CASSY POV
Nasa loob na kami ngayon ng sasakyan matapos ang mainit na halikan kanina. Wala eh siguro nga marupok talaga ako! Dahil hindi ako maka tanggi sa taong ito!
Akala ko pa hindi na matapos buti nalang at may kumatok kanina.
“Are you ok? “ tanong niya saakin sabay pisil sa pulsuhan ko dahil nakahawak lang naman ang isang kamay niya sa akin samantalang ang isa nakahawak sa monobela.
“O-Oo ok lang ako.. “ nauutal kong sagot, bakit ba lagi nalang ako nauutal.
“Wag kang mag-alala mabait sila Mom and Dad! “ pang assure pa niya saakin.
Sa totoo lang isa pa yun na dahilan, bakit sinabi niya na pakakasalan niya ako, ni hindi nga siya nanliligaw sa akin! Kakaiba talaga itong apo ng mga amo ko!
Isa pa, aminin ko naguguluhan talaga ako sa lalaking kasama ko ngayon, dahil kung umasta siya parang kilala niya ako nang lubusan! Eh halos isang linggo lang naman kami nagkakilala. O mas sabihin dalawang araw palang. Kasi kung hindi ako magkakamali ito palang ang pangalawang araw maliban lang nung pumunta siya sa bahay ng mga abuelo niya.
Pati sila lola, ano bang nangyari sa kanila? Isang dukha lang naman ako!
Pero nagbalik na naman ako sa kasalukuyan ng pinisil na naman niya ang pulsuhan ko!
Napapansin ko rin sa sarili ko parang wala na din akong takot sa kanya, hindi tulad noon or dati na kapag may malapit na lalaki sa akin nanginginig na ako sa sobrang takot.
Malayo-layo na din ang takbo ng sasakyan niya, siguro nasa isang oras na rin, pero ayaw ko naman ang magtanong.
Sa wakas pumasok kami sa isang village kung hindi ako nagkakamali, nagsisigawan sa karangyaan lahat ng mga bahay dito!
Walang-wala eto sa bahay nang pinaka mayaman sa probinsya namin, kahit pa magsama ang isang Mayor at Governador.
“Wow! “ lumabas sa bibig ko na hindi ko napigilan. Tuloy narinig pa yata ako.
“Do you like here? “ tanong niya sa akin at nakangiti, at ayun nga natulala na naman ako,
Pa iba-iba kasi ang mood niya, minsan seryoso na hindi ko mabasa kung galit ba o hindi, ngayon naman nakangiti. Hindi ko alam kung masaya ba o ano, baka mamaya bubuga ulit ng apoy! Pero bago pa kung saan mapunta ang iniisip ko sumagot na ako sa kanya.
“Ang ganda dito! “ bulalas ko sa kanya, hindi ko na din sinagot ang tanong niya at baka ma miss interpret pa niya.
“So, you like it? “ pag uulit niya saakin! Makulit din eh!
Kaya tumango na ako mukhang kasing hindi niya ako titigilan!
Tumigil ang kotse niya sa isang napakalaking 2story bungalows house! At napapalibutan ng kumikinang na mga starlight.
“Wow!“ bulalas ko naman pero biglang may sumagi sa isip ko!
“Sino po kayo? Hihi! “Biglang sumagi sa isip ko ang mga bagong mukha ngunit malabo. At mukha ko lang ang maliwanag.
“Ako yun nung 14 year-old ako! “ kausap ko sa sarili ko at biglang sumakit ang ulo ko!
“Ouch! “ bulalas ko pa sabay hawak sa ulo ko!
“Hey! Are you ok? “ nag-alala ng tanong niya sa akin, nakikita ko din sa mga mata niya ang totoong concern.
“Oo! Pasensya kana, may sumagi kasi sa isip ko na hindi ko alam… “ sagot ko sa kanya.
At bigla na naman siyang nagbago ng expression nang mukha, na para bang bigla siyang natakot.
“Ano kaba! Wala yun nung bata ako yun kasama ko daw ang ate ko pero malabo naman… “ pagsisinungaling ko sa kanya!
“Shall we go then. “ aya na niya sa akin at hinawakan na ang kamay ko.
Kaya wala na akong nagawa pa! Pag pasok namin sa mansion nila nakaabang na ang apat na may edad kilala ko ang dalawa sila lolo at lola. At naka ngiti pa silang apat na akala mo naghihintay talaga saamin partikular syempre dito sa katabi kong nakahawak sa aking kamay na akala mo matakasan sa higpit ng hawak sa akin.
“Hi lola lolo! “pagbati ko sa kanilang dalawa. At ngumiti naman sila saakin.
“Good evening po sir, ma’am! “ nahihiya kong bati sa dalawang matanda na mas bata kina lolo at lola.
“Naku hija call me tita nalang, “ sagot sa akin na medyo mas bata kay lola,
“And tito as well hija, o mas maganda siguro daddy nalang… “ natatawa namang bulalas ng kamukha ni lolo na lalaki, siguro siya ang Daddy ng katabi ko kasi para silang pinagbiyak na bunga ng tatlo eh! Kung baga old version ni Marco sigurado ako pag tanda n’ya magiging ganito siya!
“Po! S-Salamat po! “ Nahihiya ko naman na sagot sa kanila. Samantalang ang anak nila para wala naman paki alam!
“Ang babait naman pala ng mayayaman na to! “ kausap ko pa sa aking sarili.
At wala ng sinayang na oras, dahil pumasok na kami sa loob. Hindi ko maiwasan ang nakaramdam ng awkwardness.
Medyo natagalan din kami sa paghihintay sa living room habang sila nag-uusap tungkol sa negosyo na wala akong maintindihan. At mula sa aking kinauupuan nakita ko si ate Mercy na lumabas sa mula sa dulo, at papunta sa amin. Dahil kahit na malayo siya naaninag ko ang saya sa kanyang mukha habang sa akin nakatingin.
“Ready na ang dinner ma’am, Donya Isabel! “ tawag ni ate Mercy sa amin kaya masaya ako na nandito siya! Kahit paano nakaramdam ako ng ginhawa.
“Ate Mercy! “ bati ko sa kanya pero sumenyas naman siya na busy pa. Kaya nakasimangot na ako. Pero mukhang napansin ako ni Marco.
“Anyway Mom, Dad! She’s Cassandra. My… My girl. “ pagkilala ni Marco sa akin sa kanyang mga magulang.
“I know son, I know! “ sabay pang sagot ng dalawang mag asawa, sila lolo at lola naman napapa tawa pa! Naguguluhan talaga ako sa kanila!
Hindi ko din maintindihan si Marco, bakit niya sinabi na My girl lang? Anong ibig sabihin ‘yon? Ngunit ang ngiti ng apat na matatanda totoo sa kanilang mukha. Naguguluhan man ang aking utak ngunit tumahimik nalang ako.
“Kumain na tayo at pagabi na at makauwi na din kami! “ Maya’t maya sabi ni lola sa amin. Medyo nakaluwag naman ako ng hinga. Para maka uwi na kami.
“Mama. Matulog na kayo dito masyado ng malalim ang gabi kapag umuwi pa kayo! “ sagot sa kanya ang mama ni Marco.
“Hindi pwede yun hija, namamahay ako kapag ibang bahay akong natutulog. “ reklamo ni lola Isabel. Mabuti naman yon dahil kahit naman ako.
Ayaw ko matulog dito noh! Wala akong tiwala sa katabi ko kanina pa pisil ng pisil sa pulsuhan ko eh! Pati sa baywang ko.
“Sus ateng gustong-gusto mo naman! “ sigaw ng kontrabida kong utak! Pero nagulat ako ng magsalita ang apo nila!
“Lola dito nalang kayo, ihahatid ko nalang kayo bukas nang maaga. “ presenta sa kanila ni Marco kaya napa pikit ako! Pero naalala ko naman si ate Mercy.
“Naku may kakampi ka ata! “ sagot ni lola sa mama ni Marco at nag tawanan na lang sa buong sala. Samantalang ako tahimik lang.
Kanina pa siya naka hawak sa kamay ko at gusto ko man tanggalin pero katulad nang dati mahigpit na ang hawak niya. Kaya pilit ang ngiti ko dahil nahihiya ako sa inaakto niya! At nahalata yata ako kaya pagkakataon kong binawi ang kamay ko mula sa kanya! Mokong to!
Tumayo na ako at pupuntahan ko sana si ate Mers mula sa kusina nang nagsalita si Marco!
“Where do you think you're going? “