Napakunot bigla ang noo ko. No'ng una, hindi ko na-gets agad. Hanggang sa unti-unti ko nang na-realize na this is all meant to happen. Sinadya talaga ni Ice na pumunta sa office ko kaninang umaga para makumbinsi akong sumama. Alam nilang mangyayari 'to. They brought me here to make sure Sunny doesn't get roasted. They save each other's asses, after all, despite having differences and conflicts. Napahanga ako, sa totoo lang. Alam ko, dapat maasar ako ngayon kasi para nila akong ginamit. Surprisingly, it doesn't feel like that. I just hope Ren and I could get along like this na sa kabila ng mga away-away, nagtutulungan pa rin. "Excuse me," I practically, almost announce. Medyo hininaan ko 'yung boses ko. "Washroom lang ako," sabi ko kay Ice. "Samahan kita?" tanong niya. "Hindi na, baliw.

