaya mo naman atang maglakad, nagpabuhat ka lang talaga."
"Wala naman akong sinabi na buhatin mo 'ko, e."
"Hindi mo rin ako pinigilan."
Humiga na ulit ako. Wala na 'yung naduduwal na pakiramdam ko. "Ice, can you sing something for me, please?"
"Mautak ka talaga. Usapan natin ikaw ang alipin dito tapos ngayon ako ang inuutusan mo."
"Dali na kasi."
"Ano naman ang kakantahin ko?"
"'Yung favorite song mo."
"Sige dahil nagmamakaawa kang marinig ang mamahalin kong boses, I'll sing for you. Ehem."
Tahimik lang ako. Halos magtayuan ang mga balahibo ko pagkarinig ko sa boses niya nang mag-umpisa na siyang kumanta.
***
My lover's got humour, she's the giggle at a funeral...
Knows everybody's disapproval, I should've worshipped her sooner...
***
Maganda boses ni Ice. Malamig. Pero halatang hindi niya sineseryoso 'yung pagkanta niya tapos sinasadya niyang palutangin 'yung Aussie accent niya. At halata rin na nagpipigil siya ng tawa. But I guess this is enough proof na signature talent talaga ng Season Sisters ang singing. Napangiti tuloy ako.
"Okay na?"
"Ba't hindi mo tinapos?!" reklamo ko.
"Aba. Five-minute appearance nga lang sa mga event, binabayaran na kami nang malaki, e. Tapos kakantahan pa kita ng isang buong kanta? For free?"
Ngumuso na lang ako tapos dumapa. Pero sa kaniya nakalingon ang ulo ko. Siya naman, nakaunan sa mga braso niya sa likod ng ulo. Nakatulog na lang ako nang ganoon.