MARCO POV
“Get in! “ hindi ko mapigilan ang galit ko dahil sa napanood ko kanina sa monitor!
Tinawagan ko si Mercy upang tanungin kung naka alis na si Cassandra at ang sabi kanina pa, kaya naman pinanood ko sa monitor ng aking sasakyan dahil naglagay ako nang hidden cam sa aking kotse na ginamit ng aking sekretarya upang sunduin si Cassandra, pero uminit lang ang ulo ko dahil sa aking nakita!
Nakatayo lang siya sa labas nang aking opisina at pag sulyap ko sa aking secretary ay naka yuko na.
“Dapat alam mo kung saan ka lulugar! “ bulong ko sa aking sarili, na ako lang ang makakarinig dahil baka bigwasan ko pa kapag ako ang napuno!
Hinila ko na si Cassandra sa loob nang aking office at pinaupo sa leather couch dito sa loob ng aking opisina.
Ngunit nagulat pa siya sa inakto ko! Kaya huminga muna ako nang malalim at baka matakot ulit sa akin.
“A-Aalis na po ako! “ pagbasag niya sa katahimikan kaya hinarap ko siya pero nakayuko ang kanyang ulo habang ako ay kinakausap.
“No! You stay here! Ako na maghatid sayo mamaya
“ sagot ko sa kanya na seryoso pa rin ang mukha ko kahit hindi siya nakatingin saakin.
“Pero… “ magrereklamo pa sana siya kaso inunahan ko na.
“Look! Walang maghahatid sayo isa pa busy lahat nang tao dito, kaya pwede dito ka muna! “ seryoso ko pang sagot sa kanya. At pagalit pa akong magsalita. Na kinatahimik niya.
“Lets eat! “ dagdag ko pa at ako na din ang naghain ng mga baon niya. Na para bang naguguluhan siya sa inaakto ko.
Kalaunan hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil dala na naman niya ang paborito kung ulam.
Pero pag sulyap ko sa kanya, napakunot noo siya nakatingala saakin, at nakita ko sa mukha niya na para bang may pagtatanong! Kaya nag salita ako dahil nakatitig siya saakin. Baka hindi ako makapag pigil may magagawa pa akong pagkakasala sa kanya.
“Alam kong gwapo ako, mamaya mo na ako titigan, pwede kumain mo tayo! “ pukaw ko sa kanya kaya naman napa ismid pa siya sa sinabi ko. At kina ngiti ko!
“Yabang! “ rinig kong bulong niya.
Kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapa tawa ng mahina. Dahil minsan hindi talaga siya takot saakin. Na gustong-gusto ko naman. Ayaw ko siyang matakot saakin.
Ngunit pagsulyap ko ulit sa kanya natulala na naman siya at naka tingin saakin. Kaya napa ngisi ako.
“may pagyayabang naman! “ ganting biro ko sa kanya, pero pinaikutan lang ako nang mata niya! Kaya ang napa halakhak pa ako ng medyo malakas. Na kina gulat niya ulit.
Binigyan ko na siya ng plato at nilagyan ko na din ang kanin at ulam, aagawin pa sana niya pero pinigil ko siya.
“Let me do it sweetie. “ sabi ko sa kanya sabay ngiti, at ayun na naman natulala na naman siya, well cute siya kapag ganun ang itsura niya yung nabibigla!
Pero narinig kong huminga siya nang malalim,
“Sir. Ano bang ginagawa mo? “ tanong niya sa akin, kaya tinigil ko ang paglalagay nang pagkain sa plato niya. At tinitigan ko siya.
“What do you mean? “ instead na tanong ko sa kanya!
“And please, again! Drop that sir at po! Baka nakalimutan mo na ang sinabi ko, let me remind you baka hindi ka makabangon diyan! “ dagdag ko pa sa kanya. Mukhang naalala naman niya dahil namula pa ang mukha niya. Pero ayon nga! Bigla-bigla nagbabago ang expression sa mukha.
“ Ang dami mong sinabi Sss- ay wala dapat yon! Eto ang tinatanong ko! “ turo niya sa pagkain niya. Kaya natawa ako ng mahina.
“Tapos kanina ang sungit-sungit mo ang sama pa nang tingin mo sa secretary mo, ano bang kasalanan yung tao? “ tanong niya sa akin na para bang pinagtanggol pa niya ang aking secretary kaya naman nag igting ang panga ko!
“O ayan! Nagagalit ka na naman! “ turo pa niya sa mukha ko! Wala talaga ka takot-takot sa akin ang babaeng to!
Kaya sumeryoso ako sa kanya, tinitigan ko muna siya bago ako nagsalita.
“Do you know the reason why you here? “ seryoso kong tanong sa kanya at tumango naman.
“Yes! Inutusan ako ni lola na magdala ng baon mo kasi busy ka daw sa trabaho! “ sagot niya sakin kaya kahit paano napangiti ako, Dahil hindi naman yon talaga ang totoo. Dahil ang totoo gusto ko siyang makita at alam ‘yon ni lola.
“No sweetie! That is not the reason why you here! “Sagot ko sa kanya ng nakakunot noo siya, kaya naman tumabi ako sa kanya dahil magkaharap kami kanina, umurong pa siya sa kinauupuan niya.
“A-Ano bang ginagawa mo? “ nauutal niyang sagot saakin.
“Then ask me why you here! “ seryoso kong sagot sa kanya, dahil malapit na ang mukha ko sa mukha niya. Na amoy ko na naman ang naka adik n’yang amoy na hinahanap-hanap ko. Simula ng hinalikan ko siya. No! Actually simula ng nakita ko siya sa convenience store.
“B-Bakit nga ba ako nandito? “Nataranta niyang tanong saakin. Sabay usog. Pero lumalapit naman ako sa kanya.
“Because I miss you sweetie. “ paos kong sagot sa kanya, sabay hawak sa palad niya, mukhang nilalamig siya dahil malamig ang kamay niya.
Napaigtad pa siya sa ginawa ko. Gusto niyang bawiin ang kamay niya pero mahigpit kong hinawakan.
Tinitigan ko siya, inayos ko pa ang buhok niya dahil nilipad ng hangin sa loob dahil sa lakas ng aircon at sailing fan.
Maya’t maya at nagsalita siya na parang nilalabanan niya ang awkwardness naming dalawa. Kaya napa ngisi ako ulit.
“Kain na tayo! “ sagot niya sa akin na para bang gustong umiwas.
“But I want to eat you right away sweetie. “ sagot ko sa kanya na ikina pula na naman nang mukha nito.
Pero naramdaman ko na naman ang panginginig ng kanyang katawan, kaya binitawan ko na ang kamay niya. Dahil parang takot na takot ulit.
“Hey! Are you ok? “ nag alala kong tanong sa kanya sabay abot sa kanya ng tubig.
“S-Salamat! “Sagot niya sa akin pero nanginginig ang kanyang kamay.
“Shhh! Everything will he fine. “ sagot ko sabay yakap sa kanya dahil parang takot na takot na naman siya. Bakit ko nga ba paulit-ulit na nakakalimutan ang bagay na ‘yon!
Naramdaman ko pang yumugyug ang balikat niya tanda ng kanyang pag iyak.
Hinaplos ko na ang likod niya para kahit paano makaramdam siya nang comfort. Mabuti nalang din at hindi ako tinulak dahil sa yakap ko.
“Wala na sila sa buhay mo, dahil binura ko silang lahat. “ kausap ko sa aking sarili na alam ko, ako lang ang nakakarinig!
“Cassandra? “ tawag ko sa pangalan niya pagka kalas ko yakap sa kanya. At naramdaman ko nang tumigil na siya sa pag iyak.
“Ok kanaba? “ yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Pero napalunok pa ako Pagtingin ko sa mga labi niya na naka awang.
Kinontrol ko pa ang aking sarili at baka hindi ko na naman mapigilan!
“O-Ok na ako salamat. “ sagot niya sa akin pero nakahawak pa ako sa kanya at andoon ang kanyang atensyon sa aking kamay sabay tingala saakin, kaya nagtama na aming mga mata sa isa’t isa! Napalunok pa ako ng sunod-sunod dahil sa mapupulang labi na kay sarap halikan.
“ Y-Yong kamay mo, pwedeng kumain na tayo? Malamig na ang pagkain” bulalas saakin, ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili at hinalikan ko siya nang narinig kong nag click ang pinto nang aking opisina! Tanda nang may pumasok.
“Bro wh-! “naiwan sa ere ang sasabihin niya dahil kahit kailan talaga siya wrong timing!
“Oh uh! I’m sorry man! Sabi kasi ni secretary mo nandito ka daw, I don’t know na kasama mo pala si…. Hi Cassy! “ bati niya sa kasama kong babae.
Medyo lumayo pa sa akin dahil sa pagkabigla kaya mas lalo kong sinamaan nang tingin ang hinayupak kong kaibigan! Pero ang gago! Ngumisi lang.
“Bro naman kasalanan ko ba kung nabitin ka? Diba sinabi ko naman sayo na maglock ka nang pinto mo! “ sermon niya sa akin na natutuwa pa a ang gago!
“What are you talking about! “ sagot ko sa kanya, dahil naramdaman ko nahihiya na sa kanya si Cassandra!
“Don’t mind him sweetie He’s crazy! “ sabi ko pa kay Cassandra na tumawa ng malakas si Grey!
“Wow sweetie? “ ulit sa sinabi ko at nakangisi ang luko! Kaya binato ko siya nang tissue!
Na nasalo naman niya! Kung sabagay nga naman kami ang champion sa football noon!
“You shut up! “ sigaw ko sa kanya!
“Hays! “ rinig kong lalim nang hininga si Cassandra kaya tumigil na ako, pati si Grey tumigil na din sa kagaguhan niya!
“Anyway pare! Nandito ako because of this. “ pag abot niya sa akin nang isang folder.
“By the way Cassy, sabi pala ni Scarlet pasyal daw kayo minsan, “ sulyap pa niya kay Cassandra kaya nakakunot noo ako! Wala akong tiwala sa Scarlet niya mukhang sanay ‘yon sa happy go lucky! At mukha naman nabasa ni Grey ang nasa utak ko!
“Pare hayaan mo na minsan lang naman magyaya yung girlfriend ko pag bigyan mo isa pa hindi naman kumakain nang tao yun! Iba nga lang ang kinakain saakin! “ dagdag pa niya kaya sinuntok ko na siya sa braso niya!
“Kung ano-ano pinagsasabi mo gago! “Bulyaw ko sa kanya na ikinahalakhak ng malakas ang luko!
Samantalang si Cassandra napapailing, kaya natuwa na din ako!
“Tsk! Virgin pa pare! Mag ingat ka wag isagad! “ bulong saakin ni Grey kaya sinamaan ko nang tingin!
“Seryoso mo bro! Nga pala sabi nang tropa daig mo pa daw nang may anak na lima! Dahil hindi ka na daw lumalabas anong nangyari sayo? “ tanong sa akin.
Totoo kasi yun, isang linggo lang naman ako na hindi na nag punta sa bar, dahil sa lintik na Mira na yun!
“I’m just a busy man! Tatawagan ko nalang kayo kapag may time na ako! Isa pa you know dude what happened of my company! “ sagot ko sa kanya kaya napatango naman siya! Dahil alam ko naiintindihan nila ako.
“Akala ko naman dahil kay Cassy kaya hindi kana nag ba-bar! “ pang uuyam pa niyang sagot saakin at sinadya pa talaga niya na pina rinig kay Cassandra. Bwisit talaga ang kaibigan kong to!
Pero ang isa mukhang nabitawan n’ya ang baunan na niligpit niya kasi hindi na namin tinuloy ang pagkain, kaya napatawa si Grey!
“Tsk!! Bigyan mo nang vitamin si Cassy pare mukhang pati lagayan ng pagkain nabibigatan na siya! “ biro pa niya sa akin pero ang pinaparinggan niya umalis na at pumunta na sa mini kitchen dito sa loob ng aking opisina.
“Tigil-tigilan mo nga ang kakaloko kay Cassandra! “ sermon ko sa kanya at seryoso na siya.
“Pare! Payong kaibigan lang, pero kailan mo ba sasabihin sa kanya ang lahat? “ tanong niya saakin na kinatahimik ko.
“Hindi naman sa nakikialam ako pare, pero wag mo nang patagalin bago niya malaman ang katotohanan, alalahanin mo umaayon na sayo ngayon ang panahon! Dahil siya na mismo ang lumapit pa sayo! Hindi mo na kailangan na hanapin siya! Isa pa wala ka naman kasalanan dude! “ dagdag pa niya. Sabay tapik sa aking balikat.
“Tsk! Mas mahirap pa sayo ang pinag dadaanan mo kaysa kay Jade! “ pailing iling niyang sagot sa akin, yeah, lahat kami may problemang hinaharap. Si Grey lang ang wala!
Dahil mukhang sinisingil na kami ng kalokohan namin noong kabataan pa kami! Buti pa yong hinayupak na to mukhang masaya!
“I will! But not now! “ sagot ko sa kanya siya naman ang paglabas ni Cassandra mula sa mini Kitchen,
“Well, anyway I have to go! Naghihintay na kasi si Scarlet saakin, baka maging dragon na naman yon mahirap na! “ pag iiba niya sa usapan pina rinig pa niya kay Cassandra ang sinabi saakin.
“Cassy, don’t forget hah! Scarlet call you! “ sabi pa niya kay Cassandra at tumango naman ang isa.
“Bye bro! “ tapik niya saakin balikat at lumabas na nga siya.
Wala nang tao sa loob nang office ko kundi dalawa nalang kami, tiningnan ko pa siya pero parang nahihiya.
“Do you want to take a rest! I have a bed there!” Turo ko sa isang pintuan, nagpagawa din kasi ako ng kwarto dito, dahil minsan natutulog ako sa sarili kong kumpanya kapag marami na akong ginagawa at tinatamad na akong umuwi sa aking condo unit.
“Hindi naman ako pumunta dito para matulog lang! Bakit ba kasi ayaw mo akong pauwiin! “ sagot niya sa akin at nakasimangot na.
Sinabi ko na kasi kay lola na mamayang gabi ko nalang siya ihahatid sa kanila.
“Look I’m busy walang maghahatid sayo. “ sagot ko sa kanya. Dahil ayaw ko siyang umuwi.
“May pera naman ako s- I mean, Marco kaya pwede na ako umuwi magtaxi nalang ako! “ sagot niya saakin na kinangiti ko.
Ang sarap pala ng feeling kapag siya ang tumawag sa pangalan ko.
“tell me again please, “ sabi ko sa kanya at lumapit pa ako.
“Ang alin? “ takang tanong niya saakin. At medyo napa atras pa!
“Call my name again sweetie. “ paos kong sagot sa kanya at napansin kong napalunok siya.
“Hah! Sagot saakin na mukhang nataranta at naguguluhan! Kaya hinawakan ko ang mukha niya.
“A-no n-naman ba ang ginagawa mo? “ tanong niya sa akin at nauutal. Kaya ngumisi ako sa kanya at pinaka titigan ang maamo niyang mukha.
“Just call my name sweetie. Please! ” nagmamakaawa ko pa sa kanya. Aaminin ko hindi ko ito gawain dati. Never in my life. Dito ko lang naranasan sa kaharap ko ngayon.
“M-Marco! “ naiutal pa rin nitong sagot sa akin
Pero umiling ako,
“Yung katulad kanina. “ utos ko pa pero nakasimangot na.
“Ang arte mo hah! “ sagot saakin na kinangiti ko!
“Yeah! I admit that! “ pag amin ko naman sa kanya pero napangiti siya kaya natulala pa ako!
“Alam mo minsan parang kilala kita nagkita naba tayo Marco? “ tanong niya saakin na kina seryoso ko sa mukha.
“Ngayon ko ba sasabihin sayo? “ kausap ko sa aking sarili.
“O' hindi pa ang oras? “ kausap ko pa rin sa hangin pero naka titig ako sa kanyang mukha!
“ Marco! Hoy! “ narinig ko pang maktol niya sa akin at nagbalik sa aking diwa.
“Ok kalang ba? Mukhang lutang kana! “ tanong niya sa akin! Hindi naman ako na offend sa mga sinasabi saakin, bagkus ay masaya pa ako. Dapat lang na masanay siya sa akin.
“Cassandra. Wala ka ba talagang naaalala noong kabataan mo? “ tanong ko sa kanya na kina kunot ng noo niya.
“Wala naman, bakit? “ takang tanong saakin, kalaunan.
“Ah! Nothing. “ sagot ko naman pero nakita ko siyang napa kamot sa kanyang ulo.
“Pwede na ba tayong umuwi? “ pag uulit niya pero nakatayo parin kami at nakahawak na ako sa baywang niya ang lagay ngayon parang magkayakap na kami.
“Not now sweetie Pupunta pa tayo mamaya sa bahay! Andoon na sila lola. “ sagot ko sa kanya.
“Bahay, anong bahay? “ tanong sa akin. Mukhang nagtataka!
“Bahay nila Daddy! “ Sagot ko na kinasinghap pa niya!
“Hah! B-Bakit tayo pupunta doon? “ nauutal na naman niyang sagot.
“Dahil gusto ka nilang makilala. “ sagot ko sa kanya na kinatigil niya,
“A-Anong ibig mong sabihin? “ tanong sa akin at medyo namutla pa siya.
“They want to know the girl who I want to marry. “ sagot ko sa kanya na pinaseryoso ko ang aking mukha, at hindi nakaligtas sa akin ang pagka gulat nito!
Pero bago pa siya maka sagot hinalikan ko na! Dahil kanina pa ako nagtitimpi!
“I miss you badly sweetie Thank you for coming to my life again…. “ sa isip-isip ko.