Halos nabibingi na siya sa sobrang kabang nararamdaman niya nang bigla na lang silang paulanan ng bala ng sinumang sumusunod sa kanila. Kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya na may ganitong nangyari at nasa isang hukay ang kanilang mga paa ni Xander.
Dininig naman ng diyos ang kaniyang panalangin na makaligtas sila dahil makalipas ang ilang minuto ay hindi na rin naman nagtangkang humabol pa ang mga ito. Namataan din niyang may checkpoint na sa unahan at si Xander naman na binagalan na rin ang takbo ng sasakyan.
“We are safe,” wika nito saka kumilos ito upang itago na rin ang b***l. Ito na rin ang naglagay sa drawer na kanina lang ay siya ang nagbukas at kumuha.
“Sure na ba tayo na safe na tayo sa check point na iyan o baka kasabwat nila ang mga iyon?” paninigurado pa rin niya.
“Then let’s see.”
“Pero, Xander! Paano tayo nakakasiguro na totoong mga alagad iyan ng batas? Tawagan kaya natin ang lolo mo para makasigurado tayo?”
Maya-maya lang ay tumunog ang cell phone ni Xander. “Speaking.” Dinampot nitong muli ang cell phone saka sinagot. “Hello, Grandpa? Yeah. We are here near at the checkpoint. We are both fine.” Saka ito sumulyap sa kanila ngunit panandalian lamang at itinuon din ang tingin sa harapan. All right, thanks. See you, here.”
“Anong sabi?”
“Sila ang rescue for us. I told you, were safe. Are you okay?” tanong nito saka itinabi ang sasakyan at huminto.
“O-Okay in physical pero emotional damage na ako. I-I mean, this is my first time. Hindi ko maiwasang mag-hesterikal kanina dahil sobrang kinakabahan ako at nag-aalala ako sa kalagayan natin. Mga bata pa tayo para mamatay.” Bahagyang napangiti si Xander sa kaniya kaya naman nagtaka siya. “Bakit mukhang masaya ka pa?”
“Now I know you on how to react in this situation, Gwen. And it seems that this is also the first time you saw a g*n. I told you to calm down,” he said. Inilapit pa nito ang sarili sa kaniya. “Magiging sundalo tayo in the future and we need to be brave at all times. Alerto rin tayo sa mga nakapaligid sa atin at maging handa sa lahat ng oras. And I am here to protect you at all cost.”
She was staring at Xander’s gaze while he was inch apart from her. Tila nahihiwagaan siya sa huling sinabi nito kasabay ng muling pagkabog ng kaniyang dibdib. It was a more different feeling whenever he’s near from her. Mas lalo nga lang lumala dahil sa pakiramdam niya ay safe siya kapag ito ang kasama.
Mas lalo pa nitong inilapit ang sarili sa kaniya at magrereklamo na sana siya ngunit tinanggal lang pala nito ang seatbelt niya. Muli lang itong ngumiti sa kaniya saka nito inilayo ang sarili at kumilos na rin upang bumaba ng sasakyan.
Sinalubong agad sila ng mga sundalong naroon sa check point at agad na inasikaso. Si Xander na ang nagsalita para sa kanila upang makapagbigay ng report sa mga ito at siya naman na inasikaso ng mga military nurse upang kuhanan ng blood pressure. Talagang tumindi ang kaba niya kanina kaya nagpatingin na siya.
Pasado alas-otso ng gabi nang dumating ang kaniyang lolo at hindi pa rin naman sila nakakaalis dahil hinihintay din nila ito. Kaagad na nakipag-ugnayan na ito sa mga naroong opisyal na sundalo at sila naman ni Xander na naroon malapit sa mga nagtitinda ng pagkain at iba pa.
“I’m hungry. Do you like it?” Sabay turo nito sa umuusok na ihaw-ihaw. “Come on, Gwen. Matagal pa iyang pag-usisa ng lolo ko sa kanila kaya kumain muna tayo.”
“Ha? Sure ka? Kumakain ka ng pang-slap soil food?” Sinundan naman niya ito sa nag-iihaw ng pagkain at nagtataka siya na ang isang katulad ni Xander Rios ay kumakain ng street food.
Nakita na nga niya itong nagtuturo kasabay ng ilang dalawang sundalong tila natakam din sa inihaw ng ale. Hinayaan na lang niyang umorder ito at nagtungo pa sa isang bahagi na may nagtitinda rin ng buko. Mabuti na lang at nasa lugar sila na marami na rin mga bahay at tao. Ang lugar na kinaroroonan din nila ay malapit din sa palengke kaya naman mainam na hindi na sila masusundan ng mga taong humahabol at nagpaulan ng bala sa kanila.
“Here.” Iniabot ni Xander sa kaniya ang nakalagay sa plastik na may dahon ang biniling barbecue at nasa basong buko juice.
“Thanks. Naramdaman ko na nga ngayon ang pagkalam ng sikmura ko.” Kinuha naman niya ang buko juice at isang stick ng barbecue. “Mukhang sanay kang kumain ng ganitong inihaw, ah.”
“Yeah. We are doing this whenever my parents are here in the Philippines. Natuto na rin kasi ang dad ko na kumain ng street food mula noong magkakilala sila ng mom ko. And what’s the matter of eating slap soil food? Hmm. I heard that word from someone else.”
“Patty!” sabay pa nilang wikang dalawa.
He chuckles. “She’s nice, though.”
“Oo. Nakikita ko naman. Anyway, may idea ka ba kung sino ang mga iyon? Katulad nga noong nabanggit ko kanina ay baka kagalit nga pamilya mo o pamilya ko. But hundred percent sure naman ako na hindi sa side ko.”
“Hmm. As I told them earlier, I don’t have an idea. Ibinigay ko naman sa kanila lahat ng alam kong detalye mula sa plate number ng sasakyan, oras at ilang mahahalagang detalye. Kagalit man sila ng family ko, we have to be careful by the next time we will go here. Kumuha ka lang dito sa supot na hawak ko at marami pa ito, Gwen.”
“Oo,” tugon niyang napapaisip din.
Ilang sandali lang ay nakita na niyang papalapit na ang lolo ni Xander sa kanila kasunod ang ilang tauhan nito. Umayos din naman siya at mukhang seryoso na naman itong nakatuon sa kanilang dalawa ni Xander.
Nakakaramdam lang talaga siya ng takot sa lolo nito lalo pa ngayon na nabanggit ng kaniyang ina na isa ito sa dahilan ng pagkamatay ng pamilya ng kaniyang ama. Hinanap niya sa puso niya ang salitang pagkamuhi sana rito pero wala siyang ganoong nararamdaman.
“Ayos lang ba kayo?” tanong nito sabay sumulyap din sa kaniya.
“We are fine,” tugon naman ni Xander.
“Ayos lang, ho. Salamat po at nakarating agad ang mga rumesponde.”
“Good. Under investigation muna ang lahat at hangga’t hindi pa natin nalalaman kung sino ang mga nagbalak sa inyo, magbibigay ako ng tauhan para kasama niyong pumunta rito sa training. Ayokong mangyari ulit ito at sigurado akong mag-aalala ang mga magulang mo, Xander. We have to go,” yaya nito saka ito tumalikod upang tumungo na sa sasakyan nito.
Nang makalayo ang lolo ni Xander ay nagtanong siya rito. “Xander, may bodyguards ka na kasama na rito sa training natin. Siguro ay mag-commute na lang ako.”
“No. Mas safe ka kapag kasama ako at ang mga bodyguards ng lolo. We are sure if kailan aatake ang mga iyon at mas mainam na kasama mo ako.”
“Pero…”
“Trust me.” Itinapon na nito ang walang baso ng buko juice at plastic na may lamang barbecue sa basurahan. “Let’s go.” Sabay ginagap nito ang palad niya at magkahawak-kamay silang naglakad patungong sasakyan nito.
May kung anong namumuong sparks sa kamay niya nang hawakan ito ni Xander. Sa unang pagkakataon na nagkadikit ang kanilang mga palad ay isang kakaibang damdamin na naman ang kaniyang naramdaman. Kahit gusto naman niyang bawiin ang kamay mula rito ay ma lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Xander, anong ginagawa mo sa akin?
Araw ng linggo, matapos magsimba ang kaniyang ina ay sinabi na niya rito ang nangyari sa kanila ni Xander. Sa unang pagkakataon ay senermunan siya ng kaniyang ina. No choice naman siya at sinabi na niya rito na kamuntik na silang mapano habang pauwi kagabi.
“Ano?! H-Hindi ba kayo napano? Ayos ka lang ba? S-Sino ang mga iyon, Gwen?” sunod-sunod na tanong ng kaniyang ina. “Mahabaging diyos!”
“Nay, kalma lang ho kayo. Maayos naman kami ni Xander at hindi naman kami napano,” kalmado niyang wika sa ina niyang natataranta na.
“Kakalma? Paano ako kakalma, anak? Kakasabi ko lang sa iyo kahapon na iwasan mo na si Xander, tingnan mo ngayon? Hindi nga ako nagkamali dahil mapapahamak ka lang ng pamilya nila. Maaaring kalaban nila ang mga iyon at sinisingil na sila ng mga kasalanan nila!” May halong galit ang tono ng boses ng kaniyang ina at talaga sigurado itong hindi mabuting pamilya ang pinagmulan ni Xander.
“Nay…” Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa dining nila upang kunin ang ininit niyang pagkain sa microwave. Binuksan niya ito bago niya sinagot ang ina niya. “Ipaliwanag niyo ho sa akin kung bakit at sa anong dahilan na naging bahagi ang pamilya ni Xander sa pagkamatay ng pamilya ng tatay ko? Kasi hindi ko ho lubos maunawaan na noong una ay naging mabuti sila sa atin at tayo rin naman. Kaya lang biglang nagbago ang isip niyo tungkol sa kanila. At nabanggit niyo rin na namatay ang tatay ko sa pagtatanggol sa bayan. Ipaunawa niyo ho sa akin, please!” Kinuha niya ang pagkain at nagmamadaling inilagay ito sa mesa dahil mainit-init pa.
“Buhay pa sana ang tatay at lolo mo kung hindi iniutos ng malupit na lolo ni Xander na e-shoot to kill order iyong kalaban nila kaya hayun nadamay ang tatay at lolo mo. In short, namatay sila na ipinaglalaban ang bayan natin. Tama naman ako sa sinabi ko s aiyo kung ano ang dahilan ng pagkamatay nila,” paliwanag naman ng kaniyang in ana abalang ihain ang kanilang tanghalian.
“Nay, siguro naman hindi iyon ang intensiyon ng lolo ni Xander. Namatay na isang dakila ang tatay at ang lolo pero hindi iyon rason na sila ang pumatay sa kanila. Kasama naman sa serbisyo ang isugal ang buhay ng isang may sinumpaang tungkulin,” pagtatanggol naman niya sa lolo ni Xander.
“At talagang pinagtatanggol mo pa sila?” Nagtaas na rin ng boses ang nanay niya at bigla na rin nagbago ang ugali nito tungkol sa pamilyang Rios. “Kahit ano pa ang pagtatanggol mo sa kanila, buo na ang desisyon kong iwasan mo sila. Kung gusto mo ay ihinto mo na iyang pagte-training mo para hindi ka mapahamak!”
“Nay!” Napalingon siya rito. “Gusto ko ito at pangarap ko ho ito! Bakit naman ganoon kaagad ang pagbabago ng pananaw at desisyon niyo? Nay, napagkasunduan na ho natin ito, ‘di ba?”
“Ang pangarap ko sa iyo ay makapagtapos ka at hindi ko pinangarap na mapahamak ka nang dahil lang sa pamilyang iyon! Sa ayaw at sa gusto mo, Gwen, layuan mo si Xander. Layuan mo ang pamilyang iyon at tumigil ka na sa training!” sigaw ng kaniyang inang galit na galit na.
Hindi siya makapaniwalang sarado ang isipan ng kaniyang ina at sa unang pagkakataon na pinagalitan siya nito nang husto. Sa inis niya, bigla na lang siyang tumakbo patungong kwarto niya kasabay ng pangingilid ng kaniyang luha.
“Gwen! Bumalik ka rito! Hindi pa ako tapos!”
Hindi niya inalintana ang ina niya at tuluyang pumasok na sa kaniyang kwarto. Sumampa siya sa kaniyang kama habang doon ibinuhos ang kaniyang sama ng loob. Wala naman siyang nakikitang mali sa mga nangyayari at nauunawaan naman niya ang kadahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at lolo.
Sadyang masama lang talaga ang loob ng kaniyang ina sa mga Rios dahil sa tingin nitong maling desisyon ng lolo ni Xander. Bagamat nasa batas naman talaga na kapag nasa misyon ay nasa hukay na rin ang isa paa at kasama iyon sa sinumpaang tungkulin ng isang sundalo. Alam niya iyon dahil kasama iyon sa orientation na isinagawa bago sila pumirma ng form.
Ngayon naman ay pinapapili siya ng kaniyang ina sa pangarap niya o sa pag-aaral niya na mas lalong ikinasama ng kaniyang loob. Hindi madaling iwasan ang isang taong may puwang na rin sa puso niya. Noon na hindi pa niya iyon inaamin sa kaniyang sarili pero dahil sa nangyaring ito ay mas lalong nangingibabaw iyon.
Naguguluhan siya at syempre ay natatakot. Ano ba ang dapat kong gawin?