CASSY POV
“Hoy! Tahimik mo diyan! Naku day! Wag mo nang intindihin ang babae! Ganun talaga si sir! “ natigil ako sa pag muni-muni nang kalambitin ako ni ate Mers sa tagiliran ko!
“Ano kaba ate! Hindi naman siya ang iniisip ko noh! “ pagtatangi ko sa kanya.
Isang linggo na kasi ang nakaraan magmula nang lumabas ako sa hospital, at yun nga nakwento ko din kay ate Mercy ang totoong nangyari noon dahil hindi nga ako tinigilan hanggat hindi ako nagsabi ng totoo sa kanya.
“Sus indinial kapa day! Buti na lang maganda ka! “ bungisngis pa niyang sagot sa akin kaya sinimangutan ko! Sa totoo lang nasanay na din ako sa kanya. Dahil ganun din siya naman saakin.
“Alam mo ate! Daldal mo talaga! “ sagot ko sa kanya kaya natawa siya!
“Aba dapat lang Sandra dahil hindi bagay ang tahimik dito sa bahay! Naku mababaliw ako neto! “ sagot niya sa akin at sabay pa kendingkending pa! Napagaling na ako sa inaasta ni ate Mers.
“Siya nga pala, sabi pala ni Donya Isabel punta daw tayo sa kumpanya ni sir Marco ayeeh! “ kilig pa niyang bulalas saakin. Akala mo teenager kung umasta!
“Naku ate Mers ! Ang tanda mong lumandi hah! “ biro ko sa kanya at ikinahalakhak pa niya.
“Alam mo ngayon lang ako nakaramdam ng sinasabi nilang kilig Sandra! “ pagsakay niya saakin kaya natawa ako sa asta niya.
Si ate Mercy ay bata pa naman nasa 40’s siya walang anak at asawa, pero pamangkin naku marami daw! According to her!
“Bakit kasi hindi ka nag asawa ate? “ pagsasakay ko sa biro niya, mas maganda na eto kaysa ako na naman ang bubuskahin niya!
“Naku day! Sa ganda kong to! Walang pumasa sa standard ko! “ natatawa niyang sagot saakin kaya humarap ako sa kanya! At pinaka titigan. Totoo naman ang sabi n’ya dahil maganda naman si ate Mers.
“Aba hah! Wag mo akong tingnan ng ganyan Sandra! “ dagdag pa niya sakin kaya natawa na ako sa sinabi niya.
“Wala naman akong sinabi ate hah! “ sagot ko sa kanya, sa totoo lang may itsura naman talaga siya kaso madaldal lang!
“Halika na nga! Pasok kana sa loob yung kare-kare daw ni sir, yun daw ang iluto mo para sa pananghalian niya at tayo daw ang magdadala! “ Paalala pa sa akin.
“Na naman? “ maktol ko! Sa isang linggo kasi puro nalang kare-kare ang pinapa baon ni lola sa kanyang apo, ako na tuloy ang nagsasawa!
“Ay naku! Yun daw ang request nang apo yaan mo na! Nauubos naman diba? “ sagot pa sa akin ni ate Mers na iba ang ngiti.
Oo nga nauubos, aba malay ko kung tinatapon niya, hindi ko naman nakikita kung kumakain siya o tinatapon ang binabaon sa kanya!
“Bakit pala ako kasama ate? “ sagot ko sa kanya dahil sila lang naman ni lola ang pumupunta doon!
“Kasi ano. Wala si Lola kaya tayo daw ang pupunta doon! “ sagot naman sakin ni ate Mers na para bang nataranta pa!
Wala nga si lola kasi pumunta na naman sa bahay ampunan, gusto ko nga sumama pero bawal pa daw akong mapagud.
Ok naman na ako eh! Sila din ang nagsabi na wala naman akong sakit! Pero dahil nahihiya ako kay lola, sumunod nalang ako sa gusto niya yun ngalang, ang pakiusap niya saakin magluto ako nang baon nang apo niya!
“Mayaman naman bakit hindi na lang bumili! “ kausap ko pa sa sarili ko.
Kung sabagay nga naman! Maliit na bagay lang ‘tong gagawin ko. Buti sana kung pagkain ng aking mga amo, E’ pagkain naman ng apo nila! Tapos ang layo-layo pa sa office niya! Kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapa simangot!
“Naku! Wag kanang nakasimangot diyan! Halika na at ika’y magluluto na at ako naman ay maglinis na! “ pukaw sakin ni ate Mers kaya sumunod na ako sa kanya.
Nasa garden kasi ako nagdidilig ng mga halaman kanina, at sinundan lang naman ako ni ate Mers dahil lang sa kanyang sinabi sa akin na magluto daw ako ulit ng baon ni sir Marco.
“Sige ate halika na nga! Baka malunod ko pa ang mga halaman ni lolo! “ biro ko kay ate na natatawa na lang siya.
“Buti pa nga! Kasi kung marunong lang magsalita ang halaman kanina pa siya nagreklamo sayo! “ sakay niya sa biro ko kaya nagtatawanan kaming dalawa!
Naghiwalay na kami ni ate Mers nang rota! Sa kanya sa buong bahay except my room syempre dahil nililinisan ko na yun bago ako bumaba dahil nahihiya naman ako!
Nilabas ko na lahat ang kailangan ko para sa kare-kare na lutuin ko para sa apo ni lola! Nagtataka din ako doon, dahil nung araw na hinatid ako dito sa mansion nang abuelo niya, tahimik na lang siya nung sinabi niya, wala lang daw ang babae na nakita ko sa hospital!
Pagkababa namin noon hindi na din siya bumaba sa kotse niya at agad-agad din siyang umalis, at parang aborido pa, kaya nagkibit balikat nalang ako! Isa pa wala naman akong pakialam doon sa babae.
Pero nung kinabukasan yun. Tumawag siya kina lola Isabel na kung pwede daw akong magluto para sa lunch niya. Tinanong pa ako ng matanda kung ok lang daw saakin. Syempre naman oo ang sagot ko allangan na sabihin ko na hindi! May hiya din naman ako kina lola at lolo.
Aminin ko man sa sarili ko gusto ko noon sumama sa kanila pero nahihiya naman akong magsabi. Hinihintay ko nga na isama ako pero wala naman, nakaramdam pa ako noon ng lungkot. Hindi ko rin maintindihan minsan ang sarili ko!
“Haist! Magluto ka na Cassy dahil malapit na ang mag lunch! “ kausap ko sa sarili ko kaya binilisan ko na ang galaw!
Malapit nang maluto ang pinakuluang kong karne ng baka nang pumasok si ate Mers.
“Wow ang bango naman! Tirhan mo ako diyan day hah! “ sabi saakin na nangingiti!
“Naku ate! Meron kayo ni mang Gorio diyan dinamihan ko kasi! “ sagot ko naman sa kanya. Totoo kasi yon sa t’wing nagluluto ako para sa baon ni sir Marco dina damihan ko na para sa aming lahat.
“Naku salamat! “ sagot sa akin sabay yakap!
“Ang drama mo hah! Hindi ako sanay! “ biro ko sa kanya pero niyakap ko na din siya!
“Ano kaba minsan lang ako magdrama noh! Sakyan mo na! “ biro niya sakin kaya natawa na ako!
“Sandali lang ate at isalin ko na sa lunch box ang baon ni Sir. “ paalam ko pa sa kanya kaya kumawala na siya,
“O siya, damihan mo daw for two Sandra! “ sabi pa saakin, kaya nagtataka ako!
“For two ate? “ pag uulit ko sa tugon niya saakin.
“Oo sabi ni Donya Isabel day. “ tugon niya sakin kaya nagkibit balikat na ako! Siguro may kasabay siyang kakain. Sa isip-isip ko!
“Sige ate! Mauna ka nang maligo at susunod na din ako mamaya para ready na tayo! “ paalala ko pa sa kanya kasi mag aalas onse emedia na nang umaga (11:30am).
“Ok lang ba sayo ate na kakain na tayo pagbalik o gusto mo kakain muna tayo? “ dagdag ko pa sa kanya! Ngunit napakamot sa kanyang ulo.
“Naku ano. Kasi Eh! “ hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya sakin kaya naguguluhan ako sa inaasta niya! At pa kamot-kamot pa siya ng kanyang ulo.
“Gutom ka ba ate? “ tanong ko sa kanya at baka yun ang hindi niya matuloy tuloy na sasabihin. Baka nahihiya lang. Kung sabagay malayo-layo ang kumpanya ni sir Marco.
“Ang totoo kasi n’yan Sandra eh tumawag si lola na maiwan daw ako dito kasi may deliver daw, eh baka daw mamaya pupunta dito walang tao, kaya ikaw nalang daw ang pupunta, susunduin ka daw ng driver ni sir Marco. “ mahaba haba niyang litanya saakin na napakamot pa ulit nang ulo!
“Ganun ba ate! Kung ganun pala pupunta dito yung driver niya tapos susunduin ako? “ pag uulit ko sa kanya, at tumango naman.
“Bakit kailangan pa ako pumunta ate kung susunduin pala ako nang driver, pwede naman natin ibigay sa driver yung baon diba? “ dagdag ko pa! Pero tinitigan lang ako ni ate!
“Day! Ayaw mo magalit si sir diba? Alam mo naman sa istrikto yun tao, ikaw din baka mala dragon na naman siya bahala ka! “ panakot pa niya saakin, nakwento ko kasi sa kanya yung nangyari bago ako nawalan ng malay.
“Sabi ko nga ate ! Sige na ako na! Nakakahiya naman talaga sa amo natin.“ sagot ko sa kanya, pero tinapik ang balikat ko.
“Kaya mo yan! Mukhang talab na talab naman yang kagandahan mo kay sir Marco! “ natatawa pa niyang sagot saakin.
“Ate Mers naman eh! “ reklamo ko sa kanya akala ko pa naman seryoso na siya yun pala nagbibiro na naman! Buti nalang hindi ko nasabi sa kanya na hinalikan ako ng apo ng amo namin hays!
“Alla! Sige na at ikaw na magbihis baka mainip yun tatawagan ang lola! “ biro pa sa akin kaya wala na akong nagawa kundi umalis na nga sa harapan niya.
“Bilisan mo ha! “ sigaw pa sa akin kaya napailing nalang ako.
Naghihintay ako ngayon sa sala dalawa kami ni ate Mers, dahil nga wala si mang Gorio, kaya hinihintay namin ang driver ni sir Marco.
“O’ day! Andito na sundo mo! “ sigaw ni ate Mers sa akin dahil galing siya sa labas.
Kaya naman lumabas na din ako bitbit ang dala-dala kong pagkain ni sir!
“Pasensya na po ma’am nalate ako, may lakad kasi ang driver ni Mr. CEO! “ bati saamin nang medyo bata-bata pang lalaki, may itsura naman siya pero wala parin makakatalo sa apo nang amo namin!
“Ano bang sinasabi ko! “ kausap ko sa sarili ko dahil bakit lagi kong kinukumpara ang amo namin sa ibang tao!
“Naku sir! Wag niyo akong tawagin na ma’am hindi naman ako amo, katulong lang po ako! “ sagot ko sa kanya na kinabigla niya pa yata!
“Katulong? “ ulit niya na para bang kina bigla pa niya ang sinabi ko.
“Opo! “ magalang kong sagot!
“Oh bakit andito pa kayo? Lumakad na kayo dahil baka magalit na ang dragon! “ sigaw ni ate Mers sa amin kaya natawa kami sa asta niya!
‘Pasensya kana ate Mers! “ sagot sa kanya ng lalaki.
“Naku Eric mag ingat kayo sa byahe! “ sagot naman ni ate sa tinawag na Eric pero ngumiti naman siya.
Nasa byahe na kami ng panay sulyap niya sa akin sa mirror. Kaya nakaramdam ako ng awkwardness. Nagulat pa ako ng bigla siyang nagsalita!
“Matagal kana bang naninilbihan sa mga Mondragon Cassy ? “ tanong niya sa akin sabay sulyap sa mirror.
Nagpa kilala kasi siya kanina saakin, siya daw ang secretary ni sir Marco akala daw niya kanina girlfriend ako, kaya sinabi ko katulong lang ako, ayaw pa maniwala sa una pero kalaunan naniniwala naman.
“Ang totoo n’yan, mahigit isang buwan palang, Ikaw, matagal kana bang nagtatrabaho sa kumpanya nila? “Balik tanong ko sa kanya kasi mukha naman siyang mabait.
“Ah, oo! Si Daddy kasi ang naging sec din nang ama ni boss, kaya ako din ang pumalit! “ sagot naman sa akin sabay ngiti. Sinuklian ko naman siya ng ngiti dahil aminin ko nakakahawa ang ngiti niya. Mukhang masayahin siyang tao.
“Ah, ang galing naman. “ nahihiya kong sagot sa kanya at tumawa siya ng mahina.
“Wag kang mahihiya Cassy, alam mo ba na ang ganda mo! “ bulalas pa niya kaya bigla tuloy akong nasamid!
Ayan tuloy mas lalo akong na-awkward! Tapos ang tingin sa akin parang kakaiba. Bigla tuloy akong kinabahan.
“Hindi naman. “ tipid kong sagot sa kanya. Pero pinapa kalma ko ang aking sarili. Dahil kung kanina ok na ang pakiramdam ko, ngayon parang may nakatingin sa amin na iwan! E’ nasa loob lang naman kami ng sasakyan!
“Malayo paba tayo? “ tanong ko sa kanya para maiba ang usapan.
“Malapit na. Masyado kasing traffic dito alam mo na! “ sagot naman sa akin.
“Oo nga no! Wala nang nagbago sa Manila” sagot ko naman sa kanya, at tumawa lang siya.
“Cassy pwedeng magtanong? “ tanong niya sa akin pero nakita ko sa mata niya ang kaseryosohan.
“Ano yun? “ sagot ko naman sa kanya. Ngunit ang kaba ko andito parin! Dahil biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko malaman ang dahilan!
Pero bago niya ako sagutin tumunog ang kanyang cellphone.
“kring!! “
“Hello boss? “ sagot niyang narinig ko, kung hindi ako nagkakamali si sir Marco yun, kaya bigla akong kinabahan ng doble-doble! Pakiramdam ko nagkakasala ako sa kanya! Ano ang iniisip ko! Napailing pa ako!
“ bakit ba ako kinakabahan? “ kausap ko sa sarili ko,
“Ah, ok boss malapit na kami. ” Rinig kong sagot ni Eric sa kausap niya.
Binaba na niya ang phone niya at sumulyap lang sa akin at hindi na nagsalita! Kaya nagtaka pa ako!
Gusto ko man siya tanungin pero parang umurong din ang dila ko, kaya tumahimik nalang ako.
Tahimik ang byahe na namin umabot din kami nang 30minutes sa daan.
“Miss Cassy. Dito nalang kita ibaba dahil ipark ko pa ang kotse, magsabi ka nalang sa reception sabihin mo ang pangalan nang CEO alam na nila doon. “ bilin sa akin, nanibago ako sa kanya, bakit Miss Cassy ang tawag niya sa akin, at parang may lungkot sa boses niya. Pati ang kanyang mga mata parang ang tamlay na eh kanina lang masaya pa siya.
“Ah, ok Eric salamat! “ sagot ko nalang at kinuha ko na ang dala-dala kong lunch box ng mahal na hari!
Nalula pa ako sa sobrang taas ng building at ang gara sa labas, ngunit mas lalo akong namangha sa loob nito dahil nag rarangyaan mga chandelier lang naman ang nasa loob! At malaking puro salamin! Hindi na rin ako tumingin sa labas dahil dumeretso na ako sa reception.
“Wow!“ lumabas sa bibig ko, pero pumunta na ako sa reception, hindi din naman ako nahihiya dahil mukhang decent naman ang suot ko, isa kasi eto sa mga binili noon ni lola para sa akin.
“Excuse me miss! Saan dito ang office ni Mr CEO Marco Mondragon? “ magalang kong tanong sa receptionist! Tinignan pa ako pataas pababa sabay tingin sa dala ko, napakunot noo pa siya saakin.
“Pangalan! “ sagot sa akin na parang naiirita pa, kaya nagulat pa ako sa kanyang asta!
“Cassandra Alonzo! “ sagot ko sa kanya na bigla nagbago ang expression ng kanyang mukha.
“Naku kayo po pala ma’am! Sorry po! Kanina pa po kayo hinihintay ni Mr CEO! “ sagot niya sa akin na medyo nataranta pa! At napansin ko na tinitigan ako muna!
“Problema neto! “ kausap ko sa sarili ko! At biglang tumunog ang telepono sa desk niya.
“Hello! ‘Oh yes sir! Andito na po siya opo-opo papaakyatin ko na. “Taranta niyang sagot sa kausap niya,
“Ma’am hatid na po kita sa private elevator po!” magalang niyang paanyaya saakin.
Nakatingin sa akin lahat nang tao sa loob partikular sa mga kababaihan,
Pero binaliwala ko lang! Dahil kung makatingin sila sa akin kakaiba! Yong iba napa pataas pa ng kilay!
“Ano ba nangyayari sa kanila! “ takang tanong ko sa sarili ko at nagkibit balikat nalang ako!
Pagka hatid ako nang babae sa private elevator siya na din ang pumindot kung saan daw ako pupunta, sabi naman sa akin nag iisa lang daw ang room doon!
“Nag iisa lang po ang room doon ma’am yun na ang office ni Mr CEO! “ paalala sa akin nang babae.
“Thank you! “ pasasalamat ko sa kanya, kaya sinara ko na ang elevator!
Pagdating ko sa pinakamataas na floor dahil 80th floor lang naman ang taas!
“Ganun ba ka dami ang staff dito bakit ang taas? “ kausap ko pa sarili ko!
Lumabas na ako sa elevator at nakita ko pa si Eric doon, “ bakit andito na siya? “ kausap ko sa sarili ko,
“Eric nauna kana pala saakin? “ tanong ko sa kanya! Pero hindi niya ako sinasagot!
“Anong nangyari doon! “ takang tanong ko pero bumukas ang pinto sa harapan kung saan nakaupo si Eric!
Isang seryosong lalaki na nag-aapoy sa kanyang mga mata at sobrang galit! Na animoy isang lion na gutom na gutom at para bang gusto kang lapain!
“Get in! “ malakas nitong boses at tawag saakin! Na kinatindig ng aking pag tayo sa sobrang gulat! Aaminin ko sa aking sarili nakaramdam ako ng takot sa kanya.