CASSY POV
“If I am not mistaken yes! Hindi nga ba ikaw ang nanampal sa akin one month ago?” sagot niya sa akin na seryoso ang mukha, sumulyap pa ako sa likud niya baka nakasunod ang mga kasama niya kanina pero wala naman akong nakita. Kaya bigla akong natakot pero hindi ako nagpa halata sa kanya.
Pero hindi eh! Parang nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan! Pero pansin ko naka titig na naman saakin. Kaya umiwas ako ng tingin. Kahit nakaramdam ako ng kaba, hindi na lang ako nagpa halata!
“Ah eh… Sige po sir at ituloy ko na ang ginagawa ko. “ paalam ko sa kanya dahil kung magtitigan lang kami dito baka wala na akong matapos! Isa pa aminin ko man sa sarili ko may konting ka ba akong nararamdaman sa mga titig niya sa akin.
“Go ahead! “ sagot niya saakin sabay taas pa nang kamay niya na para bang nag uutos! Kaya naman sinimangutan ko siya!
“Yabang talaga antipatiko! Mayaman nga naman! “ bulong ko pa sa hangin! Hindi siya nag mana sa kanyang abuelo! Mga himutok ko sa sa aking sarili.
“Yes Miss Alonzo? May sinasabi ka? “ sigaw pa niya sa akin, medyo malakas pa kasi nakalabas na ako sa kusina!
“Wala po Sir! Sabi ko po maglinis na ako! “ ganting sigaw ko naman sa kanya.
“Hindi lang siya matanda hah! Ang lakas din pala ang pandinig niya! “ kausap ko sa sarili ko sabay pa akong napa bungisngis! Hindi naman talaga siya matanda dahil 29 palang siya. Napa iling na lang ako.
Nilinis ko na ang banyo! Pati ang isang kwarto! Bale tatlo ang kwarto dito kaya naman isunod ko na ang pangalawa.
“Siguro last na yung kabila! “ kausap ko pa sa aking sarili! Kaya naman pinuntahan ko na ang pangalawang kwarto.
Pero hindi naman kwarto ang nabuksan ko kundi isang maliit na GYM!
“WOW! Dito siguro siya nag e-exercise, kaya pala ganun ang katawan! “ bulong ko sabay bungisngis. Naimagine ko kasi ang katawan niya, na biglang kinainit ng aking mukha. Kaya bago pa kung saan-saan mapunta ang nasa utak ko ay iginala ko na ang aking paningin sa paligid kung saan ako magsimula.
Kahit nga kanina wala din dumi! Pero naglinis parin ako baka isipin niya tamad ako!
“Ayan tapos na Woooh! “ bulalas ko pa kasi kahit paano naman pinagpawisan ako! Ang hirap pala magbuhat noh!
Dahil malinis naman ang loob, yung natatakpan ng carpet yun nalang ang nilinis ko.
“Hays salamat! Malapit na akong matapos! “ bulalas ko pa!
Kaya naman pumasok na ako sa last na kwarto!
“Wow! “ lumabas sa bibig ko, mas maganda kasi eto kaysa doon sa bahay nila lola na isang maaliwalas na bed at kulay grey and cream na pinaghalo sa loob!
“May taste pala siya hah! Kung sabagay nga naman! “ kausap ko sa aking sarili.
Pero napa simangot ako dahil ang gulo ng kama niya. Akala mo dinaanan ng signal number 7 dahil sa sobrang gulo pati mga unan kung saan, saan na natapon.
“Ayos lang yan Cassy! Kaya nga pumunta ka dito kasi diba maglinis ka? ” kausap ko sa sarili ko, kaya hinanap ko na ang mga bedsheet niya at palitan ko na rin.
Binuksan ko pa lahat nang mga cabinet niya para makita ko ang mga hinahanap ko!
Pero iba ang nakita ko sa isang drawer! Natapon ko pa ang nahawakan ko!
“Omg! Condom? “ sigaw ko sabay tapon ang hawak ko!
“Ang bastos talaga niya! Ano siya nag cocolekta nang condom? “ kausap ko pa sa sarili ko!
“Ilang kaya babae ang naikama niya? “ tanong ko pa sa sarili ko, na ikinapula pa nang aking mukha!
“Ano kaba Cassy! Tumigil ka nga! Kung ano-ano ang iniisip mo eh! Mag focus ka na lang sa work mo babae ka! “ sermon ko sa aking sarili.
Kahit nandidiri ako na hawakan ang condom kahit malinis naman, dahil mga bago pa naman, napilitan akong ibalik kung saan ito nakalagay kanina mabuti at hindi nasira. At baka magalit na naman siya.
Kaya ipinagpatuloy ko na ang paghahanap!
Binuksan ko na rin ang malaking bahagi ng kanyang wardrobe, pero may napansin akong nakasiksik na natatakpan ng mga damit, kaya naman alisin ko na sana ang nakatakip doon at siya naman ang pagpasok sa kwarto ni sir Marco at sumigaw pa!
“What do you think your doing, woman! “ sigaw niya sa akin na nagulantang ako!
“Ay kabayong bakla! “ Gulat kong bulalas pero pagtingin ko sa mukha niya seryoso siya. Hindi ko alam kung galit ba o hindi. Dahil wala naman emosyon sa kanyang mga mata basta sumigaw lang ng napakalakas!
Hindi lang yun, napalunok pa ako dahil basa pa ang katawan niya kasi nanggaling lang naman sa loob nang banyo!
“Sinong may sabi sayo na pwede mo pakialaman ang loob ng silid na to? “ tanong niya ulit sakin na na kalapit na siya!
Nanginginig pa ako sa takot dahil hindi ko alam kung bakit ako biglang natakot sa kanya.
“S-Sir. N-Naghahanap k-kasi ako nang b-bedsheet… “ Nanginginig kong sagot sa kanya pero hindi pa rin nagbabago ang expression nang mukha niya.
“Next time! Magtanong ka sa akin, wag na wag kang nagbubukas ng wala akong pahintulot! Naiintindihan mo ba? “ matigas ang sagot sa akin, at kinorner niya ako.
“O-Opo s-sir! “ nanghihina kong sagot sa kanya dahil pakiramdam ko nanginginig na ang tuhod ko! Nakita ko pa siya nakakunot ang noo niya.
Hahawakan niya sana ako pero sumigaw ako!
“Wag mo akong hawakan! Please sir.. “ Pag ma-maka-awa ko sa kanya! Ewan ko kung bakit sa tuwing may lumalapit sa akin na lalaki para akong takot na takot.
“Hey! Are you ok? “ tanong niya na naaninag ko pa ang pag alala sa kanyang mukha! Bago ako nawalan ng malay.
Dream…….
“Kuya Diego, maawa ka sa akin please.. Wag mong gawin to…. “ nagmamakaawa ako kay kuya Diego dahil nahihibang na siya. Sila yung pilit akong sinakay sa itim na sasakyan.
“Cassy alam mo ba na matagal na kitang gustong tikman! Kaya lang ang magaling mong kapatid ang laging hadlang! Ngayon wala na siya maranasan ko na ang heaven sa pamamagitan mo! “ natatawa pa niyang sagot sa akin. Kaya sobrang nanginginig ako sa takot.
Nasa madilim kami na lugar, hindi ko alam kung saan lugar eto,
Dahil hinila lang naman ako nang adik na to!
“Diego! Bilis bilisan mo naman! “ sigaw nang isang kasamahan niya mula sa labas.
“Oo pare! Wag kang mag alala dahil titirhan naman kita! “ sagot ni Diego sa sumigaw kanina at tuwang tuwa pa siya na akala mo'y nakakita ng masarap na ulam habang nakatingin sa akin.
Hinalikan niya ang mukha ko! Kaya nandidiri ako! Hindi din ako makagalaw dahil nakagapos ang mga kamay ko, hinahanap ko kasi ang ate ko dahil bigla- bigla nalang siyang umalis.
Pinuntahan ko lahat ng pwede niyang puntahan kaya ganito nagabihan na ako. Lalo pa at galing ako sa school.
“Maawa ka sa akin Diego…. Hindi ako magsusumbong basta pauwiin mo na ako please…. “ nagmamakaawa ako sa kanya.
“Wag kang mag alala Cassy! Dahil pagsasawaan pa kita bago kita pakawalan! “ sigaw niya sa akin at bigla- bigla nalang hinablot ang aking damit, at tumambad sa kanya ang aking dibdib!
“Wow! Heaven! “ sigaw pa niya sabay labas nang dila niya! Hahawakan na sana niya ako nang may kumalabog sa labas!
“Ano ba yan!! Nang iistorbo kayo magpapasarap pa ako! “ sigaw niya na hindi na pinapansin ang kalabog sa loob, pero ako nanginginig na sa takot!
Nagdasal ako na sana may mang ligtas sa akin dito kahit alam ko malabo na.
“Diosko! Iligtas mo po ako dito! “ peping dasal ko na puno na ang luha sa aking mga mata!
“Ganyan nga Cassy! Matakot ka!“ sigaw ni Diego sa akin na napahalakhak pa sa tuwa.
Pero hahawakan na sana ako, nang may nagsalita sa madilim na parti ng silid kong saan ako itinali ni Diego.
“Subukan mong hawakan siya ni kahit isa sa mga daliri niya, dahil ngayon din wawasakin ko ang bungo mo! “ isang baritono ng boses ang lumabas sa madilim na parti ng kwarto.
“Sino ka pakialamera ka! “ sigaw ni Diego sa kanya!
“Ako? Ako lang naman ang mapapangasawa niya! Inaalagaan ko yan tapos babastusin mo lang! “ sagot ng isang baritono ng boses kay Diego.
Wala na din akong naiintindihan sa pinag uusapan nilang dalawa kundi ang nag iwan saakin ang salitang “MAPAPANGASAWA” ka de-dese- otso palang ako isa pa hindi ko naman siya kilala, pero nabuhayan naman ako nang loob kahit paano!
Pero nagulantang lang ako nag hawakan ako ni Diego sana kaso isang putok ng baril ang umalingawngaw sa madilim na silid.
At si Diego ng bumulaga sa aking harapan na wasak ang ulo..
“Ahh!!! “ sigaw ko sabay iyak! Dahil sa aking nasaksihan.
Pero lumapit ang estranghero sa akin at binalik ang kasuotan ko, hindi ko na siya naaninag dahil nakamaskara siya. Kundi ang kanyang mga mata na kulay asul.
“Shhh. Halika na I uuwi na kita. “ sabi pa saakin, pag tayo namin, isang putok na ulit ng baril ang tumama saamin.
Buti magaling ang nagligtas sa akin, at nakapag tago kami agad, pina suot na din niya sa akin ang jacket niya dahil punit na ang damit kong pang itaas.
“S-Salamat po! “ nanginginig kong pasasalamat sa kanya! Hinawakan na din niya ang kamay ko pero nanginginig pa rin ako. Takot na takot ako, pakiramdam ko para akong kandila na nauubos.
“Tsk! Sinong may sabi na pwede ka nilang pakialamanan, ang akin ay akin. “ bulong niya na umabot pa sa pandinig ko.
“Kaya naman tumingala ako sa kanya. Tinitigan ko ang mga mata niya, dalawang pares na kulay asul na mga mata na parang nagsasabing OK NA ANG LAHAT pero isang putok na naman ng baril ang umalingawngaw sa loob ng silid, at mukhang hindi kami titigilan.
“Demment! “ narinig ko pang bulalas niya, pero hinila na niya ako na lumabas sa silid kung saan ako tinago ni Diego kanina.
Sasakay na sana kami nang kanyang kotse ng may putok ulit nang baril!
“Ahh! “ sigaw nito at timaan siya!
Kaya umiyak na naman ako.
“M-May tama ka po. “ nauutal kong bulalas sa kanya.
“Don’t mind! Go inside faster! “ sagot pa saakin na para bang tinitiis ang sakit na nararamdaman niya.
Kaya wala na akong nagawa kundi sumakay nalang, at sumunod na din siya agad.
“Hinahabol nila tayo! “ sabi ko sa kanya! Pero nakita ko nag igting ang kanyang mga panga!
“Tsk! Hirap din pala makisabay kay kamatayan! “ nakuha pa niyang biro saakin.
“Ano kaba sir! Hinahabol na nga tayo nakuha mo pang mag-! “ sagot ko sana pero naputol ang sasabihin ko at napa sulyap pa siya sa akin.
“Andito na tayo! “ sagot niya at tinigil na niya ang sasakyan sa harapan ng bakuran namin, ng hindi ko man lang namalayan.
“Until we meet again, sweetie! “ sabi pa niya pero hindi niya tinatanggal ang maskara sa mukha nito. Dahil sa sobrang dilim ng paligid wala din tao akong makita maliban sa mga magulang kong nasa labas ng pinto ng aming bahay.
Bumaba ako nang hindi ko namamalayan, pagkatapos bigla nalang nawala ang sasakyan sa harap ko dahil sa sobrang bilis ng takbo niya! At sa minuto lang nagdaan bigla nalang may sumabog sa hindi kalayuan!
“BoooomMmmm! “
“Hindi!!! “ malakas kong sigaw!
“Hija! Cassy wake up! “ boses ni lola Isabel ang narinig ko. Minulat ko ang aking mga mata at puro puti ang aking nakikita sa aking paligid.
“Nasaan po ako? “ tanong ko sa kanila, si lola Isabel mukhang nag alala saakin.
“Hija, andito ka ngayon sa hospital, tinakbo ka ni Marco kasi nawalan ka daw nang malay, ok kana ba hija? “ nag-alalang tanong ni lola Isabel saakin, oo nga pala kanina.
“Lola… Ok na po ako. “ sagot ko sa kanya bumangon na sana ako kaso biglang sumakit ang ulo ko!
“Ouch! “ bulalas ko pa! Kaya naman mas lalong nag alala si lola Isabel saakin.
“Hindi kapa ok hija, dito ka muna, tatawagan ko si Marco “ sabi pa sa akin pero pinigilan ko.
“Lola wag na po. Ok naman ako siguro nabigla lang po ako. “ sagot ko sa kanya, pero parang hindi siya naniniwala sa akin.
Eto ang problema ko sa sarili ko, eto rin ang dahilan kung bakit hirap akong maghanap ng trabaho, dahil konting takot lang nawawalan na ako nang malay! Eh matapang naman ako!
Pero bakit bumabalik ang isang bagay na gusto ko ang kalimutan! Apat na taon na yun! Kahit hindi ko man lang siya nakilala o nakita man lang, tapos sumabog pa ang sasakyan niya! Pero nag iwan naman siya nang magandang alala ala sa akin kahit paano.
Na confirm kasi sa araw na yun, dahil may nakakita pa daw na sumabog habang tumatakbo. Kahit sana pangalan lang niya ay nalaman ko ngunit wala. Kaya sobrang lungkot ko sa araw na yon.
“Hija. Magpahinga kana muna, ipag bilin na lang kita kay Mercy ok? “ nag alala ang bilin sa akin ni lola, kaya mas lalo pa akong nahihiya.
“Si Marco talaga! Lagot talaga sa akin ang batang yun! “ bulalas pa niya, kaya nakaramdam ako ng konsensya.
“Lola wala naman po ginawa si sir Marco saakin isa pa po hindi naman ako masyado napagod doon” pag amin ko sa kanya, napa kunot noo pa niya sa sagot ko.
“What do you mean hija? “ tanong niya sa akin
“Hindi ko alam lola, kasi minsan talaga may problema din ako sa sarili ko.. “ pag amin ko sa kanya, kaya hinawakan niya ako sa kamay.
“Pwede mo ba sabihin sa akin hija? “ tanong pa niya saakin nakikita ko ang kaseryosohan sa kanyang mukha. At pag-alala.
“Lola. May mga pangyayari kasi akong gusto kong kalimutan sa buhay ko, pero pilit naman bumabalik sa paraan nang panaginip ko! “ pag amin ko sa kanya, at tuluyan na akong napaiyak.
“Kapag handa kana, nandito lang ako hija, hindi ko man alam ang nakaraan mo alam mo naman siguro na malapit ka na sakin. ” sagot pa niya sa akin, kaya niyakap ko siya. Nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
“Salamat lola, kahit hindi niyo ako ka dugo alam ko at ramdam ko na mabuti kayong tao” naiiyak kong tugon sa kanya.
Pero nagulat na lang kami sa biglang pagbukas ng pintuan na walang pasabi! At sobrang lakas pa! Kaya napa kalas ako sa yakap kay lola Isabel.