S I X T E E N

2934 Words
"What the hell are you doing here?" Bigla akong natauhan. Pagkatapos niya akong talikuran no'ng huli kaming nag-usap, ang lakas ng loob niyang gamitan ako ng ganitong tono ng pananalita ngayon. "What do you care?" "Do you have any idea what's happening to your boyfriend right now?" sabi niya sabay hampas ng kamay sa pinto. Naglakad ako paatras, kasabay ng paglalakad niya papasok. "Or have you forgotten the fact that he just came home from the hospital, seeking your presence, being the girlfriend, as he tries to get well?" Inirapan ko lang siya at tumalikod na 'ko. "'Wag kang mag-alala, Sunny. Ang taong may reserba, hindi mawawalan ng kasama." Umupo ako ulit sa couch kung nasaan ako kanina. "Your boyfriend is going nuts because you've been missing for a day tapos nandito ka lang pala?" "Remind me again how that concerns you." "What's going on here? O, Summer? Napadaan ka?" "At mabuti na lang, napadaan ako. Let me tell you what's going on, mate. Your mini girl talk is over and I'm taking Rain back to her boyfriend." "Sino ka para magdesisyon para sa 'kin? Need I remind you? Best friend ka lang ng boyfriend ko. 'Wag kang mangingialam sa problema namin unless I ask." "At least I'm doing my part as the best friend. Ikaw? Anong ginagawa mo? You're sulking here like a teenager." "Wala kang paki!" "Sa 'yo, oo. Wala akong paki sa 'yo. But I have every damned concern for my best friend kaya tumayo ka na diyan or so help me, kakaladkarin kita palabas." "Mate, no. You don't have to do that. She's fine here," Ice says. "She's fine but Devin isn't. He bled this afternoon. I'm trying to convince him to get back to the hospital to get checked but stubborn as he is, he said he'd wait for the little girl." 'Awts! Quota na sa verbal attacks ang isang 'to, ah?!' galit na galit na sabi ni Aego. Concerned din ako kay Devin. But who's concerned of me? Sa bagay, ano bang bago? Wala namang mag-aalala sa kagaya kong masama ang ugali. It's the very reason why I can't let go of Devin, anyway. Siya lang 'yung nakatagal sa ugali ko. Might as well do a payback for what he's done. "Ice, I need to go." Tumayo na ako at yumakap kay Ice bigla nang walang paalam. Hindi naman na siya nabigla, niyakap nga rin niya ako pabalik. "Thank you for being with me. I really needed that talk." "Hatid na kita?" "Hindi na." Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. "Nakainom ka rin. I'd take a cab. Malapit na lang naman. Are you staying here for good?" "I'll be around for quite some time. Weekends, I'll be at my parents'. You can visit me here anytime on weekdays." Tumango lang ako at humarap na kay Sunny. Nakaupo siya sa armrest ng sofa at ang sama ng tingin sa 'kin. That face, in any other days, would have been priceless. "And as for you, next time, before you attack me with your words, ask your sister where my actions are coming from." Napansin kong napalingon siya kay Ice. "The other sister," pahabol ko pa. "Bree?" hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi ako kumibo. Tumayo siya at humarang sa daraanan ko. "Bree wouldn't stoop so low," sabi niya pa. "This very reaction about my behavior is what I'm trying to get away from kaya ayokong magpakita kahit kanino ngayon. I'm not up for an argument. Thank you for stopping by to remind me of who my real enemies are. Ikaw naman talaga 'yung una sa listahan na gusto kong ilayo kay Devin, 'di ba? But it might consume time starting with the sneaky one, thanks to your little sister," sabi ko bago tuluyang lumabas. 'Good. Now we're back to business,' sabi ni Aego habang nakikipag-clink ng imaginary wine glass. Habang nasa biyahe sakay ng taxi, nakita kong nakasunod sa 'min 'yung sparkling orange na Lamborg ni Sunny. Hindi ko na lang pinansin. Hanggang makarating sa bahay nila Devin, tahimik lang ako. Pagkababa ko, napansin kong may nagbukas ng gate... at inuluwa no'n si Bree. 'Alonzo, keep your hair on,' paalala ni Aego. Of course. Naglakad ako palapit. Ngumiti siya agad nang mapansin ako. "What the hell are you doing here, Bree?" That's Sunny. Smart, she's asking her sister the question I have in mind but I guess the answer is just too obvious to miss. 'Alonzo, attack!' sigaw ni Aego. Siguro sa tagal ni Bree na nakatira sa gubat, naging isang ahas na siya na may human form. Pero pabababain ko ba ang level ko sa pagiging ahas niya? "Well, someone needs to take care of the sick guy so I came to the rescue," nakangiting sagot niya tapos tumingin ulit sa 'kin. Naglakad na siya paalis pero nahawakan ko siya sa braso. Ang lambot ng balat niya sa totoo lang. "Why are you wearing Devin's shirt?" I ask. Kalmado lang ako pero sasabog na 'ko sa loob. Inalis niya 'yung braso niya sa pagkakahawak ko. "Natapunan kasi ng soup 'yung damit ko. So he asked me to change my clothes." "Don't listen to her, Rain," singit ni Sunny. Tumingin lang ako sandali kay Sunny and then back at Bree. "I have a lot of clothes here. Why didn't you wear them instead, since you love filling in the roles of the missing girlfriend?" "Devin wanted me to wear his shirt. So I did." Hindi na ako nagsalita no'ng tumuloy na siya ng lakad paalis. Narinig ko na lang na umandar na 'yung kotse na kamukhang-kamukha ng kotse ni Devin na naka-park sa labas. Kung hindi ko nga namataan kanina sa loob 'yung kotse ni Devin pagbukas ng gate, baka naisip kong kaniya 'yon. Ano'to? Couple's car? Lumingon ako sa direksyon ni Sunny. "Still think your angel of a sister wouldn't stoop so low?" sarcastic na tanong ko. 'O, 'yung luha mo. Pigilin mo 'yan,' paalala ni Aego. Pumasok na ako sa bahay nila Devin. Nakaupo siya sa couch at halatang nagulat siya pagpasok ko. "Rain?!" Ngumiti lang ako. 'Rain? Nakalimutan niya bang 'babe' ang pangalan mo sa kaniya?' panunuya ni Aego na hindi ko na lang pinansin. Lumapit ako at humalik sa pisngi ni Devin. "How are you feeling?" "Kanina ka pa ba sa labas?" nag-aalalang tanong niya. It's hard to miss the scent I smell. The combination of cucumber and melon is everywhere. No'ng una, akala ko, na-stuck lang sa ilong ko dahil sa lapit namin kanina ni Bree. But now, I'm a hundred percent certain na naaamoy ko siya kay Devin. "Babe..." "Diyan ka lang. Magbibihis lang ako. Unless gusto mong manood," nakangiti pa ring biro ko sa kaniya no'ng hinawakan niya ako sa kamay. Ngumiti na lang din siya tapos binitawan na ako. "You smell sweet, by the way. Hindi ko alam na nagpalit ka na pala ng perfume," pabirong sabi ko pa bago tuluyang umakyat sa kwarto niya. I feel like a sore loser. Hindi ko na alam kung sino pa rin ang pinapaniwalaan ko o kung bakit biglang nagkaganito kami ni Devin when I met the Larqueza sisters. Dati, sapat na frustration na sa 'kin 'yung hatred ko towards Sunny. Now that the tables are turned, it makes me realize na hindi ko alam kung saan ako mas natatakot—sa multo ko, o sa multo ni Devin. Nag-shower ako para mawala lahat ng tama ng alcohol. Naramdaman ko 'yung lump in my throat, hindi ko na pinigilang umiyak. Kasabay ng pag-agos ng tubig, iniyak ko na lahat 'yung kanina ko pa pinipigilan mula paglabas sa resto na 'yon. Ice made a great distraction para hindi ako mag-mull over sa mga sinabi ni Bree. I just hope I can make that distraction myself para hindi na ako mag-rely ulit kahit kanino next time. I'm tired of being emotionally dependent. "Babe..." Ngumiti lang ako kasi nandito na si Devin sa kwarto niya, nakaupo sa kama. Kakatapos ko lang maligo at bihis na rin ako with pajama pants and shirt. Tinali ko 'yung buhok ko at naglakad papunta sa pinto. "Stay here. I'll get something for my sick boyfriend. Babalik ako agad." Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Bumaba na ako agad sa kitchen. "Sino nagluto nito?" "M-ma'am?" "It's okay, Cha. I'm aware that we've been having a mysterious visitor lately. You can tell me," walang lingon na sabi ko habang naglalagay no'ng mushroom soup sa bowl. "Ma'am, binilin kasi ni sir na 'wag na raw ipaalam sa inyo, e." "Don't worry, Cha. If anything, you didn't tell me." Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Halatang kinakabahan siya. Hinawakan ko 'yung chin niya. "Chill," sabi ko. Nakatitig si Devin sa mukha ko habang pinapakain ko siya. It's hard to ignore the tight squeeze in my chest. 'Yung shirt na suot ni Bree, that was my third anniversary gift for him. I personally designed that shirt sa limited edition season ng Plains and Prints ni Ren kaya masama ang loob ko. Pero hahayaan ko na lang, baka naman kasi may dahilan siya. Hihintayin kong siya mismo ang mag-open up sa 'kin no'n. "Babe, where were you? This afternoon." Nilapag ko 'yung bowl sa table at pinunasan gamit ang tissue 'yung gilid ng labi niya. "Nakasalubong ko si Ice kanina no'ng nag-lunch ako. We exchanged numbers then we talked after work. That's all." "It's 9pm, babe. Hindi ka nagparamdam buong araw. Is there something that I need to know?" "Wala. Wala namang sinungaling sa 'tin, 'di ba?" I ask with a grin. Tumayo na ako at niligpit 'yung pinagkaininan niya sa tray. "And I'm very well aware of the time. Which is why you need to drink this water and go to sleep." Ininom naman niya 'yung tubig tapos nilagay na rin sa tray. "Thank you." Humalik ako sa noo niya. "Go to sleep, babe. Good night." Pinigilan niya ako no'ng paalis na ako. "Babe, where are you going?" Natawa ako bigla. "Ano ka ba? Ibababa ko lang 'to. I'll be here before you close your eyes and stay until you wake up. After all, why else would you call me your girlfriend if I can't take care of you?" Nakatitig lang siya nang seryoso sa mukha ko pero binitawan na niya ako. Matalino naman si Devin kaya nase-sense kong alam na niyang alam ko 'yung kay Bree. Ang hindi ko maintindihan, bakit ayaw niyang sabihin? Pagbaba ko, namataan ko sa living room si Sunny na nakaupo, her back is on me. Nandito pa pala siya. Nagmadali na lang ako at hindi gumawa ng anumang ingay para hindi na niya ako mapansin. I don't think I have the strength to talk to her. Again, I've had enough of these Larquezas in a day. "Rain." Halos hindi na nga sumayad ang mga paa ko, napansin niya pa rin pala ako kung kailan paakyat na. "What?" walang lingon kong tanong. "I'm sorry." Hindi ako sumagot. Umakyat na ako sa kwarto ni Devin at tumabi sa kaniya. Pagkayakap ko, naamoy ko na naman 'yung amoy ni Bree kaya tumalikod na lang ako. Tahimik na naman akong napaiyak. Nakatulog na lang ako kakaiyak ko. "Babe, pasok na 'ko." Pupungas-pungas pa si Devin ng mga mata nang gisingin ko siya. Tumingin siya sa digital clock sa bedside table. "6:30?" "I need to get my car. Iniwan ko sa apartment. Go back to sleep. I just don't want you to open your eyes later thinking that I abandoned you." "You can use my car, babe." "My license is in my car." 'AT ISA PA, AYAW NAMIN NA GAMITIN ANG HALF OF THE COUPLE'S CAR. KAHIYA NAMAN,' sarcastic na sabi ni Aego. Pagbaba ko, since ngayon lang ako lumabas sa kwarto, nagulat ako nang makita si Sunny na nakaupo sa last landing ng stairs nila Devin, nakasandal sa wall at nakatingin sa direksyon ko. Medyo madilim pa man din. "Finally, you're awake," sabi niya nang maglakad ako pababa. Tumayo na siya. "What are you still doing here?" "Waiting for you." Napairap na lang ako. Parang wala pa siyang tulog at hindi pa nakakauwi. Naglakad ako palampas sa kaniya pero hinarangan niya 'yung daraanan ko. Ito na naman kami sa patintero. "Rain, can we please talk?" I sigh. "If my head isn't too preoccupied, I don't have a sick boyfriend upstairs sleeping within the confines of his room, or at least you didn't verbally attack me the previous days, I would love to say yes. What? Oh, right. We can't talk." Pinilit kong makadaan pero humaharang talaga siya. "I just want to get things cleared out." "I'm sorry. You obviously caught me at a disadvantage," mariin na sabi ko habang pilit pa rin na sinusubukang makadaan. "Maaga pa. Ihahatid na lang kita. Kahit sandali lang, please?" Annoyed, I stop on my struggle to go through. "Sunny, why are you doing this?" Hindi ko na naitago 'yung pagkairita sa boses ko. "You made it clear na wala kang pakialam sa 'kin. I don't see why it's suddenly important to you that we become okay. Wala naman tayong paki sa isa't-isa. Let's just keep it the way it is dahil ayoko na ring gawing komplikado ang lahat. Ayoko nang ma-confuse at alam na alam mo kung gaano mo ako naaapektuhan pero wala kang ginagawa to help me get my fvckin' head straight." Naiinis ako. Nakikipagtitigan lang siya sa 'kin ngayon. Mas mataas ako ng isang stair sa kaniya pero halos magka-level lang ang mga mata namin. Despite the dim light, I can see her gray eyes clearly. Sabi ko nga, hindi ako iyakin. Pero ito na naman ako. Konti na lang, hindi ko na mapipigilang magluha at sa harap na naman niya. Hobby ko na ba ngayon ang mag-inarte araw-araw? I heave out an exhausted sigh. "Sunny, tama na. If this is just for the sake of your friendship with Devin, 'wag mo nang ipilit na magpakabait sa 'kin ngayon kasi nasabi mo na rin naman lahat. Mas mabuti nga 'yon, 'di ba? Kesa 'yung okay na okay tayo ngayon, mamaya parang hindi na naman tayo magkakilala. Let's just keep our connection strictly professional para walang gulo." Bumaba na ako para umalis habang hindi siya ready pero mabilis niya akong nahatak pabalik sa kaniya nang malampasan ko siya. Biglang tumigil ang mundo. One minute, I hate her so much. Then she's embracing me the next and I just let her. Gusto kong lumaban pero the moment that I inhale her scent, kasing bilis na ng pulse rate ko ang madali kong panghihina. Ang higpit ng yakap niya, halos tumalon 'yung puso ko palabas sa dibdib ko sa lakas ng kabog. Ano ba 'to? Bakit ganito? "Rain, just hear me out," she softly says. 'Yung sa boses pa lang niya, sobrang goosebumps na inaabot ko. What more of her words? "If I ever hurt you in any way because of my actions, I'm sorry. Oo, no'ng una, gusto kong magkaroon tayo ng seamless friendship dahil nahihirapan si Devin sa 'tin. I want to make it easier for him. But I feel it, being close to you, for some reasons, would mean a conflict between me and Devin. This is why I shouldn't care about you dahil alam kong sa oras na mag-reciprocate ako sa special treatment mo towards me, there's no holding back." Hindi ako nakasagot. Nararamdaman ko rin 'yung heartbeat niya pati malalalim na hininga niya malapit sa tainga ko dahil nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko habang mahigpit siyang nakayakap. Mahina lang ang boses niya, yet every word is crystal clear. "But look at me now, risking the friendship I have strongly built with Devin over the years in exchange of your forgiveness. Lahat na ng exception, binigay ko sa 'yo. And I hate that, Rain. I don't apologize to people. I don't wait up for someone. I don't take a time off just to attend a secret appointment. And I don't lie to my best friend. By doing all that for you, I just officially announced how special you are. To me." Kumalas siya sa yakap niya sa 'kin tapos tinitigan ako. "Pagkatapos nito, Rain, regardless if you forgive me or not, hindi na magbabago 'yung fact na I have completely turned against the rules of friendship. I made exceptions for you that I don't even do for other people." Napalunok ako. Grabe, kinakabahan ako na ewan. Kanina lang asar na asar ako sa kaniya pero pinapakinggan ko na siya ngayon. Ano ba 'to? Naiinis na rin ako sa pakiramdam ko. Nakita kong nafu-frustrate na rin siya sa mga sinasabi niya sa 'kin pero hinayaan ko lang. Hinayaan ko. Kasi gusto ko 'yung mga naririnig ko. "You had me at that day we first shook hands. I knew then that there's something about you that would draw me in. Iniwasan ko naman, e. But everytime I resist, it makes me want to get freakin' closer to you even more. Alam mo ba kung gaano kami ka-close ni Ice? We're almost like twins, Rain. And I swear, everytime I see her anywhere near you, all I want to do is punch her in the face." Natawa kami nang bahagya pareho. Maya maya, seryoso na siya ulit. Nakipaglaban ako ng titigan sa kaniya. She holds my face in between her warm hands and lean our foreheads together, closing her eyes. "This is no longer about making it easier for my best friend, Rain." Napalunok ako ulit. Umagang-umaga, halos malasahan ko na 'yung marshmallow mula sa hininga niya tapos ang init pa ng mga kamay niya. "Screw it. I'm doing this because I like you."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD