Chapter 11

2150 Words
Abala si Gwen at ang ibang mga kaklase niya sa pag-aaral ng mga halaman sa loob ng Science Garden. Katatapos lang ng kanilang lesson at kakalabas lang din ng kanilang professor. They stayed there for a while to study the other plants since her next class will be in one hour. Ang kaibigan naman niyang si Thea ay nasa kabilang grupo ng mga kaklase nila at abala rin sa pakikipagdiskusyunan. Malapit na rin ang kanilang laboratory exams kaya subsob din ang kaniyang kaibigan. Natutuwa nga siya rito dahil kahit puro pagkain ang nasa isip nito ay hindi nito pinapabayaan ang pag-aaral nito. “Gwen, right?” Bigla siyang nag-angat ng tingin sa nagsalitang iyon at bumungad sa kaniya ang pamilyar na mukha ng dalagang nasa harapan niya. Kasama nito ang dalawang dalagang naka-uniporme rin. Sa tingin pa lang niya ay mukhang hindi maganda ang idudulot ng mga ito. “K-Kiana…” sambit niya. Ngayon niya naalala ang pangalan ng dalagang minsan na rin niyang inagawan ng flyer. “Yeah, it’s me. Mabuti naman at naalala mo pa ang inagawan mo ng flyer noong nakaraang linggo. Kapal muks din, gurl, ‘no?” “What are you doing here? Hindi niyo klase ito kaya hindi kayo pwede rito. Mga naka-laboratory gown ang mga estudyante rito,” paalala niya. “Sayang naman iyang magandang uniporme niyo kung madumihan.” “Thank you, sa concern. Actually, ikaw talaga ang sadya namin dito. Hindi ba, girls?” Sabay nagtawanan ang mga ito. Maya-maya lang ay biglang lumapit si Thea sa direksiyon niya na tila narinig ang pagtawa ng mga ito. Marami na siyang naririnig tungkol kay Kiana at halos lahat iyon ay purong pambu-bully. Marami rin mga estudyante ang umiiwas sa grupo dahil sa ayaw nilang makisali sa g**o ng mga ito. “What’s the matter here? Mukhang may naliligaw yata ng classroom,” wika naman ni Thea sa mga ito. “Hindi kami naliligaw. May sadya kami kay Gwen.” Nakatuon lang ang tingin ni Kiana sa kaniya. “Binabalaan kita, Gwen. Umiwas ka na hangga’t maaga pa o gusto mong ikaw naman ang pagtripan ko? Layuan mo si Xander Rios. Akala mo yata ay hindi ko alam na nagpapa-cute ka roon at mukhang ikaw pa itong mukhang asong ulol na sunod nang sunod sa kaniya?” “Hindi ko alam na may bodyguard na pala si Xander at kahol nang kahol,” tugon niya. Sa lahat ng ayaw niya ay ang pakialaman siya sa ginagawa niya. Kahit pa bully ang mga ito, she will stand on her own. Hindi niya ito uurungan sa kahit anong bagay. “Aba’t! Gusto mo yata na isubsob kita sa halaman nasa harapan mo!” galit na wika ni Kiana at halos lumabas na ang litid nito sa leeg. Mukhang hindi ito magpapatalo sa ipinakita niyang tapang. “Matapang ka, ha. Tingnan natin kung magiging matapang ka pa kapag buong taon na nandito ka ay gagawin kong impyerno ang buhay mo!” “Ako pa talaga ang pinagbabantaan mo? Baka gusto mong isaksak ko sa baga itong hawak kong kutsilyo!” Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kutsilyong ginamit niya sa paghiwa ng stem ng halaman. This time, hindi niya hahayaan na may tatapak sa pagkatao niya . Hindi ang isang Kiana lang ang magpapatayo sa balahibo niya. Si Kiana naman na biglang napaatras saka inirapan siya at biglang tumalikod. Sumunod naman ang mga kasama nito na mukhang natakot yata sa banta niyang sasaksakin ang lider nila. Tumawa si Thea. “Ay, takot?! Hindi niyo basta mapapabagsak ang isang Gwen Alexha! Hindi lang Grabriela Silang ang ninuno nito, ‘no!” bahagyang sigaw pa ni Thea na sinadya niyang ipahabol ito sa grupo ni Kiana. Napuna niyang napapailing ang mga kaklase niya at napapangiti. Siya naman na ibinaling muli ang sarili sa naudlot niyang pag-aaral sa halamang nasa harapan niya. Kaya lang ay hindi na siya nakapag-concentrate mula nang pagbantaan siya ni Kiana. Bakit na lang ganoon ang asta niya? May gusto ba siya kay Xander? “Ganoon talaga ang mga insecure, besh. Palibhasa ay mas close ka kay Xander kaysa sa kaniya. Malaki kasi ang pagkakagusto ng isang iyon kay Xander Rios,” sambit ni Thea na tila nahulaan ang nasa isip niya. “May gusto si Kiana kay Xander?” “Oo, besh. Malaki ang pagkakagusto noon sa VP ng SSG. Stalker nga rin iyon ni Xander at lahat yata ng activities nito ay alam na alam ni Kiana. Kapag may hindi ito magandang narinig tungkol sa binata ay sugod-baranggay ito. Ganyan katindi si Kiana Medel. Halos laman na nga siya ng guidance office dahil sa mga ginagawa niyang pambu-bully at siga-siga. I wonder hindi pa iyan na-expel. Siguro mapera ang mga magulang.” “Kahit sino pa siya, hindi ko siya uurungan. Walang sinong nilalang ang mananakit sa akin o sa inyo. Ang kapal ng mukha niyang sumugod dito,” inis pa rin niyang sabi. “Tama nga ang hinala ko na may gusto siya kay Xander kaya siya ganoon.” “So, iiwasan mo na si Fafa Xander niyan?” “Ha?” Hindi agad siya nakasagot sa tanong ni Thea pero wala naman siyang nakikitang dahilan para iwasan ang binata. “Magkaibigan lang kami ni Xander at kung sa tingin niya ay ako ang dahilan ng pagseselos niya, sorry siya. Wala akong balak na agawin si Xander sa kaniya unless na lang kung si Xander ang magsabing layuan ko siya.” “Naks naman. Ang tapang ng Gabriela namin. Tama iyan at huwag kang papaapekto sa baliw na Kiana na iyon. Ay, tapusin na natin ito at malapit na rin ang kasunod nating subject. Gwen, pwede ka ba sa linggo?” “Bakit?” tanong niya habang nagliligpit na lang sa mga pinaggagamitan nila. “Ano na naman ang binabalak mo?” “Actually, balak namin ni Tala na mamasyal at mamili sana ng ibang gamit sa school. Alam kong nasa training ka at syempre pagod pero nagbabakasali lang na baka sasama ka.” “Hmm. Titingnan ko muna, Thea. Mukhang sasakit na naman ang katawan nang dahil sa training. Pero gusto kong bumili ng ibang gamit sa school.” “Sige kapag hindi ako nabugbog sa training, sasama ako.” “Yes!” Napapailing na lang siya sa pagiging masayahin ni Thea. Hindi rin niya matanggihan minsan ang mga pag-aya nito sa labas. Tuluyan na lang niyang niligpit ang mga gamit nila saka sila lumabas ng science garden. Kinahapunan, kakalabas lang niya mula sa library at hapon na rin nang matapos siyang mag-research para sa isang subject niya. Bitbit niya ang shoulder bag niya at ang isang libro niya habang hawak niya ang kaniyang cell phone. Tumunog ito bago pa man siya lumabas ng library at mensahe ng kaniyang ina ang binabasa niya. Nagtataka siya sa mensahe nito at nahihiwagaan din. She dials up on her phone to call her mother and clear something about her message. Kamakailan lang ay nagging maayos ang pag-uusap ng pamilya nila ni Xander pero heto ang kaniyang ina na pinapaiwas na siya hangga’t maaga pa. “Hello, ‘Nay?” wika niya nang sagutin n anito ang tawag niya sa kabilang linya. “Kumusta po? Napatawag ako dahil sa mensaheng nai-send niyo sa akin kani-kanina lang,” direkta na rin niyang sabi rito. “Maayos naman ako, Gwen. Tungkol sa mensahe ko sa iyo…” Biglang naging seryoso ang kaniyang ina sa kabilang linya. “Gwen, alam ko naman na maayos na kayo ni Xander at maayos na rin naman ang pakikitungo ng pamilya niya sa atin pero kasi hangga’t maaga pa ay umiwas ka na sa kaniya.” “Sa anong dahilan, ‘Nay? Hindi ko kayo maintindihan sa bagay na iyan at kung mayroon sanang matibay na rason para maunawaan ko. Mabuting tao si Xander at ang pamilya niya, may dahilan ba para iwasan ko pa siya?” Napahinto siya malapit sa mini park para lang unawain ang sinabi ng kaniyang ina. “Gwen, makinig kang mabuti sa akin. Hindi ka pa man noon isinilang ay kilala na ang pamilya ni Xander lalo na ang kaniyang lolo na mahigpit sa lahat at maimpluwensiyang pamilya. Tatlong henerasyon ng pagiging sundalo ng kaniyang angkan ang pinagmulan niya at alam ko kung paano naging malupit ang kaniyang lolo sa ama mo—sa pamilya ng ama mo. “Isa ang pamilya niya sa dahilan kung bakit namatay ang ama mo at pamilya niya. Ayokong kamuhian mo ang pamilya ni Xander dahil dito at malalim ang dahilan ng puno’t dulo ng lahat kaya hangga’t maaga pa ay layuan mo na siya. Iwasan mo na siya upang hindi na lumala pa ang hidwaan ng pamilya ng ama mo sa pamilya niya.” “Nay, bakit ngayon mo lang ito sinabi?” Halos nangilid na ang luha niya sa narinig mula sa kaniyang ina. Hindi rin siya makapaniwalang isa sa dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama ay ang pamilya ni Xander. Noong bata pa siya, ang nabanggit lang ng kaniyang ina kung bakit nasawi ang kaniyang ama ay may sakit ito pero nitong nalaman niyang may kinalaman ang pamilya ni Xander sa pagkamatay ng kaniyang ama tila nagbago ang imahe niya para sa mabuting pamilya na ito. Naguguluhan siya. Noong nagpunta sila sa bahay nina Xander noong isang lingo, wala naming nabanggit ang pamilya nito sa kanila. Mukhang hindi nga sila kilala ng mga ito at mainit ang pagtanggap sa kanila ng kaniyang ina. Marahil ay hindi niya dala ang apelyido ng kaniyang ama kaya hindi sila nakilala at heto ang ina niyang pinagbabawalan siya. “Nakikinig ka pa ba, Gwen?” untag ng kaniyang ina nang hindi na siya makasagot. “H-Ho? A-Ah…oho. Hindi pa po nag-sync in sa utak ko ang sinabi niyo. Nay, nabigla ho ako. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag-iwas sa kaniya at sa pamilya ni Xander. Sa pag-uwi ko sa sabado, kailangan niyong ipaliwanag sa akin ang lahat.” “Oh, siya sige. Ipapaunawa ko sa iyo ang lahat. Sige na at humahaba na itong usapan natin at huwag mong kalimutan ang mga habilin ko,” paalala pa nito sa kaniya. “Sige ho.” “Ibaba ko na itong tawag mo. Bye, anak. Mag-ingat ka. I love you.” “I love you too. Bye. Kayo rin at mag-ingat.” Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga ng kaniyang ina sa kabilang linya bago niya ibinaba ang tawag. Nangako sila noon ng kaniyang ina sa isa’t isa na walang magiging sekreto at kung mayroon man ay magsabi lang. Subalit nahihiwagaan pa rin siya sa biglaang pagsabi nitong iwasan na ang binata sa kadahilanang isa ang pamilya nito sa may kinalaman ng pagkamatay ng pamilya ng kaniyang ama. Wala siyang masyadong alam sa pagkamatay ng kaniyang ama at ang naging dahilan lang noon na nabanggit ng kaniyang ina ay isa itong dakilang sundalo na namatay nang dahil sa ipinaglalaban nitong tama. Laglag ang balikat niyang naglakad pauwing dorm nila. Hindi niya pa alam kung paano sasabihin kay Xander o tama ba niyang sabihin dito ang pag-iiwas na gagawin. Ngayon pa lang ay nahihirapan na siyang mag-adjust lalo pa at nasa iisang training lang sila. “Nandito pala ang amoy palakang estudyante ng MU.” Napahinto siya ng paglalakad niya sa hallway ng dorm nang biglang may nagsalita at tila siya ang tinutukoy. Nakaharang sa daanan niya ang estudyante rin ng MU na si Kiana na mukhang naliligaw. Napaangat ang kilay niya sa tinuran nito. “Anong sinabi mo?” Sa lahat ng ayaw niya ay ang insultuhin siya at sa ganito pa na may pinagdadaanan siya. Napakuyom siya ng kaniyang kamao. “Ang sabi ko ay bingi ka. Gwen Alexha Sevellino, tulad ng sinabi ko sa iyo kanina, layuan mo si Xander Rios. Oh, baka naman gusto mo talaga ng masalimuot na buhay dito sa university na ito? If I were you, don’t ever cross in my path. Kilala mo naman siguro ako at ang pamilya ko, right? And I can do whatever I want to do with you.” Sabay ngumisi ito na tila ba inaasar siya. “I’m not afraid of you, Kiana. Kung gusto mo ay isaksak mo sa baga mo si Xander. Hindi ka naman siguro bobo para hindi makaintinding magkaibigan lang kami, ‘di ba? You should know also your place, girl.” Humakbang siya upang lagpasan ito at bahagyang nabangga pa niya ito sa balikat. “Aba’t—” Pakiramdam niya ay papalag pa sa ginawa niya si Kiana pero nang biglang may grupo ng estudyanteng biglang naroon sa kanilang direksiyon ay hindi na lang nito itinuloy ang gagawin. Sa huli ay nagpatuloy na lang siya sa paglalakad at iniwan ito. Wala siyang panahon para makipagtalo kay Kiana at marahil ay sign na rin ito upang tuluyang iwasan si Xander. Gayunpaman, napagpasyahan pa rin niyang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa Monteceillo na matiwasay at matagumpay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD