Chapter 14

2906 Words
CASSY POV “Don’t cry sweetie. It hurts for me when I see you’re crying. “ Malamyos niyang boses saakin. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil sa lakas ng t***k ng puso ko! At pinunasan niya ang aking luha gamit ang kayang mga palad. Na mas lalong nagrambulan ang lakas ng t***k ng aking puso. Aaminin ko sa aking sarili, na bago ang mga pinakita niya saakin. Dahil kung tutuusin amo ko siya. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot. “Sorry. Hindi ko kasi mapigilan naalala ko ang ate ko, siya ang dahilan kung bakit ako ngayon andito sa Manila. “ pag amin ko sa kanya. Kahit medyo awkward sa akin na hindi ko siya tawagin ng sir. Pero mahirap na baka humalik na naman! Pakiramdam ko pulang-pula na ang aking mukha pagka-alala ko sa nangyari kanina. “Shhh, It’s ok we will find her soon! “ sagot niya sa akin na kinataka ko! “Bakit? Kilala mo ba ang ate ko? “ takang tanong ko sa kanya at kinuha ko na ng tissue sa side table ko. “Ahm! Yeah! Sinabi ni lola saakin. “ sagot niya kaya napatango ako, pero natatandaan ko wala naman akong sinabi tungkol sa kapatid ko. Maliban lang sa hinahanap ko. Ni hindi nga alam ni lola ang mukha pati pangalan. Pero baka nga nasabi ko. Ako lang siguro ang nakakalimot. “Ganun ba. “ yon nalang ang nasabi ko sa kanya. Medyo ok na ang pakiramdam ko. “Yeah, kaya wag kanang mag isip, magpahinga kana para makalabas kana bukas ok? “ malumanay ulit nitong sagot sa akin at kina antig nang puso kong inocente. May tinatago palang kabaitan itong apo ng mga amo ko. At hindi ko na mapigilan ang aking sarili na tanungin siya. “Bakit ba ang bait mo ngayon? “ tanong ko sa kanya, at napangiti pa siya sa tanong ko kaya naka pout ang labi ko. Ang totoo n’yan nawawala na din ang takot ko sa kanya. Pero ang t***k ng puso ko hindi pa rin mawala-wala! “Mabait naman talaga ako ah! “ naka ngiti niyang sagot saakin. At naka titig na naman ulit sa aking mukha! “Lord! Paki gising po ako mukhang Nanaginip pa ako! “ kausap ko sa dingding pero napahalakhak siya! “Silly! Your not dreaming do you want, I’ll give you to prove it? “ natatawa pa niyang bulalas saakin, kaya bigla akong natahimik kasi mukha naman hindi siya nagbibiro! “Matutulog na ako! “ instead na paalam ko sa kanya, kaya mas lalo siyang napahalakhak! At kina nganga ko naman! Ang sarap kasi sa aking pandinig ang kanyang tawa. “Goodnight then. “ sabi sa akin nang natapos na siyang tumawa! Kaya napailing na lang ako! “Anong nangyari sa kanya? “ tanong ko pa sa sarili ko, pero hindi na ako gumalaw, at nagsalita pa. Naramdaman ko naman na palayo na ang yabag niya at siguro pumunta na sa sofa bed. Kaya naman ako pinikit ko na ang aking mga mata. Dahil bukas sa awa ng diyos! Makaka labas na ako dito sa hospital. “Lord salamat hah, dahil binigay mo sa akin si Lola Isabel, thank you talaga! Saka pati rin po sa bantay ko ngayon.“ hindi ko mapigilan ang mapa bungisngis parang totoo yata ang sinabi ni Scarlet na marupok nga ako! Ngunit hindi ko talaga mapigilan ang hindi mapangiti dahil kasama ko ang lalaking hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong pakay saakin. At tuluyan na nga akong nakatulog. Kinabukasan nagising na lang ako sa ingay ng mga tao sa loob nang aking kwarto. “Good morning Cassy! Naku Donya Isabel gising na po si Cassy! “ malakas na boses ni ate Mercy sa loob ng kwarto. At sa lakas ng boses niya pati ang mga nurse nagulantang! “Naku Mercy yang boses mo! Para naman microphone sa lakas! “Reklamo ni lola Isabel sa kanya. Pero natawa lang naman ang isa. “Ay! Hihi pasensya na Donya Isabel natutuwa lang ako at gising na si Cassy! “ sagot naman ni ate Mercy kay lola, iginala ko pa ang paningin ko at tiningnan ang paligid, pagtingin ko sa sofa bed wala na ang gustong kong makita. Kaya kinastigo ko ang aking sarili. Dahil bakit ko naman hinahanap? “Sus! Si sir Marco ba ang hinahanap mo? “ sagot ni ate Mercy saakin at nakangiti pa! Mukhang nabasa yata ang isip ko. “Po! Hindi hah! “ pagsisinungaling ko. Mukhang naka halata ang matanda saakin. Medyo matanda na kasi si ate Mercy nasa 40’s na siya. Kaya lang matandang dalaga. “Sus. Halata bhe, oh! Yung mukha biglang nalungkot! Naku nahulog naba ang inocente mong puso sa karisma ni Sir Marco? “ Medyo may himig siyang kinikilig sa sinabi niya. Napa yuko ako kahit ako’y nakahiga. “Kung ano-ano ang pinagsasabi mo dyan Mercy ka! “ Saway ni lola sa kanya at tahimik si ate Mercy pero napapangiti kapag sa akin nakatingin. “Oh hija kamusta na ang pakiramdam mo? “ tanong sa akin ni lola Isabel. “Ok na ako lola salamat po. Makaka uwi na ako diba po? “ sagot ko sa kanya na para akong isang batang paslit. “Oo hija, sabi ng doctor makaka uwi kana daw “ sagot saakin kaya natuwa naman ako. “Eh lola. Yung labtest ko daw po kamusta daw wala akong sakit diba? “ tanong ko sa kanya. “Ah yun! Ok na hija si Marco na ang kumuha sa result mo, wala naman daw problema sabi ng doctor. “ sagot niya sakin kaya nakahinga naman ano nang maluwag. “Pero sabi nang doctor wag ka daw nagpupuyat, isa pa wag daw magtrabaho ng mabibigat saka ang payat-payat mo kumain ka ng marami hah, Mercy lutuan mo siya ng masustansya pag uwi natin! “ sabi pa saakin sabay bilin kay ate Mercy kaya naman mas lalo akong nahiya. “Yes Donya walang problema to me! “ masiglang sagot naman ni ate Mercy kay lola Isabel. Si ate Mercy ay masayahin na tao, walang problema sa kanya na hindi nalulutas agad. Sa isang buwan ko kina lola Isabel, unti-unti ko din nakilala ang kanyang pagkatao, masasabi kong mabait talaga sila, at si ate Mercy naman masayahin talaga siya! Lalo na daw si ate Ludreng kaso hanggang ngayon wala pa siya. “Oh siya sige. Saan naba si Gorio at tayo’y makauwi na! Hija ok kanaba talaga kasi uuwi na tayo? “ May himig si lola na pag-aalala. Kaya mas lalo naantig ang aking puso. “Opo lola! Ok na po ako! Wag ka nang mag-alala po saakin. “ natatawa kong sagot sa kanya. Kasi naman ang mukha niya. Parang hindi kumbinsido. “”Sigurado ka hija, sabihin mo sa akin kapag may masakit sayo, wag kang mahihiya hah! “ Malamyos niyang boses saakin. Para ko siyang totoong lola kung umasta. Kaya tumango ako bilang sagot dahil pakiramdam ko naiiyak ako sa ipinakita ng matanda saakin. “Alam mo Cassy hindi na ako magtataka dito kay Donya Isabel kung bakit ang bait sayo, kasi alam mo sayo lang din naging mabait ang apo niya! Alam mo ba na si sir Marco? Istrikto yun! “ bulong sa akin sa last na part na kanyang sinabi, kung sabagay napatunayan ko na yan, dahil yun ang dahilan kung nandito ako ngayon sa hospital. “Alam ko yun ate Mercy. “ sagot ko sa kanya. Sabay ngiti ko! Kaya napa smile pa siya na hindi ko naman malaman ang dahilan. Dahil yong ngiti niya kakaiba sabay kurot sa tagiliran ko pero hindi naman masakit, yon lang napaigtad ako dahil may kiliti ako dito. “Sus! Ilan taon kana ulit Sandra? “ tanong sa akin, minsan talaga tinatawag akong Sandra mas maganda daw kaya hinayaan ko na lang siya total gusto ko naman ang tawag saakin. “Ate Mercy, ilang beses ko na din sinabi sayo 22 nga po! “ sagot ko sa kanya dahil halos araw-araw naman tinatanong sa akin kung ilang taon na ako. Ito talaga si ate Mercy ang kulit! “22,23,24,25,26,27,28,29! 7 years ang agwat niyo ni Sir Marco! Kung sabagay sabi nila mas maganda daw yung ahead ka sa lalaki day! “ sabi saakin na may pagka bisaya siya! “Ate Mercy, ano ang pinagsasabi mo diyan! “ maktol ko sa kanya habang naghahanda kami sa aking mga gamit, si lola naman nakikinig lang sa amin, na hindi man lang umawat. “Diba Donya Isabel, bagay naman sila ni Sir Marco kung sakali! “ bulalas pa niya na kinaubo ko! “Ate Mers! “ Saway ko sa kanya kasi hindi man lang nahiya. Talagang sinabi kay lola! Gusto ko tuloy lumubog na lang kung saan ako nakatayo ngayon. “Oo naman Mercy! Mukhang si Cassy lang ata ang magpa-patino sa apo kong yun! “ pagsakay naman ni lola sa kalokohan ni ate Mercy! Kaya mas lalo akong namula aa mga pinagsasabi nila saakin. “Sus kilig ka no! Tignan mo boto sayo si Donya ang haba ng hair mo day! “ tili pa niya sa akin na kilig na kilig na akala mo teenager! “Ewan ko sayo ate! “ sagot ko nalang dahil kahit ganyan siya napa lapit na din ang loob ko sa kanya. “Ok na ba lahat? “ Maya-maya tanong ni lola saamin. “Ok na po lahat lola. “ sagot ko dahil tinulungan ko na si ate Mercy na nagliligpit sa mga gamit. Kunti lang naman dahil isang gabi lang naman ako dito. “Ready? “ tanong nang kapa pasok lang sa kwarto! At nagulat pa ako bakit andito siya akala ko ba umalis na? “Naku sir! Kanina pang ready! Hinahanap nga kayo ni Sandra eh! “ Pangbubusko sakin ni ate Mercy kaya pinalo ko sa siya pero mahina naman. Sabi ko nga para ko na siyang ate. “Ate Mers naman eh! “ maktol ko sa kanya pero natawa lang siya! “Mapanakit kana hah! Porket ba nandito ang prince charming uuuyyy! “ biro pa saakin. At pina nginig pa ang katawan na akala mo kinikilig! “Really? “ sagot ni sir Marco kay ate Mercy na nakangisi siya! Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko sinamaan ko siya ng tingin. Pero napa smirk lang ang hinayupak kong boss! “Naku sir! Oo! Kanina nga pag gising niya ginala pa ang mukha niya eh! Tapos nalungkot nung hindi kayo nakita! “ pangbubusko ulit ni ate Mercy saakin, kaya gusto ko na lang lamunin ng lupa sa kinatatayuan ko ngayon! “Pahamak ka talaga ate Mercy! “ gigil kong bulong sa hangin! “Tama na yan! Halika na kayo! “ Saway ni lola sa amin, partikular kay ate Mercy at hinila na siya ni lola! “Halika na! Ikaw talaga yung bunganga minsan maganda din ang kalabasan kaso masyado kang Madaldal ! “ sermon sa kanya ni lola at tuluyan na nga silang lumabas sa kwarto at iniwan na ako! “Marco apo sumunod na kayo hah! “ pahabol pa niya kay sir Marco. “Yes lola! “ masaya naman na sagot ni Sir Marco kay lola Isabel. “Shall we? “ sabay abot ang braso niya sa akin, nahihiya naman ako na tanggapin pero wala na akong nagawa dahil kinuha na niya ang kamay ko. Para akong nakuryente ng magdikit ang mga katawan namin sa isa’t-isa. Ngunit wala na akong nagawa dahil sa higpit ng hawak niya sa aking kamay. Ang labas ngayon, naka holding hands kami. May ganun ba! Napa iling nalang ako. “Eh,s-sir y-yong kamay ko po! “ nauutal kong tanong sa kanya dahil kaya ko naman maglakad. “As I remember last night,sinabi ko sayo na wag mo akong tawagin na sir hindi ba at po? “ sagot niya sa akin na seryoso na naman ang mukha. Eto na nga sinasabi ko eh! Seryoso na naman siya! Hay naku! Kaya sinagot ko na din! “Eh ano pa ba dapat itawag ko sa inyo? “ tanong ko sa kanya habang naglalakad kami, hindi rin maiwasan na mapa sulyap ang mga tao sa amin partikular ang mga kababaihan! “It’s up to you! Call me whatever you want! But drop that “sir” and “po”! “ sagot sa akin at napaka seryoso ang mukha! “Mukhang bata pa ang babae noh? “ narinig kong bulungan sa loob ng hospital na malalagpasan namin nang kasama ko! “Pero infairness hah! Bagay naman sila! “ bulalas din nang isa, pero itong kasama ko sa baywang ko na siya napahawak, napaigtad pa ako sa gulat! Kaya tumingala pa ako sa kanya na may nagtatanong sa aking mukha, pero seryoso naman siyang lumakad. “Omg! Omg!!! Ang sweet talaga ni Sir Marco, sana ako nalang si Girl…. “ kilig na kilig naman ang isa, duda ako siguro naririnig eto nang kasama ko! Sa lakas ng mga boses nila! Ang labas ngayon nasa amin na ang atensyon ng lahat! “Sabi ko sa inyo may relasyon sila! Tingnan niyo kung maka dikit sila! Daig pa nila ang DONGYATICS oh! “ sagot nang nurse na nag alaga saakin. “Alam niyo ba! Kami ang nag alaga sa girlfriend ni Mr Mondragon! Naku girl laglag pantie mo talaga sa pag-aalaga niya sa girlfriend niya! “ bulalas pa ng isa pang nurse! Gusto ko man itama ang sinasabi nila pero wala na akong nagawa! Dahil ang kasama ko parang gustong-gusto ang narinig niya, hanggang may isang babae na lumapit sa amin na hindi ko namamalayan! At napatigil pa kami sa paghakbang ni sir Marco. “So, It’s true! May babae ka nga! “ sigaw niya sa amin partikular saakin! Kaya nakakunot noo ako! “Hoy ikaw!! “ sigaw niya sa akin sabay turo! “Mang aagaw! “ sasampalin na sana ako ng pinigilan siya ni sir Marco! At hinawakan nito ang kamay ng babae na nasa ere! “And who do you think you are?! “ sigaw sa kanya ni sir Marco na nagpa singhap sa lahat nang mga tao at mas lalong nakakuha na nga kami nang atensyon! Dahil tinulak niya ang babae kaya napa upo sa floor na kina gulat ko! Pero hindi naman inalis ni Sir Marco ang hawak sa bewang ko. “How dare you Marco! “ sigaw nang babae na nag aapoy ng galit sa mukha! “I don’t want to see your face anymore! You know who I’am! And once of all! Wag na wag mong susubukan na saktan ang babaeng kasama ko ngayon! Understand? “ nagtatagis ng sobrang galit ni sir Marco sa babae, mukhang takot naman ang babae sa kanya dahil kahit nakaupo siya sa floor tumabi siya dahil doon kami dadaan sa harap niya. At tuluyan na kaming lumabas sa hospital ni sir Marco, wala na rin akong magawa kundi sumunod sa kanya. Kahit nakaramdam ako ng takot. “I’m sorry sweetie. “ bulong niya saakin na kina igtad ko na naman! Hindi ko na siya sinagot dahil napapansin ko kagabi pa yong endearment niya saakin. “O’ Bakit ang tagal niyong dalawa? “ tanong saamin ni lola pag karating namin sa parking lot!” pupunta sana ako sa tabi ni lola pero pinagbuksan ako nang pinto ni Sir Marco sa harap, kaya humingi ako ng pasensya kay lola sa paraan ng senyas, at mukha naman naiintindihan ako, dahil hindi sumasagot si Marco sa tanong ni lola sa kanya. Bastos talaga itong apo niya! “Pasensya na po lola, may dinaanan kasi kami, “ pagsisinungaling ko, allangan naman na sabihin ko may sinaktan ang apo niya doon. Bigla na naman akong natakot, nanakit pala siya nang babae. Pero pag sulyap ko sa kanya seryoso siya sa pagmamaneho. Pati si ate Mercy natahimik din eh kanina lang ang ingay- ingay! Pati si lola hindi na nagtanong! Kaya ang buong byahe tahimik lang walang bumasag kasi sa katahimikan eh! Pero biglang tumunog ang cellphone niya! Kaya nagulat pa ako dahil sa sobrang tahimik kanina sa loob ng sasakyan. “Kring!!! “ malakas na tunog ng kanyang phone. “Yes hello! “ rinig kong sagot niya pero hindi ko naririnig ang kausap niya dahil naka headphone siya! “Yeah go on! Nakikinig ako! “ sagot niya sabay sulyap sakin kaya tinuon ko na sa labas ng bintana ang atensyon ko. “Really? Ok wag niyo hahayaan na maka alis siya, bantayan niyo mabuti maliwanag? “ utos niya sa kausap niya na mukhang seryoso. Pero hinayaan ko lang, ang iniisip ko ngayon yung babae kanina, ang sama kasi ng tingin sa akin. “Sino kaya yun? “ bulong ko sa sarili ko. “She’s nothing! Don’t mind her! “ saad niya saakin na para bang narinig niya ang binulong ko, kahit mahina naman, kaya humarap ako sa kanya. “If you want to ask me, then ask! No need to talk yourself! “ sagot niya hindi rin nakaligtas ang pag singhap ni ate Mercy mula sa likud namin. “Sabi ko sayo Donya Isabel eh! May LQ ang dalawa! “ rinig kong bulong niya na abot naman ang pandinig ko, panigurado ako na narinig din ang katabi ko. “Tumahimik ka nga Mercy! “ Saway naman ni lola sa kay ate Mercy. “Ok Donya Isabel sabi ko nga! Pahamak talaga tong bibig ko minsan! “ sagot naman ni Ate Mercy kay lola. “She’s nothing ok! She’s nothing! “ paulit-ulit niyang sinasabi saakin. Na hindi ko naman maintindihan kung bakit niya sinabi sa akin ang bagay na yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD