Hindi kami nagpapansinan ni Bree. Not that it matters pero mas okay na 'yung ganito na hindi naman kami nagpapalitan ng kamalditahan. Baka mag-b!tchmode kaming dalawa. Lugi ako dahil mukhang blood is thicker than water pa naman ang apat na 'to lagi so I'm not pushing my luck. "Are you okay?" Ngumiti ako kay Ice. Ewan ko kung napapansin niyang magkahawak-kamay kami ni Sunny sa ilalim ng table. "Yes." "I don't see it, you know. But I know what's going on underneath that," sabay nguso niya sa kanan ko pagkasabi nito. Pakiramdam ko, nag-triple backflip 'yung puso ko sa sinabi niya. Napalingon ako kay Sunny na poker-faced lang habang nakikipag-usap naman kay Lei at Bree tungkol sa mga laro ni Lei ata. "Okay na kayo?" pabulong na tanong ni Ice na may nakakalokong ngiti. "Siraulo," tumatawa

