F I F T E E N (2/2)

1882 Words
Gigil na gigil ako habang naglalakad palabas sa resto na 'yon but I'm convincing enough para makontrol ang poise ko. Pagbaba ko sa ilang steps ng stairs sa labas bago ako pumunta sa parking space, huminga ako nang malalim. Napalunok ako, nagbabanta na 'yung waterworks sa mga mata ko sa sobrang inis. When I'm finally okay, nag-umpisa na akong maglakad ulit kaso hindi ko napansin agad 'yung naglalakad. Nagkabanggan kami. Buti, nahawakan niya ako sa mga braso bago ako sumalampak sa semento. Nasalo na naman niya ako. "Rain?" "Ice?" Napatingin ako sa kaniya, mula ulo hanggang paa. Saglit kong nakalimutan 'yung mga iniisip ko. Paano, ang ganda ni Ice. She's wearing a royal blue romper, white cardigan, and white boots. Tapos naka-set 'yung buhok niya in big curls, may light make up. Takte. Ang diyosa talaga ni Ice. "What are you doing here? Are you alright?" pag-aalala niya habang binibitawan ako. Nakikita niya siguro sa mukha ko na hindi ako okay. "It's nice to see you again, Ice. Are you here to meet your sister?" Tumango siya. "Ayos ka lang?" I sigh, looking away. "Do you have a number? A phone number?" I ask. May kinuha siya sa maliit na purse na dala niya. Inabutan niya ako ng white calling card with blue font. "Is everything alright?" "Yes. Of course." Umiiwas lang ako ng tingin. Naging conscious ako bigla sa itsura ko. "You look beautiful." Napangiti ako sa sinabi niya. Alam kong sinusubukan niyang pagaanin ang pakiramdam ko. "Thank you. Mas maganda ka nga lang." Nangiti rin siya. "Come on. What is it? What's going on?" Umiling ako. "I'll just... text you later. Saan ka umuuwi ngayon?" "Well, if you insist, my address is on that card." Tumingin ako sa card. Condo, around Manila lang. "Good. I'll tell you about it later." "Hey, I've heard about what happened to Mason. He's a strong guy. He's gonna be alright." I look up at her and smile. "Thanks, Ice." "Where are you off to now?" Huminga ako nang malalim. "Babalik muna ako sa trabaho. I'll be out by 5... and probably bum around a little afterwards. I don't know." Tumangu-tango siya. "Okay. Leave your car, if ever. Susunduin na lang kita." "How are you supposed to know where to pick me up?" She shrugs. "You have my number." Oo nga naman. "Okay. Later." "Nice to see you again, too. But, yeah. It might be better to catch up with the days we missed. It might probably get your mind off of your worries." Ngumiti ako. "See you." Naglakad na ako paalis pero nahawakan niya ako sa braso. "Text me. Okay?" Ngumiti ako ulit. If not for Ice, kanina pa ako umiyak. "I will." "Ingat ka." Naglakad na ako pagkasabi niya nito. For the second time, nahawakan niya ulit ako sa braso bago pa ako makaalis. Niyakap niya ako bigla. "If you really think I'm beautiful, I want you to stop mulling over whatever my sister said and keep thinking about me, instead. For now." Tumango ako. Yumakap din ako sa kaniya at sinulit na lang 'yung amoy niyang honey. I'd rather have her smell stuck in my nose than her sister's poisonous sweet scent. Kahit papaano, magaan na pakiramdam ko. "I'm hurt, Ice." "Shhh. Don't let her hurt you, luv. Just go on with your day and we'll talk about it later. Alright?" Tumango ako ulit habang kumakalas kami ng yakap. She knows what happened, perhaps she just wants me to let it out which I find helpful. Naglakad na ako papunta sa kotse ko. Nagbihis ako sa apartment ko sandali, planning to leave my phone behind. Ayokong ma-contact nila ako. Ayokong may makahanap sa 'kin. Hinintay ko lang na sabihin ni Ice na malapit na siya sa address na binigay ko. "You really brought Ben Affleck in Manila." "Yeah. And he's handsome so I can't just leave him behind," tumatawang sagot ni Ice. Naka-tattered jeans siya na light blue, tapos navy blue na loose blouse. Flat sandals naman na white. Talagang pinapansin ko lahat sa kaniya. Favorite siguro niya ang blue. "Welcome to my humble home," sabi niya pagpasok namin sa unit niya. Mas malaki 'to kumpara sa apartment ko. Habang nasa biyahe, nabanggit na rin niyang it's facing Manila Bay kaya ang sarap sa mata, parang ang lamig-lamig. Kitang-kita mo sa design ng condo niya kung gaano siya ka-playful at sa colors nito. Maraming paintings na nakasabit sa mga dingding, pati kulay ng mga gamit niya, buhay na buhay sa mata. Buti na lang, nakarating kami dito habang maliwanag pa kaya mas naa-appreciate ko 'yung beauty.         "Do you drink?" "Oo naman. I think that would be very helpful right now," sagot ko habang umuupo sa blue couch. "Three bedrooms na hindi ko alam para saan, a large kitchen na hindi ko rin naman alam gamitin, and a living room which I don't really find useful dahil lagi naman akong wala rito. Now I'm starting to ask myself why I bought something bigger than my needs." Umupo siya sa tabi ko, may dala na siyang bote na golden brown. "Ano 'yan?" "This is a 1927 Butterscotch Vodka, luv. With honey for a sweeter touch," sabi niya habang nagsasalin sa dalawang drinking glasses na may mga bilog na ice. "s**t. Ang sarap naman nito," sabi ko agad. Amoy pa nga lang, parang lalaklakin ko na 'yung isang bote. "Ilang percent?" "78% 'yan kaya dahan-dahan ka lang. Baka mamaya, mapagsamantalahan mo 'ko sa kalasingan mo." Natawa ako bigla. "Baka mauna ka pang malasing sa 'kin. Naaamoy ko na 'to sa'yo kanina pa. Feeling ko, nakainom ka na kanina bago ka pa pumunta sa apartment ko, e." "Well, yeah. I had a visitor earlier. Don't worry, though. I spent most of my life in Australia and alcohol is our water." Obvious naman kay Ice na malakas siyang uminom. No'ng nandoon nga kami sa kanila parang wala lang 'yung beer sa kaniya. Ang expected ko talaga, babaha ng luha ngayon. Na-kwento ko na lahat kay Ice, 'yung buong usapan namin ni Bree kanina. Pero nagtatawanan lang kami ngayon dahil sa mga kwento niya ng kalokohan. Sabi ni Ice, may galit daw talaga si Bree kay Sunny dahil nga sa s****l preference. Ice calls her a soft butch, which Bree never approved of. Not that Sunny needs her approval pero si Bree lang daw talaga ang hindi makatanggap sa pag-out of the closet ni Sunny. "Since then, hindi na sila masyadong nag-uusap. Kung mag-usap man, nagkakapikunan. So Summer decided to finish school in Australia. Nasa magkaibang part kami ng Australia ni Summer but we kept in touch the whole time. Nauna nga lang ako ng isang araw pag-uwi." Tumango ako sabay inom sa baso ko. Nakalahati na namin 'yung bote. Ramdam ko na 'yung sipa ng alcohol pero si Ice, parang wala lang. "Pero close kayo ni Bree noon?" "Ano ka ba, napapagkamalan pa nga kaming kambal noon. Pero no'ng medyo nagdalaga na, mula mapag-iwanan namin ng height, kami naman ni Summer ang napapagkamalang kambal. Mas maganda nga lang ako." Natawa na na naman ako. Loko talaga 'to. "Kidding aside, though. Mula umamin si Summer, during that time that she was in a relationship with Joney, kami 'yung naging mas close. Bree used to be my best friend, but she chose to be an antagonist towards Summer's life kaya medyo naasar din ako sa kaniya." "Wait. Ex ni Sunny si Joney? As in 'yung Joney na kaibigan nila?!" Siya naman ang natawa. "You wouldn't believe this. It wasn't that serious. I mean, come on. They've been together for... What? Three days? I don't know. Ang alam ko nga mas matagal pang naka-fling ni Summer si Lola." "WHAT?!" Tinawanan na naman niya ako. "Wasn't it obvious? Obsessed na obsessed nga 'yon kay Summer. Pati ako, sinusubukang makuha. Abnormal." Hindi ako nakakibo. All this time. Sinisiraan nila sa 'kin 'yung friendship ni Sunny at Devin pero alam naman pala nilang walang kahit ano sa kanila. "Si Joney bale ang naging turning point ni Summer kasi panay blackmail sa kaniya na kapag hiniwalayan siya, sasabihin ni Joney sa parents namin ang lahat. Kaya inunahan na niya." "Is there actually anyone from her circle of friends that she didn't get... sexually or romantically involved with?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Meron naman. Like Mason and Arlou,' tumatawang sabi niya. Hinampas-hampas ko siya sa braso. Loko talaga! "Alam mo, I never thought that Bree would turn into someone like Kaizer herself. The person she hates the most. Kilala ko kasi 'yan si Bree, e. She's the most righteous among the four of us. 'Yung kwento mong 'yan? Ganiyan na ganiyan ang mga threat na pinag-gagawa ni Kaizer sa lahat ng babaeng dumating sa buhay ni Summer. Kay Bree lang siya hindi umubra kasi syempre, kapatid na namin 'yon." 'Kaizer and Bree. Galit talaga ang mga magnanakaw sa kapwa niya magnanakaw. Lalo na kung mas magaling magnakaw sa kaniya,' singit ni Aego na mukhang sabog na rin. "We used to be really close. Lahat ata ng hobbies and interests namin ni Bree, nagtutugma. We love Tennis, we went on tournaments together. Basta sports. Golf, bowling, billiards, swimming. Lahat, pinagkakasunduan namin. Si Summer, mahilig din sa sports pero never sumali sa mga tournament. Mas sineseryoso niya 'yung pag-aaral at pambababae." Naglagay siya ulit ng ice sa mga baso namin tapos sinalinan ulit ng alak. "At isa pa, we wouldn't be labeled as Season Sisters kapag may isang nawala. Four voices, one song. Mason, your boyfriend, was our neutral point. But our melody was compromised when we learned about his relationship with our little sister. We lost our common jam. Si Summer ang unang sumalungat sa relasyon nila, explains why they hate each other so much. Lagi nilang kinokontra ang isa't-isa." Ininom niya ng isang straight 'yung kalalagay lang niya sa baso niya tapos naglagay ulit. "What? Information overload?" tumatawang tanong niya. Tumango lang ako. Namamanhid na rin 'yung mga kamay at mga pisngi ko. "Maghihilamos lang ako. Ihahatid na kita." Hindi na ako nagsalita. Kaya pa kaya niyang mag-drive? Mas marami pa siyang nainom sa 'kin. Parang mas big deal sa kaniya 'yung issues nila ni Bree kaya mas na-stress siya. It's honestly helpful, lahat ng atensyon ko kasi natuon sa kwento nila. Effective ang pagda-divert niya ng focus ko, in fairness. Halos kakapasok lang ni Ice sa unang kwarto na matatanaw mula rito sa living room niya, tumunog 'yung buzzer. "Ice, may tao ata," sabi ko. Bumukas ulit 'yung pinto ng kwarto. "It's safe here. Just open the door and ask the visitor to wait," sagot naman niya tapos sinara ulit 'yung kwarto. Tumayo ako at ngayon ko lang naramdaman 'yung matinding hilo. I manage to get to the door without running out of balance. Binuksan ko 'yung pinto at napatanga sa nakatayo ngayon sa harapan ko. "I've been trying to—Rain?!" At halatang nabigla din siya. Naka-black shirt siya na fitted and a black leather vest on top. Parehas sila ni Ice na naka-tattered jeans but she's wearing black strapped stilettos. Natuyo bigla ang lalamunan ko. Sa dami ng taong nasa listahan ng frustrations ko, hindi ko ginustong makita siya ngayon dahil naaalala ko na naman 'yung mga binitawan niyang salita sa 'kin. What the hell? Bakit ngayon ka pa nagpakita, Sunny?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD