Chapter 9

2537 Words
CASSY POV “O’ Hija nag-enjoy kaba? Na Pasyalan mo ba lahat sa labas? “ tanong sa akin ni lola Isabel ng nakapasok na ako sa loob. Pero pakiramdam ko may nakatitig sa akin. Kaya napa linga muna ako sa paligid. Dahil kanina pa ako nakaramdam ng ganito mag mula ng may parang kidlat. Pero tulad ng dati wala naman kapansin-pansin sa paligid. “Dios ko! Minulto ba ako doon sa may punong kahoy kanina? “ Peping bulong ko pa. “Cassy hija, “ Boses ulit ni lola kaya nag balik ang diwa ko. “Are you ok? “ tanong ulit saakin. Lumunok pa ako dahil pakiramdam ko umurong ang dila ko. “Um, opo lola sorry po. “ Nahihiya kong sagot sa kanya. “I’m worried for you hija, you look pale. Are you ok? “ Tanong niya ulit saakin. Napansin pala ako. Kaya ngumiti ko sa kanya. Ganito talaga ako kapag iba ang napapansin sa paligid. Bigla-bigla akong namumutla. “Lola, ok lang po ako. Wag po kayo mag alala saakin. “ Naka ngiti kong sagot sa kanya. Kaya agaw pansin na ako sa lahat. Lalo ang mga Madre na kasama ni lola Isabel. “Oh, Hija ok kalang ba? “ May pag alala niyang tanong saakin. Kaya medyo nahiya ako sa kanila. “Opo Sister. “ magalang kong sagot sa kanya. “Naku mukhang mahiyain ka hija, mabuti pa at sumama ka sa kanila para hindi ka mahihiya, “ sagot sa akin sabay turo sa mga bata. Pero nagulat na lang ako dahil may batang lumapit sa akin at ang lakas ng boses! “Mommy!! “ tawag niya sa akin sabay yakap! Napailing nalang si Sister sa akto nang bata pati din si lola natatawa na napailing, “Naku hija pasensya kana, ganyan talaga ang batang yan, lagi niyang tinatawag na Mommy kapag may nakikita siyang babae, katulad mo.” Sagot sa akin ni Sister, tinitigan ko ang bata ganun din siya saakin. Hanggang nagkakatitigan kami, yung mga mata niya parang nakita ko na, pero hindi ko lang maalala. Pero si ate Claribelle ang biglang pumasok sa isip ko. “Ate Claribelle“ bulalas ko! “Ikaw ba ang Mommy ko? “ tanong niya saakin na kinangiti ko, parang bibo ang bata. At ngayon masigla na ang boses. “Lola pwede po bang makipag laro sa mga bata? “ tanong ko muna kay lola at ngumiti naman ang matanda saakin pati ang mga Madre. “O sige hija, pagpasensyahan mo na sa batang yan hah, siguro busy pa ang Nanay niya sa kusina, kaya hinahayaan na naman siyang nakipaglaro sa mga bata” natatawa na sagot sa akin ni sister. “So may Nanay pala, pero bakit niya ako tinawag na Mommy? “ kausap ko sa aking sarili habang nakatitig ako sa bata. “Hi little man, anong pangalan mo? Pwede bang malaman? “ malambing kong tanong sa kanya, mukhang napagtanto naman niya na hindi ako ang Nanay niya. Dahil kumawala na siya sa akin. Nakatitig lang siya na para bang nag o-obserba saakin, kaya natawa ako sa akto niya. “Hey! Hindi ako masama, see kasama ko ang lola. Anong pangalan nang isang napaka cute na bata? “ malambing kong tanong ulit. Buti naman at bumalik na ang sigla ko dahil sa batang kaharap ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa batang to! Kung hindi ako nagkakamali nasa tatlong taong gulang ang bata. O higit pa! “My name is Zandro! “ masiglang sagot niya sa akin, na nganga ko na naman! “Zandro? “ pag uulit ko sa tanong niya, “Opo ate! Bakit po? “ balik tanong niya sa akin mukhang bibo ang bata! “Nasaan ang Mommy mo? “ tanong ko sa kanya! Pero tinuro lang doon sa dulo! “Anduon po siya! Bawal daw ako doon ate! Alam mo magkamukha kayo ni Mommy! “ sagot pa niya na ikina tambol ng puso ko. “Talaga? “ tanong ko sa kanya. “Hindi kaya? “ tanong ko sa isip ko! “Little man! Pupunta ako doon hah pero maiwan ka dito ok lang ba sayo? “ sagot ko sa kanya! Tumango naman ang bata tumayo na ako at pupuntahan ko ang kusina nang tinawagan ako ni lola! “Cassy hija halika! “ tawag niya sa akin kaya hindi ko na napuntahan kung nasaan ang Nanay nang bata. Pero nakatitig sa akin ang bata. Kaya binalikan ko siya at tinanong kung anong pangalan ng Mommy niya. Mukhang nagtaka pa. “Zandro anong pangalan ng Mommy mo? “ tanong ko sa bata, pero tinitigan niya lang ako, na parang bang nag iisip kung ibibigay ba niya ang pangalan na hinihiling ko. “Pasensya ka na ate, pero bawal ko po ibigay ang pangalan ng Mommy ko kasi magagalit po siya. “ nakayuko niyang sagot saakin. “Hah! Bakit siya magagalit? “ tanong ko pa pero tinawag ulit ako ni lola, kaya binigay ko sa bata ang cellphone number ko. “Zandro, sabihin mo sa Mommy mo tawagan niya ako dito, sabihin mo ang pangalan ko Casandra Alonzo ok? “ bilin ko sa bata, tumango naman, at umalis na ako. “Hija halika ipapasyal kita dito! Yung hindi mo na pasyalan kanina. “ masayang bulalas ni lola saakin. “Ok po lola. “ ganti ko naman sa kanya. Dahil sa totoo lang doon lang naman ako kanina sa may malaking puno tumambay. “Dito laging nagpupunta si Marco hija siya lagi-lagi ang kasa-kasama ko noon. “ Pagsisimula ni lola habang ako nakikinig sa kanya. “Alam mo ba nung dese-otso anyos pa siya sinabi niya saakin na nahanap na daw niya ang babaeng gusto niya! “ dagdag pa niya kaya bigla akong nagka interes sa kwento ni lola. Dahil natatawa si lola habang nag kwe-kwento. “Talaga lola? “ curious kong sagot. Hindi ko kasi lubos maisip na mag seryoso iyon sa babae. Mukhang babaero, mukha palang. “Oo pero binatukan siya ng Daddy niya! “ nakakatawang sagot ni lola. Kaya pati ako natawa din. “Po? Bakit po? “ Natatawa kong tanong kay lola. Kung ganun istrikto ang Daddy ni Sir Marco. “Hija. Paano siya hindi babatukan eh kay bata-bata pa ang gusto! Kaya naman ang ginagawa ko noon dinala ko siya dito. “ sabi ni lola saakin. “ Ganun pala lola, bakit naman daw siya nagkagusto sa bata lola? “ curious kong tanong, “Hindi mo na itanong hija, yung kaibigan niya na isa, nagkagusto din yun sa isang dose anyos na bata, pero alam mo ang nakakatawa? “ bulalas saakin sabay kaming naglalakad sa malawak na garden nang Bahay Ampunan. “Ano po lola? “ Excited kong tanong kay lola. Mukhang maganda ang kwento niya. “Sila ang nagkatuluyan ngayon. “ pagtatapos ng kwento ni lola sa sinabi niya. “Wow! Talaga lola? Ibig sabihin totoo pala ang ganun, Truelove? “ naka ngiti kong sagot sa kanya, at ngumiti naman saakin. “Oo Hija! Makikilala mo din sila kapag namasyal sila sa bahay! Minsan pumupunta din sila o kaya naman si Marco pumunta doon malay mo isama ka! “ bulalas pa saakin na kina ismid ko! “Ok kalang ba hija? “ tanong sa akin. “Opo lola sorry po! “ paumanhin ko sa kanya. “Bakit ba kasi niya lagi sinasali ang apo niya sa usapan! “ kausap ko sarili ko. “Alam mo mga eto, tanim ni Marco ang mga eto hija! “ sabay turo na niya sa mga halaman at namumukadkad ng iba't ibang bulaklak, hindi rin halata si lola no binibida ang nag iisa niyang apo saakin. Feeling naman ako! “Oh! Wow ang ganda lola! “ Masaya na sagot ko alangan naman na kontrabida ako buti sana kung yung mayabang niyang apo ang kasama ko. Pero totoo maganda talaga ang mga halaman dito. Iba't ibang klase ng mga bulaklak, pero ang kilala ko lang dito ay ang rosas. “Donya Isabel, pinapasabi po ni Sister Emelia handa na daw po ang pananghalian. “ pukaw sa amin ni sister, napaisip naman ako at tiningnan si sister. “Ako kaya, magma Madre din kaya ako? “ tanong ko sa sarili ko. Pero napa bungisngis nalang ako at kina taka pa ni lola, ganun din kay sister. “Salamat Sister. “ sagot naman ni lola Isabel sa batang Madre. At inaya na kami sa loob. Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilan na hindi magtanong sa matanda. “Lola! Bagay ko kaya maging Madre? “ sa wakas nailabas ko din! “Hindi mo bagay hija! “ Agad naman na sagot sa akin kaya sumimangot ako. “Sabi ko nga lola! “ yun na lang ang naisagot ko. Pero napansin ko sa peripheral vision ko na ngumiti si lola. At tuluyan na kaming pumasok sa loob. Hindi na ako nagulat ng dami nang bata sa hapag kainan at sabay-sabay pa silang bumati saamin especially kay lola Isabel. “Magandang tanghali po Donya Isabel, maraming salamat po sa maraming pagkain sa araw na eto at sa susunod pa po! Pagpalain po kayo nang Poong maykapal! “ sabay-sabay nilang bigkas at sabay pa nilang bow. Pero inisa-isa ko ang lahat wala yung bata kanina na kausap ko. “Oh, ikinagagalak kong makita kayong lahat muli mga apo! Walang anuman sa inyo! Masaya ako na napapa saya ko kayo. “ naluluha naman na sagot ni lola kaya lumapit ako sa kanya at hinaplos ang likod nito, at nagpasalamat naman saakin. Pero iginala ko pa ang tingin ko pero wala pa rin akong makita na anino ng bata! Pero napansin yata ako ni sister Emelia. “Hija may hinahanap kaba? “ tanong niya sa akin kasi si lola busy na siya sa ibang bata. “Sister yung bata kanina na lumapit sa akin nasaan na po siya? “ magalang kong tanong sa kanya. “Ah, siya ba hija! Naku umuwi na sila! Taga luto kasi nang Nanay nang batang yun! Umuwi sila kapag tapos na, “ sagot sa akin. “Sister. Pwede bang malaman kung anong pangalan niya? “ tanong ko sa kanya at mukhang nagulat pa siya. At tinitigan pa ako ng masinsinan. “Kilala mo ba siya hija? “ may pag-alala ng tanong sa akin. Kaya nagtaka pa ako. Dahil bakit pati ang bata kanina parang natakot nung bigla kong nagtanong ang pangalan ng Nanay niya. “Hindi po sister. “ magalang kong sagot. Paano ko makikilala eh hindi ko pa nakita. Pero kinuha niya ang kamay ko at hinaplos, at tumingin sa akin, na kina-antig nang aking puso. “Pasensya kana hija, pero aminin ko sayo, hindi lang ikaw ang nag iisang nagtanong about sa kanya, pero may protocol kasi kami dito na bawal ilabas ang information lahat ng nagtra-trabaho dito. “ sagot sa akin ni Sister, kaya tumango ako at naiintindihan ko siya. “Naiintindihan ko po Sister, pasensya na po kayo. “ magalang kong sagot, at ngumiti naman siya. Natapos ang buong hapon at ginugol namin ni lola Isabel sa kumbento. Naawa din ako sa mga bata na walang mga magulang, kaya maswerte parin kami nang ate ko na kahit mahirap ang buhay nakaranas kami ng maging masaya. At kumpleto ang pamilya. Ngunit ngayon naiwan sila Nanay at Tatay sa probinsya. Pagka alala ko sa ate ko nalungkot na naman ako! Pero napaigtad ako ng may mga palad na dumapo sa aking kamay. “Are you ok hija? Kanina kapa tulala, may bumabagabag pa sayo? “ nag alala ng tanong ni lola saakin. Andito na kami ngayon sa loob ng sasakyan dahil pauwi na kami. “Wala to lola. Naiisip ko lang po ang kapatid ko “ Magalang kong pag amin na sagot sa kanya. “Gusto mo bang umuwi sa inyo? “Tanong sa akin. Kaya napa tingala pa ako kay lola dahil naka yuko ako. Dahil nagpipigil ako baka tuluyan akong maiyak. “Hindi po lola, wala naman po ang ate ko saamin.. “ pag amin ko sa kanya na ikinalulungkot ko. “Pero kanina lola, parang nakita ko na siya kaya lang_! “ putol ko pang tugon sa kanya. “Nakita mo na? Saan hija? “ sagot sa akin. “Yung bata kanina lola na lumapit sa atin, parang kasi nararamdaman ko may connection siya sa ate ko po. “ naiiyak kong sagot. Dahil iba talaga ang kutob ko. “Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin hija para natulungan kita? “ Sagot n’ya sa akin. At naaninag ko sa kanyang mga mata na may pag-aalala. Kaya naman, sinabi ko sa kanya ang napag usapan namin ni Sister Emelia. Pagdating namin sa mansion tinawagan niya si Sister Emelia, gusto pa sanang bumalik kanina pero ako na ang tumanggi dahil baka gabihin kami sa daan. Lalo pa at malayo ang Angel’s Home sa Calamba. Labas na kasi ng Manila ang Angel’s Home. Pagkatapos ng lunch nagpaalam na si lola sa mga Madre. “Hija mauna ka nang magpahinga dahil bukas babalik tayo sa Angel’s Home, wag kang mag alala na kausap ko na si Sister Emelia” nakangiting balita sa akin ni lola. Kaya naman nakahinga ako nang maluwag. At kung hindi man siya ang ate ko at least sumubok ako. Buti nalang mabait talaga sila Lolo at Lola. “Salamat lola, goodnight po! “ pasasalamat ko sa kanya at nagpaalam na din ako. Iniisip ko din kong anong dahilan niya noon bakit biglang umalis at ganun nalang ang galit niya kay Sir Zander. Pero sa araw na yun meron pa siyang sinabi sa akin bago umalis na hindi nagpaalam. “Cassy. Wag mong pababayaan sila Nanay at Tatay hah! Kapag nawala ako alam ko makakalimutan din ang mga tao! Ang kahihiyan na ito. Basta pangako mo tapusin mo ang pag-aaral hah. “ sabi pa saakin noon pero taliwas naman ang nangyari. Sa pagkawala nang ate ko! Mas lalo pa kaming kinutya nang mga tao! Dahil daw magnanakaw kami kaya umalis nalang ako at hanapin ang ate ko. “Ate ano ba talaga ang nangyari? “ kausap ko ulit sa sarili ko. Dream……. “Cassy! “Tawag ng isang lalaki sa madilim na part kung saan ako naglalakad pauwi. Galing sa school. “ Kuya Diego “ bulong ko, dahil eksaktong tumama ang kanyang mukha sa liwanag ng buwan. “Anong ginagawa mo dito? “ tanong ko sa kanya pero nginisihan lang ako kaya bigla akong nakaramdam ng takot. “Kung sinuswerte ka naman oh! “ bulalas pa niya kaya mas kinabahan ako. Tumingin ako sa paligid pero walang katao- tao! “Kuya Diego b-bakit po? “ nanginginig kong tanong sa kanya ngayon ko naalala ang sinabi ng ate ko sa akin noon. At lumapit na siya sa akin. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya. Ngunit parang namamanhid ang buo kong katawan. Hanggang sa may tumigil na isang sasakyan at pilit akong pinasakay sa loob. Hanggang sa sumigaw ako! “Wag po! “Wag po! “ Hingal na hingal akong napabangon mula sa kama. Bakit bumabalik ang masamang bangungot mula sa nakaraan na pilit ko nang kina kalimutan. Napa hawak pa ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng t***k. Nanginginig na din ang aking buong katawan sa sobrang takot. Umupo ako sa gilid ng kama yakap ang aking sarili at hindi ko mapigilan ang umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD