Chapter 12

2138 Words
Madaling-araw pa lang ay gising na si Xander at nag-ayos na rin ng kaniyang gamit. Second day niya para sa training niya at nasa parking area na siya upang hintayin si Gwen. Iyon ang huling usapan nila na sabay na lang silang dalawang tumungo ng Tanay. Ilang minuto na ang nakalipas subalit walang text o tawag man lang mula kay Gwen. Kaya naman ay siya na ang gumawa ng paraan dahil baka mahuhuli na rin sila. Subalit bago pa man siya makatawag dito ay nakatanggap na siya ng text mula rito na nasa byahe na ito patungong Tanay. His forehead furrowed when he received her message. May usapan sila ni Gwen pero heto at nagbago ang isip nitong hindi na sasabay sa kaniya. Nag-dial na lang siya upang tawagan ito pero out of coverage na ang linya nito. Wala na lang siyang nagawa kung hindi ang umalis na hindi ito kasabay. Nag-alala tuloy siya dahil bumiyahe pa ito nang mas maaga upang makarating sa call time nila. Nag-isip din siya kung bakit nagbago ang isip ni Gwen subalit iisipin na lang niya iyon kapag nagkita na lang sila mamaya sa training camp. Nakarating naman siya sa saktong oras at bukang-liwayway agad ang bumungad sa kaniya pagkaparada ng kaniyang sasakyan. Bitbit niya ang kaniyang military tactical backpack saka naglakad patungong training ground. Marami na rin ang mga naroon ngunit hindi pa niya nakikita si Gwen. Nakasuot sila ng puting t-shirt, black running shorts at isang pares ng sapatos na require naman ng naturang training organizers. Inilapag niya ang kaniyang dala sa isang bahagi kung saan naroon ang ibang gamit din ng mga aspiring soldiers saka siya pumila upang mag-register. As usual, binati rin naman niya ang mga kasamahan niyang nakilala niya noong unang training nila. “Alexander Rios, how’s your arm?” bati ng isang sundalong opisyal sa registration booth habang nakaupo ito at naka-assign sa pagrehistro ng mga aspirants katulad niya. “Sir…” Sumaludo muna siya rito bago sumagot. “Carry on,” tugon naman nito. “Feeling better,” he said. “Good. Mabuti naman. Huwag ka ng lumayo para kumuha ng mga pictures. We have a lot of beautiful places here nearby,” paalala nito. “Yes, Sir.” “Okay. Attendance ka na muna,” dagdag pa nito. Nagsulat naman siya at nang matapos siya ay nginitian niya ang opisyal bago umalis sa pila. Pagkaalis naman niya sa pila ay nakita niya na si Gwen na may kausap na babaeng aspirant din subalit bago pa man niya ito lapitan ay tumawag na agad ang isang opisyal nan aka-assign sa training nila na kailangan na nilang humanay. Mabilis naman na nagsipila silang lahat sa kaniya-kaniya nilang hanay mula sa matatangkad hanggang sa kahuli-hulihan sa pila. Hindi na rin niya nagawang simplehang tingnan ito dahil sa kailangan niyang maging attentive. “Everyone, let’s have our first morning training, a warm up training. Bilang isang sundalo ay kailangan nating masigurong matikas at malakas tayo lalo na pagdating sa serbisyo natin at pagtulong sa bayan. First, you need to run over the fields for twenty times. Iyong ibang mahihina na ang tuhog, pwede na kayong mag-quit,” anang opisyal. Madalas na iyon ang sinasabi ng mga ito sa huli. Kesyo kung dinadaga ang puso at mahina ang loob ay mag-quit na pero sa awa naman ng diyos ay iyon pa rin ang bilang nilang lahat. Nagsimula na rin silang sumunod sa naunang opisyal na tumakbo sa buong field ng naturang camp at dito na siya nagkaroon ng chance na kausapin si Gwen. Nakita niya itong tumatakbo na walang kasabay kaya nagkaroon siya ng pagkakataong habulin ito at dikitan. He wanted to know why she changed her mind. At hindi man lang siya nito nilapitan nang may pagkakataon ito at sigurado naman siyang nakita siya ng dalaga. “Hey…” sambit niya nang makasabay na siya sa pagtakbo nito. “H-Hey… I-Ikaw pala, Xander,” sambit agad nito saka muli nitong itinuon ang tingin sa dinadaanan nila. “You are supposed to ride with me through here. Are you okay?” direktang tanong niya. “Ha? Uhm, I’m fine. N-Nakalimutan ko k-kasi na sasabay pala ako sa iyo. Sorry.” “Oh, I see. Then later, pwede ka ng sumabay sa akin.” “Ha? H-Hindi na. I-I mean, may makakasabay na rin ako isa sa mga aspirants dito at pareho lang kami ng lugar na uuwian. Salamat sa alok mo, Xander. Sige at mauna na ako sa iyo.” Bigla na lang itong tumakbo palayo sa kaniya at sumabay na sa mga babaeng kilala nito. He was confused. Nakaramdam agad siya na tila may kakaiba sa dalaga at iyon ay ang iniiwasan siya. Kanina pa nga lang ay ramdam na niyang hindi ito nagsasabi ng totoo sa kaniya. He’s a criminal justice student and he knows whenever someone else hasn’t telling him the truth. Nababasa na niya agad na iniiwasan na siya at tila may dapat siyang malaman. But then again, he respects her decision. Ayaw niyang pilitin itong sumama sa kaniya at baka kung ano pa isipin nito sa kaniya. Mula tanghalian hanggang sa uwian na nila ay tila estranghero ang tingin ni Gwen sa kaniya. Iniisip na niya kung may mali siyang nagawa para dito pero wala. He’s not type of overthinking person but this time, he does. He packed his things and put his military bag at the back of his car. Tapos na ang kanilang training sa araw na ito at nang maisara na niya ang likuran ng sasakyan ay bahagya siyang nagtaka na nakatayo si Gwen malapit sa kaniyang kinaroroonan. “Gwen?” “Xander, p-pwede pa ba akong makisabay?” Tila nahihiya pa nitong sabi sa kaniya. “S-Sure.” Nahihiwagaan man siya ay hindi naman siya nakatanggi rito pero iyon naman talaga ang kanilang usapan. “Why not? That’s our plan, right?” “Yeah. Kaya lang kasi iyong magiging kasabayan ko ay nauna na pala at iniwan na ako. Sorry.” “No. It’s okay. Give me your things, and I will put them in my car.” Alok niya rito. Hindi naman nagdalawang-isip si Gwen na ibigay sa kaniya ang gamit nito at siya naman na inilagay ito sa likod ng sasakyan. Pagkasara niyang muli ay niyaya na niya itong sumakay na upang makaalis na sila. Tahimik lang ito habang nasa biyahe silang dalawa. Tipid lang din ito kung sumagot sa mga tanong niya at siya naman na naka-focus na lang sa pagmamaneho. “If you want to sleep, it’s fine. I will wake you when we need to stop,” sambit niya rito. Sumulya ito sa kaniya. “Hindi talaga ako nakakatulog sa biyahe kahit pagod ako sa training natin. Isa pa, nasa harap ako at ako ang katabi mo. Nakakahiya naman na tinulugan kita at wala kang kausap. Hindi ba iyon naman talaga ang rason kung bakit nasa harapan ang sakay ng isang driver? Ang gising at kausapin para lang may karamay habang nasa biyahe?” “Are you thinking that I couldn’t sleep while driving?” Bahagya siyang napangiti. “Kahit humilik ka pa riyan, I don’t mind.” She chuckles. “Dadamayan kita dahil alam kong pagod ka rin dahil sa training. Kahit ito na lang ang ambag ko kahit hindi mo tinatanggap ang pamasahe ko pambayad sana sa pagsakay ko.” Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya. “Is it a joke? Talagang magbabayad ka ng pamasahe? Nevermind, Gwen. Iyong isang boto mo lang sa akin noong nakaraang eleksiyon, that’s enough for me. Well, if papalitan mo akong mag-drive baka possible na pwede kang matulog and then after ako naman.” “I don’t know how to drive, Xander. Chika lang talaga ang ambag ko.” “Huh? I thought you knew how to drive.” “We don’t have a car at home. Ekis ang driving sa akin.” “Then I will teach you if you want,” alok niya. Masaya rin siya sa part na muli silang nagpapalitan ng magandang pag-uusapan. “Naku, huwag na. Baka imbes na sa daang matuwid ko itakbo itong sasakyan mo, baka sa kanal na puno ng putik pa tayo mapunta.” Natawa rin ito sa sariling biro. “Well, I’m serious. I can teach you some other day. It’s better to have some skills; we are aspirants. We know how to drive if we have emergencies.” “Hmm. May point ka naman. Sige at pag-iisipan ko.” “All right.” Muli na lang silang natahimik pareho habang binabaybay ang paliko-likong daan ng Tanay. Malapit na rin naman na magtakip-silip at normal lang naman ang takbo ng kaniyang sasakyan. Maya-maya lang ay napansin na niya ang kanina pa sumusunod sa kanila na sasakyan. Isang Chevrolet Trailblazer na kulay itim ang sumusunod sa kanila na napansin niyang mula paglabas nila ng Camp Capinpin ay sinusundan na sila. Noong una ay hindi niya ito alintana pero nang halos makalagpas na sila ng Pililia ay hindi na niya nagustuhan ang pagsunod nito. Alerto siya sa lahat ng bagay at kaliit-liitang detalye ay kabisado ng isang lugar ay kabisado niya. “Gwen, can you open the drawer in front of you?” “Sige.” Binuksan naman nito ang drawer sa harapan at bumungad nga naman dito ang isang forty-five caliber. “Ha?!” Nagulat ito sa nakita. “X-Xander, b-b***l ang nandito. M-May b***l ka rito sa sasakyan mo?!” “Ssshhh. Relax ka lang. Can you hand it to me?” Nakita pa niyang napalunok si Gwen saka nito marahang kinuha ang b***l sa drawer na tila noon lang din nakahawak. Maingat pa nitong ibinigay sa kaniya na halos napapaisip kung ano ang gagawin niya sa b***l. “H-Heto…” “Thanks.” “A-Anong gagawin mo sa b***l na iyan? And you have the license to use that thing?” Bakas pa rin sa mukha nito ang labis na pagtataka at kabado rin. “Yes, I do.” Saka siya muling tumingin sa rear view. “May kanina pa nakasunod sa atin na sasakyan, and I’m sure that we are in danger. Gwen…” Kinuha niya ang phone niya saka nag-unlock. “Please call my grandfather. Ask for help for the meantime and I will mind these guys,” seryoso na niyang wika rito. Hindi na talaga siya kampante pa lalo na ang sasakyan ay palapit na rin sa kanila. “S-Sige,” natarantang tugon nito. Pinindot na rin nito ang call button para tawagan ang kaniyang lolo. Inilagay pa nito sa speaker mode para marinig din niya. “H-Hello, Xander?” tugon ng lolo ni Xander sa kabilang linya. “Sir, si Gwen ho ito. K-Kasama ho ako ni Xander at pabalik na kami galing training. He asked me to call you for help.” “What?!” Tila nagtaas agad ito ng boses sa kabilang linya. “What happened?” muli nitong tanong. “Sir, may sumusunod sa amin. Isang itim na SUV na…na mukhang may masamang balak. Kailangan ho naming ng tulong,” nanginginig na wika ni Gwen. “Where’s my son?” “I’m here. She’s right, and we need help. I am trying my best to make sure they won’t chase us. But damn—” “Ayy! Oh, my god!” Napasigaw si Gwen at agad namang nataranta. Siya naman na biglang kinabig ang manibela para lang makaiwas sa pagpapaulan ng bala ng saksayang sumusunod sa kanila. Hindi siya dapat mataranta at ang ginawa na lang niya ay muling inapakan ang silinyador upang makatakas man lang sila sa mga nagtangkang patayin silang dalawa. He has no idea why they are chasing them. Wala rin naman siyang naging kalaban o naririnig na nanganganib ang kanilang buhay. Ove the past years, they living in peace but he was thinking that it won’t also possible hence his family was in a high rank government official. “Xander, who are they?! Bakit nila tayo pinapaulanan ng bala? M-May kalaban ka ba?!” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. “I don’t have an idea, Gwen. How about you? Walang naging kalaban ang pamilya mo?” “W-Wala! Bilisan mo, Xander! I don’t know to die! Baka mga paparazzi iyan ng pamilya mo at hina-hunting tayo!!” hesterikal niya. “Gwen, relax!! I am driving, so please keep yourself calm! I can’t focus on myself if you are yelling, and it won’t help us out of this mess!” Hindi na niya napigilan ang sariling pagtaasan ito ng boses. Bigla na lang din natahimik si Gwen sa isang tabi at siya naman na sinubukang ilayo ang kaniyang minamaneho sa sumusunod sa kanila. Halos paliparin na nga niya ang bagong sasakyan iniregalo ng kaniyang lolo na nadaplisan ng bala. Mabuti na lang na hindi natamaan ang salamin dahil mas lalong magiging mahirap ang kanilang sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD