CASSY POV
Isang buwan na ang nakalipas, kinabukasan noon ay bumalik kami sa bahay ampunan para makita at makausap ang pinaghihinalaang kong ate.
Pero ganun nalang ang lungkot ko dahil hindi na daw siya pumasok sa araw na yun.
Pati din si lola Isabel nag alala din, kaya pinuntahan pa namin kung saan siya nakatira pero sabi nang may-ari nang bahay kung saan sila tumira ay umalis daw sila nang maaga at hindi na daw bumalik.
Kaya mas lalo akong nabuhayan ng loob na kapatid ko iyon. Pero naguguluhan ako sino yung bata na tinawag siyang Mommy! Marami ang katanungan at nag iwan sa aking kaisipan.
Ngunit nalungkot ako sa araw na yun. Napa isip tuloy ako kung bakit siya umiiwas saakin.
“Eneng malapit na tayo! “Bumalik lang ako sa kasalukuyan ng pumukaw sa akin si mang Gorio, papunta kasi kami ngayon sa condo unit daw nang apo ni lola Isabel.
“Ok po mang Gorio. “ Tugon ko sa kanya. Katulad nga nang pinag usapan nila noon ni lola, ako daw ang maglinis sa condo unit ng apo nila, pero sa kasamaang palad, mag isa lang ako dahil may rayuma na daw ang matanda nag alala pa ako sa kanya dahil may sakit siya, pero rason naman sa akin anduon naman daw si ate Mercy. Bumalik na kasi ang isa nilang kasambahay sa mansion.
“Babalik nalang ako mamaya eneng, kapag tapos ka na doon hah, tawagan mo nalang ako
“ paalala pa ni mang Gorio saakin. Kaya medyo nag alala pa ako. Akala ko kasi kanina kasama ko di mang Gorio na pumunta condo ni sir Marco.
“Alam mo na ba kung saan floor yung room ni sir Marco? “ Sigunda pa niya sa akin.
“Opo mang Gorio! Fifty floor Room 542 po! “ magalang kong sagot sa kanya.
“O siya! Hindi mo pala nakalimutan.. “ natatawa pa niyang sagot saakin kaya nginitian ko lang, pagkatapos binaba na niya ako sa labas nang entrance.
“Dito ka na lang baba eneng, tawagan mo nalang ako kapag tapos kana hah? “ paalala pa niya ulit saakin.
“Sige po mang Gorio salamat po! “ paalam ko din sa kanya at agad naman nang umalis.
Diretso na sana akong aakyat ng sinita ako nang receptionist!
“Miss wait! “ tawag niya sa akin kaya tumigil ako sa pak hakbang.
“Bakit po? “ magalang kong tanong.
“Pwede ba malaman kung saan room ka pupunta miss? “ tanong niya sa akin. Hindi naman suplada ang receptionist.
“Ah, siguro kailangan nang sign dito? “ kausap ko sa sarili ko,
“Ang engot mo din Cassy noh! “ reklamo ko sa sarili ko, pero ang babae nakatingin lang saakin.
“Eh ma’am lahat po kasi nang pumasok kailangan malaman ang pangalan. “ magalang na sagot sa akin.
“Ah, sorry po ma’am, sa fifty-floor po ako pupunta room 542 po. “ magalang kong sagot
“Kay Mr. Marco Mondragon po. “ dagdag ko pa at tinignan nga niya sa log book, dahil may binuklat ito.
“Sige po ma’am, pwede na kayong umakyat! “ sagot naman saakin kaya umalis na ako sa harap niya!
Pumasok na ako sa elevator at pinindot ko na ang 50th floor nalula pa ako sa sobrang taas! I press ko na sana ang close button ng may humahabol na makikisabay sa akin pero hindi ko naman pinansin.
Dahil medyo kinakabahan pa ako pero binaliwala ko nalang.
“Wag lang siyang magkakamali bastusin ako dahil makikita niya! “ kausap ko sarili ko. Kahit wala naman ginagawa na masama ang lalaki sa akin, feeling din ako minsan!
“Kung bakit kasi hindi sumama si lola eh! “ maktol ko pa.
Pero ang pumasok na isang lalaki kanina sa elevator ay napapa smirk pero hindi ko pinansin,
Naka focus kasi ako sa kung ano madatnan ko mamaya sa taas!
“Hi! “ bati niya sa akin, at tumingala pa ako sa kanya dahil sa subrang tangkad niya. Matangkad na ako pero grabe tong lalaking kasama ko sa elevator sobrang tangkad at nakangiti pa siya kaya naman napa nganga ako! Yung takot at kaba ko kanina biglang nawala.
“Wow! Ang gwapo! “ naibulalas ko at medyo nalakasan pa ata dahil tumawa siya.
“Oh! We have a same floor? “ tanong niya sa akin, kaya bigla akong natauhan.
“Ah, opo! Nautusan lang po ako na maglinis diyan! “ nakasimangot kong sagot sa kanya.
“Ow…! “ na pa ow niyang sagot sakin kaya mas lalo akong nakasimangot.
“Part time job? “ tanong na naman sa akin, makulit din pala to!
“Hindi, apo siya kasi nang amo ko, walang katulong kaya ako ang inutusan! “ sagot ko naman sa kanya! At tumunog na ang bell tanda ng nakarating na ako sa taas.
Pero pinauna ako ng lalaki lumabas sa elevator, at nagtaka pa ako dahil pareho kami nang way ng tinatahak!
Kaya sinulyapan ko siya, at ganun din siya!
“Don’t tell me, dito ka pupunta? “ turo niya sa numero ng pintuan kung saan siya tumigil.
“Opo! “ mabilis kong sagot!
“What? So you must be Cassy? “ sagot niya sa akin na para bang gulat na gulat!
“Opo! “ mabilis ko na naman na sagot! Pero nagtaka pa ako bakit ako kilala!
“F*ck! “ bulalas pa niya parang nagmumura ata siya na hindi ko naman maintindihan.
“Wait lang miss hah! Ako ang kakatok! Diyan ka lang. “ sabi sa akin sabay senyas na wag akong maingay, kaya naman sumunod ako sa sinabi niya dahil masunurin naman ako.
Pero parang gusto kong matawa sa kanya dahil naka ngisi siya na parang gusto rin matawa. Kaya naka pout ang labi ko. Habang naghihintay na mag bukas ang pintuan.
“Dingdong….! “ Tunog nang doorbell
Narinig ko naman nagbukas ang pintuan at iba naman mukha ang lumabas! Dahil iba ang boses.
“Oh Man ! Why you here too! “ bulalas ng isang lalaki kaya mas lalo akong kinabahan.
“Uwi na lang kaya ako! Bakit ang dami naman ata nila! “ kausap ko sa sarili ko, nasa likud kasi ako ng pintuan. Kaya hindi ako makita ng taong nag bukas ng door.
“What are you doing all here in my condo? Hindi ko kayo pinatawag bakit andito kayo? “ malakas na sigaw nang taong ayaw ko makita. Boses palang alam ko na! Hays!
“Dude relax! Namiss kalang naman namin eh! Sa tagal mo ba naman sa U.S ano ba ginawa mo doon? “ yung naka sabayan ko ang nagtanong. Pero mukhang natatawa naman.
“Isa din yun bakit nakalimutan na din ako? “ maktol ko pa, pero nagulat ako nang may nakabunggo saakin.
“Ops! Sorry miss. “ hinging paumanhin niya pero parang kilala ko siya, parang kasi nakita ko na siya eh, hindi ko lang maalala!
Ganun din siya sa akin, nakatitig din na para bang naalala din ako. Ay ewan!
“Ahm?! “ pukaw nang isang boses na ayaw kong marinig kaya nakasimangot na ako!
“Kanina ka paba diyan? Yung hugasin mo naghihintay na! “ masungit niyang sambit saakin pero ang mga dalawa kanina sa loob naka ngisi! Samantalang ang nakabunggo saakin napakunot noo!
“Nakita ko na siya eh! “ bulalas ko pa na hindi ko na sinagot si Mr yabang at dinaanan ko lang at sinamaan ko siya ng tingin.
“Good morning mga Sir! Excuse me po! “ pagbati ko sa dalawa! At nagtatawanan lang sila nang nakatalikod na ako.
“Lord! Mga gwapo nga sila pero bakit parang baliw naman sila! Wag niyo po ako pababayaan dito hah! “ peping dasal ko pa. Dahil nakaramdam ako ng kaba.
Maliit naman ang condo niya, kaya madali ko lang nahanap ang kusina, pero wala naman kalat, ang sabi niya madaming hugasin. Ni wala naman kahit isang baso!
Kaya naman palakad lakad pa ako sa loob ng kusina! Dahil wala naman akong gagawin!
Lumabas na sana ako ng narinig ko ang mga boses nila!
“Tsk! Iba karin hah!! Congrats dude! “ boses yun kanina nang naka sabayan ko sa elevator.
“So, nakita mo na pala siya ulit! “ sagot naman ng isa pa, hindi ko lang alam kung sino sa dalawa kanila,
Pero hindi ko naman narinig na sumagot si Mr Yabang. Lalong hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Dahil wala naman akong gagawin mabuti pa siguro uuwi muna ako!
“Excuse me Sir! Wala naman hugasin sa kusina, baka po pwede sir uwi nalang ako marami kasing gagawin sa mansion ngayon. “ Diretso kong paalam sa kanya, mukha naman walang kwenta ang pagpunta ko dito eh mas marami pa ang gawain sa mansion kaysa dito. Himutok ko sa sarili ko.
Pag tingin ko sa kanila natameme silang apat! Walang nagsalita sa kanila! Kaya pinitik ko ang mga daliri ko! Mga timang talaga ang mga ito!
“Hello! “ sabay pitik ko at natauhan naman sila saakin, at natawa naman yung kasabay ko kanina.
“By the way! I’m Jade! “ pagpapakilala sa akin nung isa kung hindi ako nagkamali siya ang nagbukas kanina ng door.
“I’m Grey“ ngisi naman nang isa siya yung naka sabayan ko sa elevator.
“James! “ sabi nang pangatlo pero mas malamig pa sa yello ang boses, dahil napaka seryoso.
“Hello po mga Sir ! Ako po si Cassandra, Cassy for short po! “magalang kong bati sa kanila! At sabay- sabay silang tumango saakin.
“Sir, Marco pwede ko nabang pabalikin mo na si mang Gorio? Babalik nalang po ako bukas, mukha pong may bisita kayo! “ magalang kong tugon sa kanya. Sana naman payagan na ako. Dahil nakaramdam ako ng awkward sa kanila. Lalo pa at puro sila nakangisi. Hindi naman sa akin kundi sa apo ng mga amo ko.
“No! Stay here! Uuwi na din naman sila! At lalabas din ako, gusto ko pagbalik ko malinis na ang buong bahay! “ sagot naman sakin kaya medyo nakaluwang naman ako nang hinga. Kung aalis silang lahat madali ko lang matapos maglinis total malinis naman na ang loob.
“Ah, ok po! Linisin ko po ba lahat? “Tanong ko pa ulit at baka may ayaw niyang hindi ipagalaw mahirap na! Baka masigawan pa ako!
“Yeah, ikaw na ang bahala dito! Let's go Men! “ aya niya sa mga kaibigan niya, at isa-isa naman sumunod sa kanya, pero si Sir Grey nag biro pa sa akin kasi nag saludo pa na nagpaalam.
Kaya napa bungisngis ako! Na kinasama naman nang tingin ni Sir Marco at ikina lakas ng tawa ni Sir Grey.
“Anyway bakit ang aga niyo na andito, pinayagan ba kayo nang mga asawa niyo? “ narinig ko pang tanong ni sir Marco sa kanila.
“May asawa na pala sila? “ kausap ko sa sarili ko at narinig ko na lang na sinara ang pinto.
Kaya minadali ko na ang paglilinis, inuna ko na ang sala at baka babalik sila agad mas maganda yung malinis na!
Madali lang naman maglinis dahil may vacum cleaner naman siya ako na din ang bahala na nag hanap dahil hindi man lang niya sinabi sa akin kung nasaan ang kagamitan niya.
Pumunta na din ako sa kusina at pinagbuksan ko lahat nang cabinet! Nagulat pa ako walang laman kahit isa!
“Omg! Mayaman nga siya pero bakit walang laman ang kusina niya? “ kausap ko pa sarili ko!
“Kawawa naman maging katulong niya, buti pa kina lola maraming pagkain doon! “ sigunda ko pa pero pinagpatuloy ko na ang pagpupunas! Mahirap na baka ma judge niya ang linis ko.
Natapos ko na din ang kusina at maaga pa naman, pero gutom na ako, buti at nakapag dala pa ako nang tinapay sa bag ko, eto ang natutunan ko sa pag stay dito sa manila, yung laging may dalang tinapay at tubig saan man magpunta.
“Walang pagkain, walang tubig, ginugutom ba ako nang mayabang na yun? “ kausap ko sa sarili ko, kasi wala naman akong ibang kausapin kundi sarili ko lang.
Tanghali na pero hindi pa sila bumalik kaya naman umupo muna ako! Natapos ko na din ang banyo! Yung tatlong kwarto na lang ang hindi pa! Pero may narinig akong doorbell.
“Dingdong….! “ Tunog ng doorbell mula sa labas.
Kaya napatayo pa ako sa kinauupuan ko dahil mag aaluna na pala! Kaya pala na pagod na ako,
“Dingdong….!”
Tunog ulit nang doorbell, kaya napa takbo pa ako sa may pintuan, sumilip pa ako kung may tao sa labas dahil may bilog na maliit sa gitna ang pintuan.
Mukhang delivery boy ang nasa labas na may bitbit na hindi ko alam, pero mag do doorbell na naman sana kaya binuksan ko na.
Medyo nagulat pa ata siya!
“Ma’am akala ko walang tao! Delivery po! “ magalang niyang sabi saakin.
“Hindi po ako nag order yan kuya!” magalang kong sagot kasi hindi naman talaga.
“Sabi kasi nung tumawag ma’am, room 542 po kay miss Cassandra Alonzo ma’am. “ sagot niya sa akin na kamot-kamot pa nang ulo!
“Ako yun! “ turo ko sa sarili ko, kaya binigay na sa akin ang dalawang box!
“Opo kaya eto po para sa inyo ma’am! “ sabay abot sa akin ang two box hindi ko alam kung ano to pero na amoy ko parang pagkain, kaya tumunog pa ang tiyan ko!
“Wala akong pambayad kuya! “ bulalas ko pa sa delivery boy.
“Naku ma’am bayad na po ang kailangan ko lang ma’am ay ang pirma mo! “ Nakakatawang sagot sa akin sabay bigay ng ballpen at resibo.
“Ah, ganun ba kuya! Madali lang naman akong kausap… “ nakangiti ko pang sagot sa kanya at kinuha ko na ang ballpen at nag pirma na ako.
Hindi din naman siya nagtagal at umalis na siya, sinara ko narin ang pintuan at pumunta na ako sa kusina.
Binuksan ko na ang box at wow! Pagkain nga!
“Wow! Sino kaya ang nagpa delivery? “ kausap ko sa sarili ko,
“Malamang ang may ari ng bahay! “Sagot ko rin sa sarili kong tanong.
Habang kumakain ako, sinabayan ko pa ang kanta sa aking cellphone!
Pero katawan ko lang naman ang sumasabay dahil puno ang bibig ko!
Kaya hindi ko namalayan na may tao pala na nanonood sa akin.
“Ahm! Tapos ka na bang kumain? “ tanong niya sa akin na kina bilaukan ko pa kaya sunod-sunod akong naubo!
Medyo nag alala naman siya at inabot saakin ang tubig!
“Here! “ sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, pero yung titig niya saakin bakit parang pamilyar saakin! Kaya hindi ko maiwasan ang magtanong.
“Sir! Nagkita na ba tayo? “ tanong ko sa kanya na nagpa bago ang emosyon ng kanyang mukha! Na akala mo'y may nasabi akong hindi maganda.