Chapter 10

2503 Words
Xander Abala ang lahat sa paghahanda at pag-aayos ng mga campaign paraphernalia nila ng mga kasamahan niya sa Partido Liberal. Gagamitin nila ito sa pag-iikot maya-maya at mamimigay din ng mga fliers. Naroon ang tumatakbong president nila at kinakapatid niyang si Xian. He was the president before and running again for good reason. He has a good credibility in terms of everything and managing the school laws. He’s strict but that’s a good sign for every student that needs to follow school rules. He was about to read his lines when he heard Deyanne and Xian talking about Ariston. Hindi naman siya tsismoso pero alam niyang patay na patay itong si Deyanne sa tinatawag nitong sweetie-pie Tunton nito na walang iba kung hindi si Ariston na kinakapatid din niya kay Ninong Jude at Ninang Jibelle. Napapailing na lang siya sa kakulitan nito at hyper na hyper pagdating kay Ariston. Ibinaling niyang muli ang atensiyon niya sa kaniyang binabasa nang biglang tumunog ang message tone niya kasabay ng pag-vibrate. Dinukot niya ang cell phone sa bulsa saka tiningnan ang message. Hindi pa nga niya nabuksan ang mensahe pero nakita na niya sa notification kung kanino galing ito. Napangiti siya dahil nakasaad sa mensahe ang salitang good luck ni Gwen. Ilan naman sa mga kaibigan niya ang nagsabi pero ang iba ang feeling niya kapag nagmula na ito kay Gwen. Nag-reply na lang siya ng pasasalamat dito bago niya ibinalik ang cell phone sa bulsa niya. Nagsimula na silang mamigay ng mga fliers at nag-ikot na sa bawat schools. May mga narinig din silang hiyawan sa bawat estudyanteng napupuntahan nila. Magiliw din naman siyang nagpapakilala sa mga ito. Hapon nang maghiwa-hiwalay na kami at natapos na rin ang meeting de avance. Nagpapasalamat na rin sila sa isa’t isa dahil sa mabuting samahan nila at magandang laban bukas. Nakaramdam na rin ako ng pagod nang makita ko ang magkakambal na sina Ziven at Zoren. Si Zoren na may bitbit na archer at mukhang galing pa ito sa practice nito sa Archery Club nitong sinalihan samantalang si Ziven naman na Taekwondo Club naman. Siya na lang yata ang walang sinasalihang Club pa dahil focus siya sa Academics niya. “Xander!” sigaw naman ni Ziven sa kaniya sabay kumaway pa. “Hey,” tugon niya sabay nakipag-fist bump pa rito. “How’s your campaign?” tanong agad ni Ziven sa kaniya. “Malakas ang enerhiya ng hula ko na win straight kayo kasama ng mga ka-partido mo.” “Hay. Here we go again,” bulong ni Zoren na narinig naman nila. “They will because of their strong platforms and unity to each other. Hindi iyong hula-hula mo na naman. But anyway, congrats if you and your team will win tomorrow.” “Thanks. Our rival team is strong too, but I believe we will win,” said Niya. “Naks. Malakas ang enerhiya, ah. Is it because their someone who gave you that kind of spirit?” birong tanong ni Ziven. “What do you mean? Mukhang may nasasagap ka na namang maligno sa katauhan ko. Samahan niyo nga lang ako kumain. I’m starving,” yaya niya sa mga ito. “Mabuti pa nga. I’m starving too,” sang-ayon ni Zoren. Sabay-sabay na silang naglakad patungong cafeteria. Napag-usapan na rin nila ang tungkol sa ilang mga bagay-bagay sa schools at ang tungkol sa pagkikita ng parents nila ni Gwen. Hindi ito nakaligtas sa kambal na abot naman hanggang kabilang school ang panunukso ni Ziven. Kibit-balikat na lang siya sa mga paratang nito lalo na ang hula nito sa kaniya. Kinabukasan ay nasa Univesity Theatre kami upang saksihan ang resulta ng botohan. Napapatingin siya sa paligid dahil hindi pa niya makita si Xian. Naririnig na rin niya ang ingay ng mga estudyanteng naghihintay din sa resulta. Nang maaninag niya si Xian, bigla siyang natigilan. Napapikit ito na tila may malalim na iniisip at kapag ganito na siya, kailangan niya ng may kakausap sa kaniya. “Xian…” He called his name, and then he opened his eyes. He turned his glimpse to him. “Are you alright?” He asked him. He nodded. “I just feel a bit nervous with the results,” sambit nito saka ito napatingin sa mga kasamang partylist. Tinapik ko siya sa balikat. “That’s fine. Make yourself at ease. We will win,” positibo niyang saad dito saka nila itinuon ang sarili sa anunsiyo ng mga nanalo. He was a bit nervous too. Isa rin ito sa maipagmamalaki niya sa kaniyang parents oras na maipanalo niya ang pagiging VP ng SSG. And if that’s possible and giving the chance to be elected as VP, he will be very busy too. Tumahimik ang lahat nang magsimula nang magsalita ang host at nang i-anunsiyo nito ang nanalo bilang presidente ng SSG, lahat sila ay napasigaw. Hindi lang iyon, landslide victory din ang pagkapanalo ng Partido-liberal. Inanyayahan silang lahat na tumungo sa stage pero napuna niya ang mga kaibigan sa isang sulok lalo na magkasama at sumisigaw. Napuna niya rin si Gwen na may hawak pa na banner na congratulations. It seems that they know our victory then or our fortune teller knows. Do I need to believe that destiny? He smiled at them and raised his hand to show his gratitude before returning his attention to his team. Nang matapos ang speech ni Xian, muli na naman silang nagpapasalamat sa nagtiwala at bumoto sa kanilang partido. After that, they went to SSG Office. They celebrate our victory there. Marami silang pinag-usapan tungkol sa bagong responsibilities at duties na kailangan nilang gawin. “Xander!!” Napalingon siya nang maulinigan niya ang sumigaw na iyon. As usual, si Ziven na naman. Inakbayan siya at sinabayan sa paglalakad patungong dorm. “Congrats, bro! Sabi naman sa iyo at mananalo ka as VP. Anyway, where do you want to celebrate that? I already informed my parents about your victory and your team. And of course, ipinagmalaki ko ang hula ko sa iyo.” Malakas na tawa ang binitawan nito sa matagumpay nitong panghuhula. Napapailing na lang siya hanggang sa naghiwalay na sila at pumasok na sila sa kani-kanilang kwarto. Saktong pagpasok niya ay tumawag naman ang kaniyang mommy upanng e-congratulate siya. “Congrats, anak!” masayang bati ng kaniyang mommy sa kabilang linya. Umupo muna siya sa couch bago sinagot ang mommy niya. “Thanks, mom. We win as one.” “I know that. We are so proud of you! What do you want?” “It’s up to you, mom. Wala naman akong ibang hinihiling,” tugon niya. “Oh, uhm, just send my regards and kisses to my siblings. Nami-miss ko na sila.” “Oo. Na-miss ka na rin nila kahit na sandali lang kayong magkasama. Don’t worry, anak. Tawagan mo lang kami ng daddy mo kapag may kailangan ka. I need to drop this call and I need to fetch your siblings from school. I love you, baby!” “I love you too, mom. I’m not your baby anymore,” sita niya pero napangiti rin sa huli. Mahinang tawa na lang ang pinakawalan ng mommy bago niya ibinaba ang tawag. Gwen Tama ba itong daang tinatahak ko? Third year students na siya sa unibersidad na ito pero sa lawak ng naturang school ay hindi pa rin niya kabisado. Ang rota lang ng kaniyang pag-aaral ay kung hind isa School of Sciences, library, cafeteria, mini park, theatre, dorm at ang malaking athletic field. Balak niyang magtungo sa School of Law kung saan naroon si Xander at ibibigay niya ang bagong lutong banana cake ng kaniyang ina. Nabanggit niyang nanalo ang binata bilang VP ng SSG at napadaan ang kaniyang nanay upang iabot ito. Hindi siya nakapasok sa first subject kanina dahil sumama ang tiyan niya at nag-text na lang siya rito na may ibibigay siya. Lamang ay kailangan niyang puntahan ito sa building na hindi pamilyar sa kaniya. She saw a gold tier student standing alone while busy on her phone. Nagtitipa ito na tila may kausap sa text o ano pa man pero nilakasan na lang niya ang kaniyang loob na magtanong dito. “Miss, excuse me,” wika niya rito. Mabilis naman agad itong sumulyap sa kaniya. “Yes?” Napatitig siya sa magandang mukhang ito na halatang mayamang angkan ang pinagmulan. Base na rin sa postura niya at ang pin sa kaniyang uniform ay tama ang hinala niyang gold tier student ito. “Magtatanong lang sana ako kung tam aba itong dinaanan ko papuntang School of Law. Bihira lang kasi akong mapadpad dito dahil iba ang building namin,” aniya. “Ah, yes. This is the right way. You didn’t take the bus and walk through here?” Tanong din nito. “Yes. Para naman makabisa ko rin ang lugar.” “Are you new here?” Umilin siya. “Nope. Third year student na ako rito at Botanist ang kinuha kong kurso. Hindi nga lang ako masyadong namamasyal kaya hindi ko kabisado. Uhm, by the way. I’m Gwen and you are…” Inilahad niya ang kaniyang palad rito upang makipagkilala. Tinanggap naman nito ang kaniyang pakikipagkamay. “I’m Maxine and a business management student.” Nauna itong nagbawi ng kamay. “Diretso ka lang diyan at katabi ng engineering school ay iyon na ang law school building.” Itinuro pa nito ang tinutukoy. “Thank you very much, Maxine. Nagagalak akong makilala ka,” masayang sabi niya rito. “Mauuna na ako.” “Okay.” Ngumiti muna siya rito bago niya ito nilagpasan. Sa isip-isip niya ay mukhang mabait naman si Maxine. Hindi ito katulad ng ibang gold tier students na mga snabbed at puro mga bagong gamit lang ang pinag-uusapan. Tama na ang landas na tinahak niya dahil dumaan nga siya sa engineering school. May iilan siyang nakitang mga estudyanteng nakatambay sa labas at ang iba naman ay nasa bench. Malapit na rin magtanghali kaya naman ang iba ay naka-break na. “Gwen…” Bahagya siyang natigilan nang may naulinigan siyang tumawag sa kaniyang pangalan. Agad niyang nilingon ng pinagmulan ng boses nito sa may kanang bahagi niya. She saw one of the Lewis siblings. Hindi nga lang siya sigurado kung sino ito dahil halos walang pinagkaiba sa pisikal na anyo kung pagbabasehan. And in fact, he knew her. “Oh, I’m Zoren,” wika agad nito dahil napansin nito ang paniningkit niya at halatang nag-iisip kung sino ang kaharap. “Naligaw ka yata rito?” Napangiti naman siya nang magsabi na ito kung sino ito. Sa tantiya niya ay hindi ito ang makulit na si Ziven na kamakailan lang din ang nakilala niya noong anunsiyo ng pagkapanalo nila Xander sa theatre. “Ikaw pala iyan, Zoren. Hindi agad kita nakilala at nag-isip pa ako kung sino ka. Wala kasi kayong pinagkaiba ni Zevin. Ang pagkakaiba lang ay makulit ang isang iyon.” “Masamang spiritu ang isang iyon,” sagot naman nito na hindi man lang nababakasan ang ngiti sa mga labi. Si Zoren ang tipo ng lalaking magsasalita lang kapag kinakausap at seryoso ito sa lahat ng mga bagay. Nagulat na nga lang siya ngayon na ito pa ang naunang kumausap sa kaniya o marahil ay nakita na siya nitong naglalakad. Malayo lang talaga ito sa kakambal na pinaglihi sa kiti-kiti. “Uhm, may pupuntahan sana ako kaya ako napadaan dito. M-May ibibigay lang,” sambit niyang tila nahihiya pa dahil malapit na kaibigan nito si Xander. “Si Xander ba?” Mukhang natumbok agad nito ang tinutukoy niya. “O-Oo sana.” Hindi naman siya nakatanggi. Napasulyap ito sa paper bag niyang dala saka ito muling nagsalita. “Ler’s go. Samahan na kita at mamaya pa namang ala-una ang next subject ko.” “Are you sure?” “Yeah.” Hindi na siya tumanggi at sinabayan na siya nitong maglakad. Hindi nakaligtas sa paningin ng ibang estudyante na kasama niya ang isang gold tier students at may lahi pa. Naramdaman niyang ang mga mata ng mga ito ay may halong inis at inggit. Dama rin niyang pinag-uusapan na siya ng mga ito pero siya ay wala naman siyang pakialam. Wala siyang ginawang masama na ikakasama o ikakainis ng mga ito. “Nagsilabasan na pala ang mga ibang kaklase niya. I think, tapos na ang klase niya. Halika at puntahan natin siya sa loob. Kapag ganitong oras at mahirap ang subject niya ay nagpapahuli iyan lumabas,” wika nito sa kaniya na tila sinasabi ang daily routine ni Xander. “Matagal na talaga kayong magkakaibigan dahil kilala niyo na ang isa’t isa,” tugon naman niya. “Since birth,” tugon din ni Zoren na nauna namang naglakad at siya itong nakasunod lang. “Xander…” tawag nito sa binata nang makapasok na sila. Nag-angat si Xander ng tingin sa kanila ni Zoren at agad naman na ngumiti nang makita kami. Tiniklop muna nito ang librong binabasa saka ito tumayo upang salubungin sila. Nahihiya pa nga siyang lumapit dito at bahagyang itinago pa sa likuran niya ang bitbit niyang paper bag na may lamang banana cake at ilang cookies. “Napasyal kayo,” wika ni Xander saka tumingin sa kaniya. “Ah, oh. I almost forgot. Do you have something to give to me, right? Sorry. Nawala sa isip ko dahil may pinag-aaralan ako para sa long quiz namin.” “That’s better at least you give your best shot. Hindi katulad ng kakambal ko na hayun, puro lakwatsa sa mga kaibigan para lang mang-asar. Mga chiks na lang din ang inaatupag,” singit ni Zoren. “But he has a good grade, bro. Minamagic yata ng kapatid mo ang grades niya,” biro naman ni Xander saka ito bumaling sa kaniya. “Ano nga pala ang ibibigay mo?” muling tanong nito. “Ah, oo nga pala. May ipinapaabot ang nanay para sa iyo. Heto, oh.” Ibinigay niya rito ang paper bag niyang dala. “Nabanggit ko kasi na nanalo ka sa botohan bilang VP at kaninang umaga ay napadaan siya para dito. Congrats raw.” “Wow. Thank you. Hindi ako nakakalimutan ng nanay mo.” Kinuha nito ang dala niya saka sinilip. “Damn. This is my favorite. Let’s go for lunch. Treat ko at para kainin natin ito.” “S-Sige,” tugon niyang hindi naman nakatanggi sa alok ng binata. “Hey, sama ako diyan. Mukhang masarap iyan, ah!” Biglang sulpot na ni Zevin sa likuran nila na parang kabute lang. “Hay, naku. Mukha ka talagang kabuteng inihian,” sambit ni Zoren na nagpatiuna na rin naglakad palabas ng room. Napangiti na rin siya sa tila biro ni Zoren sa kapatid nito. Si Zevin naman na pangiti-ngiti lang saka sumulyap sa kaniya. Hindi lang iyon simpleng sulyap pero dama niyang makahulugan iyon. “Gwapong kabute naman. Let’s go for the lunch,” eksaherada pa nitong sabi. Napailing na lang si Gwen sa sobrang hypher ni Ziven kahit pa noong una niya itong nakilala. Sa huli ay sabay-sabay na rin silang nagtungo sa cafeteria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD