Chapter 13

2395 Words
CASSY POV “OPS! Sorry bro! Maglock kayo kasi ng pintuan! “ sabi nang pumasok na lalaki kung hindi ako nagkakamali siya yung naka sabayan ko sa elevator, at may kasama siyang babae na mukhang mataray! “Tsk! Bakit kaba nandito? “ sagot sa kanya ni sir Marco sabay tingin sa babaeng kasama niya, pero ang babae tumaas ang kilay nito. Samantalang ako nahihiya sa nangyari kanina. “Hi! “ bati sa akin ng magandang babae! Kaya nginitian ko naman na medyo nahihiya pa ako. “H-Hello! “ sagot ko sa kanya, at napayuko ako dahil alam ko nakita niya ang nangyari. “Sus wag kanang mahiya girl! Ganyan talaga ang mga yan! Nanunuklaw kahit saan! “ sagot sa akin na medyo natatawa pa siya! Pero mas lalo akong nahiya dahil sa sinabi niya sa akin. “Scarlet ! “ puna sa kanya nang kasama niyang lalaki, pero tinaasan lang siya nang kilay! Mukhang palaban ang babae dahil hindi man lang natakot sa kasama niyang lalaki. Pero sa nangyari kanina aminin ko man sa sarili ko nahihiya talaga ako, kaya sinamaan ko nang tingin si Sir Marco! Pero ngumisi lang ang hinayupak! “Bakit pala kayo andito? “ basag ni sir Marco sa katahimikan. “By the way, ako nga pala si Scarlet Fiance nang gagong to! “ pakilala ni Scarlet sa akin, at pabulong pa nito sa last na words. Kaya napa bungisngis kaming dalawa na ikinataka pa nang dalawang ugok na kasama namin sa room. Akala ko suplada siya pero hindi naman pala dahil mukhang magkakasundo kami! “Cassandra. “ sabay abot ko sa kamay niya, kaya nag kamayan kami. “Wow! What a nice name! “ bulalas pa saakin kaya napangiti ako, “Ikaw nga dyan eh, ganda nang pangalan mo, siguro mayaman ka! “ sagot ko sa kanya na wala nang preno ang bibig ko! Kita naman kasi sa itsura niya may sinasabi sa buhay! Dahil sa mala-model nitong awra! “Hindi naman, ‘tong kasama ko ang mayaman kaya nga hinuthutan ko ang pera niya para naman mabawasan! “ sagot sa akin na napa bungisngis pa siya! Pero ang lalaking kasama niya pailing iling lang! Dahil narinig niya ang sinasabi ng fiance daw niya. “Ikaw? Taga saan ka pala Cassandra? “ tanong niya sa akin, feeling close na tuloy kami. “Ah, taga probinsya ko Ma’am Scarlet malayo dito sa Manila. “ sagot ko sa kanya. “Tsk! Drop that ma’am noh! Hindi ako matanda saka magka edad naman tayo kung hindi ako nagkakamali, ilan taon kana pala? “Tanong niya sa akin. “22 ma‘am. “ nahihiya kong sagot sa kanya. Pansin ko pinapanood kami ng dalawang lalaki na kasama namin dito sa loob. “Ano kaba drop that ma’am na nga diba! “ pagsusuplada niya, kaya natawa ko, “Sorry. “Paumanhin ko sa kanya. “Anyway I’am 23 sabi ko sayo eh hindi tayo nagkaka layo sa edad! Pero alam mo tong mga to! “ turo niya sa mga lalaki na kasama namin! Sabay simangot. ‘Matanda na mga to kaya mag ingat ka hah! “ paalala niya sa akin, “Babe! Hindi pa nga ako matanda! You know that! At napatunayan ko na yan sayo gusto mo gawin ko na naman? “ sagot sa kanya nang fiance niya, kaya hindi nakaligtas sa akin na namula ang mukha ni Scarlet, “Sis? Yang mukha mo namumula ka na! Mainit ba? “ inocente kong tanong sa kanya pero simaan ako nang tingin sabay bulong, “Pwede ba wag kanang maingay dahil kapag tayo naisahan nang mga ugok na to kawawa tayo! “ bulong niya saakin kaya naman natawa ako kahit medyo naguguluhan ako. “Hoy tanda! Tumigil ka diyan! “ sagot ni Scarlet sa fiance niya, samantalang si sir Marco napa halakhak na lang bigla! Kaya ako natulala pa sa inakto niya! Naka bukaka pa ang aking bibig na sinara ni Scarlet! “Laway mo girl, tumulo na! Tsk! Marupok ka din no? “ bulalas niya sa akin na kinailing niya. ‘Haist hindi na ako magtataka kung may iiyak na naman sa susunod na kabanata! “ bulalas pa niya saakin. “Anong ibig mong sabihin? “Takang tanong ko sa kanya. “Scarlet stop! Andito tayo para bisitahin siya, “ seryosong sambit nang fiance niya, “Whatever! “ pataas kilay niyang sagot sa kasama niyang lalaki. “Anyway kumain naba kayo? “ tanong ni Sir Marco sa kanila! Mukhang iniba ang topic. “Tapos na kanina pa, iba ngalang na pagkain! “ si Scarlet ang sumagot kay Marco, Pero natawa si Sir Marco sa sagot ni Scarlet pero hindi ko naman naiintindihan ang pinag uusapan nila, samantalang ang isa napailing nalang. “Siguro pare, iuwi ko na to! Baka mahawa pa si Cassandra sa kabaliwan ng fiance ko! ” sabi ng lalaki. “By the way Cassandra, I’m Grey nice to meet you!” sabi sa akin pero nagsaludo lang siya kaya nginitian ko naman, Pero napa ismid ang babae. “See you when I see you again Cassandra. ``Sabat naman ni Scarlet! “Nice to meet you Scarlet! “ sagot ko naman na at ngitian siya. “Me too! Bye then! Itong si tanda inaantok na yata! “Kaaga-aga pa! “ reklamo pa niya! “Tanda pala hah! Sige tignan natin mamaya kung sino ang tanda saatin. “ sagot ng lalaki na kina tahimik ni Scarlet! “Ay mali pala! Uuwi na pala ako mag isa wag mo na kaya akong hinatid! “.bulalas pa niya na narinig ko habang sila palabas sa kwarto! Kaya natutuwa ako sa mga pinag babangayan nilang dalawa! Para silang aso at pusa ngunit nakikita ko sa kanilang mga mata na mahal nila ang isa’t-isa. Pero infairness hah, bagay sila, kasi gwapo naman ang kasama niya hindi ng nakakalayo kay sir Marco eh, pero para sa akin mas gwapo tong kasama ko. At napasulyap pa ako sa gawi niya. “Ano ang pinagsasabi ko! Ano daw gwapo? “ kausap ko sa sarili ko na kina kunot pa nang noo ko, pero nagulat nalang ako nan may tumapik saakin. “Hey! Are you ok? “ tanong niya sa akin, “Ah, eh, ahm! O-Ok lang ako. “ sagot ko sa kanya hindi ko na siya tinawag nang “sir” or di kaya naman “po” at baka matukhang na naman ako! “First kiss ko yun hah! “ bulalas ko pa! Pero pag tingala ko sa kanya nakatitig na naman saakin sabay lunok niya. “B-Bakit? “ nauutal kong sagot sa kanya dahil hindi pa ako naka move on sa ginawa niya kanina, “Nothing. Magpahinga ka para may lakas ka na bukas, “ sagot niya sa akin. Mukhang unlimited ang kabaitan ng apo ng boss ko ngayon. “Ok lang ako. Iligpit ko lang mga to! “ sagot ko naman sa kanya at tumayo na sana ako at iligpit ang pinagkainan namin ng pinigilan ako. “It’s ok. I will do it! Just rest, “ malumanay niyang sagot sa akin kaya nabigla pa ako! Siya? Magligpit? Kung sabagay nga naman wala naman mahuhugasan. At humarap pa talaga ako sa kanya! Ngunit katulad ng dati titig na titig siya sa mukha ko. “I-Ikaw ang bahala! “ sagot ko na medyo naiilang ako, at wala na akong nagawa nung kinuha na niya ang pinagkainan namin. Humiga nalang ako sa kama ko, dahil wala naman akong ibang gagawin kundi mahiga. Nakiki ramdam nalang ako kung ano ang gagawin niya o magsasalita ba siya or matutulog na. Narinig ko pang nagbukas ang banyo, at siguro pumasok doon, kaya tumatagilid ako nang higa, bale nakaharap ako ngayon kung saan siya matutulog mamaya. “Bakit ang bait mo ngayon? “ kausap ko sa sarili ko. Sa ilang oras lang ang magkasama kami parang kilala ko siya, pero hindi ko man maalala. “May nawala ba sa alaala ko? “Kausap ko ulit sa sarili ko! Maliban kasi sa nangyaring trahedya noon saakin, may mga alaala na hindi ko matandaan meron naman kunti, kaso yung iba dumadaan nalang sa panaginip ko. Pero matagal tagal na din na hindi ko yun naalaa, ngayon lang na naman, magmula nang nagpunta kami ni Lola sa Bahay ampunan. Nagbalik lang ako sa realidad ng narinig kong nabukas nag pintuan kaya naman nagkunwari akong tulog. Narinig ko pang papalapit ang yabag niya saakin pero hindi ako gumalaw. “Good night Cassandra. “ rinig kong bulalas niya saakin, parang ang gaan sa pakiramdam ko ang pagbigkas niya sa pangalan ko. Para bang kilala niya ako, o kilala ko siya? “Pero saan ko nga ba siya nakita? “ kausap ko sa hangin. Pilit ko man alalahanin kaso sumasakit lang ang aking ulo. Kaya hinayaan ko nalang. Naramdaman ko lang may kumot na dumantay sa akin, at hinagkan ang aking noo. Naramdaman ko ang init nang kanyang hininga sa aking mukha. Dahilan upang nakaramdam ako ng kuryente sa paglapat ng bibig niya saaking noo. Ngunit hinintay ko siyang umalis pero parang hindi naman siya gumagalaw, “Anong ginagawa niya sa harapan ko? “Kausap ko pa hangin. “Ayts! “ narinig ko ang lalim ng hininga niya! Parang aborido siya. ‘Na amoy ko pa ang mabango niyang hininga. Gusto ko man lumunok pero ayaw ko, at baka malaman niyang nagkukunwari lang akong tulog, pero biglang tumunog ang kanyang cellphone, at tumayo na siya. “Kring…..! “ “Yes hello! “ rinig ko sagot niya sa kausap niya. “Did you find her? “ tanong niya sa kausap niya. “Sino kaya kausap niya? “ kausap ko sa sarili ko pero nakikinig ako sa usapan nila, pero bigla siyang tumahimik. “Hold on! “ sabi niya at lumabas na siya sa kwarto, kaya nakahinga ako nang maluwag. “Haisst salamat! “ bulalas ko pa at tumagilid na akong paharap! “Sino kaya kausap niya? “ kausap ko ulit sa sarili ko. “Bakit parang importante ang taong yun! “ bulalas ko pa! Pero naalala ko bigla ang kapatid ko, ilang araw na ang noon at mag de deotso na ako, pero ayun nga biglang nagbago ang lahat dahil pinagbintangan siyang magnanakaw! Umalis ako sa probinsya para maghanap ng trabaho. Pero ang totoo hanapin ko ang kapatid ko, kaya lang wala naman akong napala! Mahigit isang taon na ako dito sa Manila pero hindi pa sapat ang ipon ko dahil pinapadala ako ang iba at may konting ako para sa paghahanap ng ate ko. Napahinga nalang ako nang malalim sa kakaisip kong paano ko hanapin ang ate ko, dahil pinangako sa sarili ko babalik ako sa probinsya namin na kasama ko siya! Wala na din akong balita kay sir Zander dahil nung nawala ang ate ko lumipad daw siya papuntang state! Pagbalik niya ikinasal siya sa anak ng governor sa aming bayan. “Yun kaya ang dahilan nang ate ko bakit siya umalis na ng walang pasabi? “Tanong ko sa sarili ko. ‘Pero nagtataka ako, bakit pati saamin kailangan niyang magtago? “ naguguluhan kong tanong sa sarili ko, dahil hanggang ngayon hindi ko talaga maintindihan ang kapatid ko. Pero sa araw na umalis ang ate ko. Yon din ang araw na pabalik-balik si sir Zander sa bahay namin, kahit galit na galit ang itay sa kanya bale wala naman kay sir Zander noon. Minsan pa nga sinuntok pa siya ni tatay pero hindi lumaban si sir Zander, at nang araw na yun nag demand sila Mayor laban sa tatay ko. Inatras naman nila ang kaso pero sa araw na yun, hindi na namin nakita na pumunta pa sa bahay namin si sir Zander at yun na nga nalaman namin na pumunta na pala sa ibang bansa at pagbalik niya kinasal na siya sa anak ni Governor. Ang ate ko ay parang lalaki kung pumorma noon! Pero unti-unti siyang nagbago noong nagtrabaho siya kina Mayora. Pero ganun nalang ang lungkot ko at bakit nangyari yun. Hindi ko man maintindihan ang lahat pero pangako ko sa sarili ko hahanapin ko siya, nararamdaman ko na malapit na siya sa akin. “Ate Belle, alam ko malapit na tayong magkita, kakampi mo naman ako diba? Sana naman maisipan mo akong tawagan please. “ kausap ko sa hangin, kaya hindi ko na naman namalayan na tumulo ang aking mga luha. “Ate, kahit anong mangyari nandito ako para sayo, na mi-miss na kita alam mo ba yun? Nagtapos ako nang pag aaral dahil yun ang pangako sayo! Namimis ka na namin ate bumalik kana please, magpakita kana. “ bulalas ko! At hindi ko na napigilan pa ang aking luha na lumandas sa aking pisngi. “Bakit ba kasi ang hirap nang maging mahirap! “ Hindi ko mapigilan na reklamo minsan sa sarili ko. Dahil pakiramdam ko ang unfair ng mundo! “Buti pa ang mayayaman! Madali lang sa kanila ang buhay! “ kausap ko ulit sa sarili ko para akong temang! “Ate Belle. Masaya naman tayo noon diba? Namimis kana nila Nanay at tatay ate! Kaya umuwi kana. “ iyak ko dahil napapahikbi na ako! Naalala ko tuloy ang kabilin-bilinan niya sa akin noon. “Alam mo bunso. Kapag nagmahal ka wag na wag mong gamitin to hah! “ turo niya sa tapat ng puso ko, kaya nagtaka pa ako. “Ate bakit naman! Diba kapag nagmahal tayo eto ang gamitin natin kasi eto hindi daw nagsisinungaling. “. Sagot ko sa kanya sabay turo sa tapat ng aking puso. “Hindi mo pa naiintindihan kasi bata kapa. Pero pwede mo naman gamitin sabay yan at eto! “. Turo niya sa isip ko at puso. “Ayaw ko maranasan mo ang naranasan ko ngayon dahil sobrang sakit dito. “ dagdag pa niya sabay turo sa tapat ng puso niya, pero hindi ko naman nakita na lumuha siya. Pero yung sakit sa mga mata niya ay nararamdaman ko. “May problema ka ba ate? “ tanong ko sa kanya. Pero ngitian lang ako. Ganun ang ate ko, masyadong malihim. Hindi ko namalayan na puno na pala ang luha sa aking mga mata! At nagulantang nalang ako nang may mga palad na dumapo sa aking pisngi at pinahid niya ang aking luha. “Don’t cry sweetie. It hurts for me when I see you’re crying . “ Natulala pa ako sa sinabi niya saakin. Yung ginamit niyang endearment, bakit parang pamilyar saakin? Ang mga mata n’yang kulay asul bakit parang nakita ko na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD