Since hindi na rin ako nakatanggi, dumiretso na kami ni Ice sa kung saan ang usapan nila. At mapapanganga ka na lang sa tatlong kotseng illegally parked sa tapat ng restaurant na 'yon kung saan itinabi rin ni Ice si Ben Affleck. 'Yung black na BMW na kagaya ng kay Devin, isang metallic gray na Ferrari, a sparkling orange Lamborg. Isama mo pa 'tong blue Bentley ni Ice. "What is this, a rendezvous of the elites or something?" manghang sabi ko. "OA mo naman. Nakita mo na rin naman 'yang kotse ni Summer, e." Pinagbuksan ako ni Ice ng pinto. "Oo pero hindi pa ako nakakakita ng gintong mga sasakyan na illegally parked at magkakatabi pa." Pagpasok namin, walang ibang customer sa loob no'n maliban kay Lei na nakaupo sa pinakamahabang table. Nag-handshake sila ni Ice. The restaurant looks cozy

