Chapter 12

2475 Words
CASSY POV “Ano kaba Marco apo! Nang gugulat ka naman! “ Sermon ni lola sa apo niya. Dahil siya lang naman ang bigla-bigla nalang nagbubukas sa pintuan ng kwarto, na akala mo nakikipag habulan sa karera! Dahil hingal na hingal pa. Pati mga nurse nagulat pa! Pero pagka kita sa kanya napalitan na ang kilig sa mukha nila! “I’m sorry lola. “ sagot naman ni sir Marco, samantalang ako nakahiga na, at pumikit na ako pero nakamasid sa buong silid. Narinig ko pang bulungan nang mga nurse sa loob. “Sino kaya ang pasyente no? Bakit kung ganyan ang mga mukha nila kung mag alala lalo na si fafa Marco! Grabe ang gwapo niya talaga! “ kilig na kilig na bulalas ni nurse number 1. “Ewan ko nurse! Ang swerte ni girl noh! Sana lahat nasa hospital at bibisitahin ni Fafa Marco! “ bulalas ni nurse number 2. “Tumigil nga kayo diyan! Gawin niyo na trabaho niyo mapagalitan pa kayo ni doc! “Saway sa kanila ni nurse number 3 may edad na kasi. Hindi din napansin siguro nila lola at Sir Marco ang pinagsasabi ng mga nurse dahil senisermonan siya ni lola. Samantalang nakapikit ako. Buti nalang at nasa tabi ko si lola Isabel. “Kamusta na daw siya lola? “Tanong ni Sir Marco kay lola Isabel, pagpasok niya kanina nagkunwari na akong tulog, mabuti naman at hindi nakahalata si Lola Isabel. “Sabi nang doctor ok naman daw siya, nabigla daw! Ano ba kasi ginawa mo sa batang to hah! “ rinig kong sagot ni lola sa kanya. “Wala nga akong ginawa sa kanya lola, hindi ko alam basta nawalan siya nang malay. “ sagot din nang mayabang na to! “Sinungaling! “ maktol ko pero mahina lang. “Eh bakit nawalan ng malay? Pinagud mo ba siya? Tignan mo ang katawan niya ang payat tapos bibigyan mo nang mabigat na trabaho? “ sermon sa kanya ni lola, na kina bungisngis ko, over acting din si lola Isabel minsan. “Hindi ako payat lola, sexy to! Grabe siya! “ maktol ko pa! Pero may narinig akong napa smirk si sir Marco! “Wag mo akong tinatawanan bata ka! “ sermon ulit ni lola kaya napa bungisngis ulit ako, napalakas ata kasi tumigil pa silang nagsalita! “Ahm! Gising na ata ang pasyente lola! “ rinig kong bulalas ni Sir Marco kaya naman ang dalawang nurse kanina narinig ko pang napa bungisngis katulad ko. Mukhang nakikinig ang dalawa! “Sir hindi naman po tulog si Ma’am! “ sabi ni nurse number 1, ”Oo, nga po sir! “ sigunda naman no nurse number 2 kaya wala na akong nagawa kundi bumangon na kahit kumikirot pa ang aking ulo. “Oh, hija. Akala ko tulog kana kanina! “ sabi ni lola saakin na para atang alam niya na nagkunwari ako. Grabe talaga si lola supportive. “Kagigising ko lang po lola.. “ pagsakay ko sa kanya. At ngumiti naman siya ng may kahulugan. “So, paano hija maiwan muna kita at ako’y uuwi na, alam mo naman matanda na ako, sasabihin ko nalang si Mercy na siya na ang magbabantay sayo ngayon gabi, ipapahatid ko nalang siya kay Gorio hah, “ Mahaba-habang litanya ni lola Isabel saakin. Sabay paalam na din niya. Kaya tumango naman ako dahil nahiya ako. Pero nagulat ako ng sumabat ang apo niya! “No need lola! Ako na magbantay sa kanya! “ sagot naman ni sir Marco na kina singhap pa nang dalawang nurse. “Sabi ko sayo eh! Pang ilan na kayang girlfriend ni sir Marco yan? “ sabat ni nurse 2 may tabas din ang dila eh! “Hoy! Yang bibig mo! “ pagtipa ni Nurse 1 kay nurse 2 kaya hindi ko na mapigilan ang sarili ko, kahit nandito pa si lola dahil alam ko naman na hindi niya naririnig ang binubulong ng dalawa, pero ramdam ko naman narinig ni Mr. Yabang. “Kayong mga ma’am! Hindi niya po ako girlfriend, katulong lang po ako ni lola kaya wag niyo nga akong idamay sa mga babae niya! “ reklamo ko pero binulong ko lang dahil kahit paano nahihiya ako kay lola. Nasa tabi ko lang naman kasi ang mga tsismosang nurse. “Oh siya sige. Bantayan mo siya mabuti hah! Babalik ako bukas kasama si Mercy “ bilin ni lola kay sir Marco. Samantala ang dalawang nurse tahimik na. Buti naman! “Lola, uwi na din ako ok naman na ako, saka isa pa po wala naman akong sakit! “ sabat ko sa kanilang dalawa. At totoo n’yan wala akong tiwala sa apo niya. Ay hindi pala! Wala akong tiwala sa sarili ko baka magkatotoo ang sinabi ng dalawang tsismosang nurse na mapasama ako sa mga babae niya! “Hindi pwede hija! Kargo na kita, kaya dapat dumito ka muna dahil wala pang resulta yung labtest mo. “ sagot sa akin ni lola na may pag-aalala. “Anong labtest lola? “ takang tanong ko naman! “Naku kumuha sila nang dugo mo dahil sinabi neto. “ turo niya kay sir Marco. Kaya napa tingala pa ako sa kanya at ganun na lang ang lakas ng t***k ng puso ko dahil kung maka titig iba! “Na bigla-bigla ka nalang daw nahimatay kaya naman I che-check daw nila, kaya hija maiwan muna kita hah, pagpasensyahan mo na ako dahil matanda na ako bawal ako sa puyat. “ dagdag pa niya sakin kaya nahiya ako. Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil binigyan ako ng amo na katulad nitong mabait at matulungin. “Sige po lola, salamat po at pasensya na po sa abala. Yung gastos po dito ibawas niyo nalang po sa sahud ko lola. “ pahabol ko pa! Pero narinig ko na naman na napa smirk si Mr Yabang! Kaya sinulyapan ko siya, kanina lang sa condo niya ang seryoso ngayon nakangisi na! “ ano kaya na kain niya? “ tanong ko pa sa sarili ko, “Oh siya hija. Alis na ako, si Marco na bahala sa bills mo dito wag kang mag alala., hijo ikaw na bahala sa kanya hah! Maiwan ko na kayo! “ paalam pa ni lola saamin, siya naman ang dating ni mang Gorio at umalis na nga sila nang tuluyan. Pati mga nurse umalis na din, kaya kami lang dalawa ang naiwan. Bigla din tumahimik ang buong kwarto! Ni walang gustong bumasag sa katahimikan, bigla din naman akong nahiya kahit paano. Buti sana kung sumigaw siya at sigawan ko rin! “I’m sorry about what happen earlier. “ pag basag niya sa katahimikan, kaya humarap ako sa kanya. Dahil nakatagilid ako. Pero ramdam ko na nakatitig siya sa akin, dahil sa tuwing napapatingin ako sa gawi niya sa akin siya nakatingin. “I didn’t mean it! “ dagdag pa niya, nakita ko naman sa kanyang mga mata na sincere siya sa paghingi niya nang sorry. Kaya sumagot na ako. “Ok lang sir! Siguro nabigla lang ako. “ sagot ko naman sa kanya na medyo nahihiya pa ako, pero siya nakatayo pa rin hanggang ngayon, hanggang ngayon nakatitig sa akin. Natahimik na naman ang buong silid dahil bigla na naman umurong ang aking dila na kahit parang may gusto akong sabihin. Pero bago pa ako magsalita, siya na ang nauna. “Do you want something to eat? “ tanong niya sa akin. Naguguluhan din ako sa mga akto niya ngayon. Siguro na konsensya! “Hindi pa ako gutom sir. “ sagot ko pero taliwas naman ang sagot nang aking tiyan. Dahil tumunog pa! Kaya narinig ko pa siyang napatawa pero mahina lang, kaya sinimangutan ko siya. “Just wait a minute mamaya lang darating ang pagkain. “ sagot sa akin na malayo naman sa sinagot ko, “Pahamak kang tiyan ka! “ sermon ko sa tiyan ko, at pinalo ko pa! “Silly! “ bulong pa niya na pailing-iling pa at umupo na nga siya sa sofa dito sa loob ng silid. Ngayon ko lang din napansin na may sofa bed din pala sa loob ng silid. “Bakit hindi ko kanina napansin? “ bulong ko sa sarili ko, pero sinundan ng mga mata ko kung ano gagawin niya, pero may kinuha siyang kumot. “Siguro matulog na siya! “ kausap ko parin sarili ko kaya binaling ko nalang ang paningin ko sa kabilang side, dahil na aakward ako sa aming dalawa. Pero nagulat nalang ako nang may dumampi sa aking balat na mainit na kamay! “I think you feel cold. Used this must better! “ bulong niya saakin, dahil sa lapit niya at naramdaman ko pa ang pagdantay ng kanyang mga daliri sa aking balat dahil nakatagilid nga ako. “H-Hindi naman ako nilalamig sir! “ Nauutal kong sagot, pero nakita ko na naman ang pag alala sa mukha niya. Dahil nararamdaman ko na naman ang panginginig ng katawan ko. “Hey! Are you ok? “ tanong niya saakin gusto niya akong hawakan pero nilayo ko sa kanya ang aking sarili! Kaya bigla siyang nakakunot noo! “s**t! Why I forget! Damn It! “ rinig ko pang bulong niya na nag igting pa ang mga panga nito! Kaya naman hindi ko mapigilan na napatitig ako sa mukha niya! Pero binaling niya sa ibang direction ang kanyang mukha kaya hindi ko na nakita kung ano ang reaction niya. “Ikaw Cassy hah! Bat kasi ang arte mo! “ sermon ko sa sarili ko. Pero rinig kong ang yabag niya na papalayo na sa bed ko. “I’m sorry. “ narinig ko ang bulong niya sa akin at tuluyan nang lumabas sa silid. “Hays! Ano ba kasi nangyayari sa akin? “ kausap ko sa sarili ko. “ Cassy wag kang OA alalahanin mo apo siya nang amo mo! “ sermon ko sa sarili ko. Ipipikit ko na sana ang mata ko na siya naman ang pagpasok niya na may bitbit na siyang pagkain, kaya nagulat pa ako! “I brought this food for you, So you can eat first! Before go to sleep. “ sabi pa sa akin sabay lapag ang pagkain at aalis na sana siya nang nagsalita ako! Nagtaka pa ako bakit ang bilis naman niyang bumili? “Saan ka pupunta sir? “ sa wakas lumabas sa bibig ko! Pero tinitigan lang ako na parang bang nagtatanong. Kaya nag salita ako ulit dahil marami dami naman ang pagkain hindi ko mauubos. “Hindi kaba kakain sir? “ tanong ko ulit pero nakatitig pa rin sa akin. “Madami po kasi yan, hindi ko yan maubos Sir” nahihiya ko pang tugon, pero hindi parin nagsasalita siguro nga ayaw ako kasabay, kung sabagay katulong lang naman ako diba! “Hindi na bale sir! Ako nalang ang u-“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi sumabat siya, “It is ok to you If I’ll join your dinner? “ nag-aalala niyang tanong saakin, kaya tinitigan ko siya, At nag tama ang aming paningin pero kalaunan, binaling niya naman sa kabila. “It’s ok If you don’t! “ dagdag pa niya kaya nagsalita na ako. “Naku sir! Ok lang naman, halina po kayo marami po kasi to! “ magalang ko paanyaya sa kanya, pero tinitigan na naman ako! “Drop that ‘po’ I’m not old! “ sabi pa sa akin na para bang nag tatagis na naman siya nang lagim, kaya natawa pa ako sa asta niya! Bigla tuloy nawala ang kaba ko! “Sige po sir! Ay! Sir pala. “ pagbawi ko sa po! Sabay bungisngis! “Tsk! And that ‘sir’ as well drop it! “ utos na naman niya! Kaya nanibago ako sa kanya. “Ano bang gusto niyang itawag ko sa kanya Senyor? “ kausap ko sa sarili ko, “Ok po senyor sorry po! “ sagot ko na mas lalo ikinasama nang mukha niya! Kaya hindi ko na mapigilan ang napa halakhak! Pero hindi naman siya na offend bagkus naka nganga pa siya na para bang manghang- mangha saakin. Kaya bigla akong natahimik dahil nakangiti na siya! Na ako naman ngayon ang naka nganga! “I ‘miss that laugh. “ bulong pa niya na hindi ko naman naintindihan! Kaya tumahimik na ako, baka isipin niya nababaliw na ako. Ako na din ang nag serve nang pagkain namin dahil hindi naman ako lumpo! Medyo ok naman na ang pakiramdam ko, yun nga lang hinihintay namin ang result ng lab test na ginawa sa akin. “Kumain ka ng madami para lumakas ka. “ bulalas pa niya sabay lagay nang ulam sa aking plato, napalunok pa ako sa ginagawa niya. “Ok lang ako sir! Kayo na ang kumain hindi pa kayo kumakain.. “ sagot ko sa kanya dahil kanina pa siya lagay ng lagay sa plato ko samantalang siya ni isang subo hindi pa niya nagawa! “So. Napapansin mo napala ako? “ sagot niya saakin na pinipigilan niya ata ang ngumiti dahil nakita ko pa napataas ang labi niya. “Paano naman kita hindi mapansin sir, eh kanina ka pa po naglalagay ng ulam sa plato ko! “ reklamo ko sa kanya, kaya ayun na lumabas na ang pinipigilan niyang ngiti na kina nganga ko na naman! “Just eat! Don’t mind me and that oo again, Im warning you, “ malumanay niyang sagot saakin pero parang may pagbabanta, pero binaliwala ko, “Alam mo sir! Kung nakokonsensya ka kanina sa nangyari sa akin wag mo nang isipin yun! Ganun kasi ako eh! Hindi ko alam kung bakit! “ naibulalas ko sa kanya na pinagsisihan kong ungkatin. Sana lang wag na siyang magtanong. “No, It’s my fault, nabigla ka siguro kanina, again I'm sorry Cassandra. “ sincere na naman niyang pahayag. Pero ang pagbigkas niya sa buo kong pangalan ang lakas ng impact saakin! Pakiramdam ko, lumutang ako ulap. “Sir! Sabi ko naman wala kayong kasalanan ok na yun! Basta hah wag niyo akong binibigla kasi! “ maktol ko sa kanya dahil pakiramdam ko nawawala na ang takot ko sa kanya. Ngunit ang totoo nilalabanan ko ang puso ko dahil sobrang lakas ng t***k. “Mabait naman pala siya! “ kausap ko sa sarili ko, “and one thing! I said drop that ‘sir’ or else! “ sagot saakin na may pagbabanta! Eto na nga ba sinasabi ko eh! Naging seryoso na naman siya. At nagulat na lang ako dahil na kalapit na siya sa akin, aldo malapit siya talaga kasi magkaharap kami sa maliit na lamesa. Napalunok pa ako sa inaasta niya, dahil mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib nang hindi ko malaman ang dahilan! “A-Ano pong g-ginagawa niyo sir? “ tanong kong nauutal sa kanya. “Isa pang PO at SIR mo Hahalikan na kita. “ sagot sa akin na ikina bigla ko! “Ano po! “ gulat kong tanong pero lumapat na ang labi niya sa labi ko kasabay nang biglang pag bukas na naman ng pintuan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD